Chapter 1 "Simula"

135 8 10
                                    

A/N: Hi again!!! My 2nd story, hope you like the new kind of characters from "Pangarap Lang" , may pagbabago lang dito ng konti... hahahaha, okay guys, enjoy reading until the end, *^▁^*
~~~~~
Trixia's POV
(Bahay Ampunan, June 6, 20**, Monday)
(5:30am)
Maaga akong nagising ngayon kaya nagdasal muna ako sa Panginoon dahil panibagong araw na naman ang haharapin namin, panibagong araw na tiyak ay may pupunta na naman na mag-aampon sa kapwa naming nandito sa ampunan,...

Kilala ako bilang Trixia, Trixia Lorico Reyes, 10 years old at may kakambal din ako, si Cristine... nasa ampunan kami simula noong bagong silang kami, iniwan daw kami ng mga magulang namin sa labas ng gate nitong ampunan, kasama daw namin sa basket ang sulat na iniwan ng mga magulang namin, ang sabi daw doon, kinuwento sa amin ni Inang Mary na humihingi sila ng tawad dahil hindi sila nagpakita nung iwan kami, natakot daw kasi sila na baka hindi kami mapaghiwalay ni Cristine, dahil daw sobra kaming magkadikit, yung siamese twin ba? Kasama pa din dun sa sulat na takot din daw silang hawakan kami dahil nga magkadikit pa kami at bagong silang kami noon, hindi naman literally na new born, yung mga 1 week old pa kami nun, kasama din sa sulat yung mga pangalan namin kasama yung family name namin kaya hindi na mahihirapan pang mag-isip sina Inang Mary at yung iba pang nagbabantay at nag-aalaga sa amin dito, kasama din ang araw kung kailan kami isinilang, yun ang kinuwento sa amin ni Inang Mary...

Ngayon ay Grade 6 na kami at first day din namin ngayon, at hindi kami lalabas ng Bahay Ampunan dahil may school na dito, Elementary hanggang Highschool, pero ang highschool building dito ay walang gumagamit, parang College lang kami na nag-do-dorm sa loob ng campus, hahaha...

Natapos na akong mag-ayos ng sarili ko at lumabas na ng kwarto namin ng kakambal ko, bumaba ako mula 2nd floor ng ampunan at dumeretso ako sa hapagkainan namin, sabay-sabay kaming kumakain, kahit mga under 5 years old or 7 years old kasabay naming kumain, syempre with help ng iba pang nag-aalaga sa amin...

Nakarating na ako sa hapagkainan namin at nakita ko si Ate Jade , ang pinakaclose ko sa nag-aalaga sa amin, pero lahat naman kaclose ko, hahaha...

Nagluluto si Ate Jade ng umagahan namin, lumapit ako sa kanya at nagsalita...

"Good Morning, Ate Jade..."

Bati ko kay Ate, at sinilip ko yung niluluto nya at nagtanong naman...

"Anong niluluto mo Ate?"

"Ohh.. ikaw pala Trixia,"

Pansin ni Ate at sinagot nya naman yung tanong ko,

"Favorite nyo ang niluluto ko syempre, at nako, sigurado akong mag-aagawan kayo dito, lalo na kayong apat.. hahaha..."

Tukoy ni Ate sa amin ni Cristine at sa dalawang lalaki na kambal, sina Geryanne at Kervy, bestfriends kaming apat at totoo ang sinabi ni Ate kanina, lagi kaming nag-aagawan sa pagkain kapag favorite namin ang nakahain, hahaha...

"Good Morning Ate Jade! Good Morning din pala Trixia!"

Biglang sulpot nung tatlo, sinong tatlo? Sina Cristine, Geryanne at Kervy, sabay-sabay silang bumati sa amin,syempre bumati din kami...

"Hmmmm... ang sarap nung naaamoy ko, favorite ba namin yan Ate Jade?!"

Amoy ni Cristine at sabay tanong kay Ate Jade, nung narinig nung dalawa yun, bigla silang sumugod sa pwesto namin ni Ate Jade, hahaha, halatang gutom yung dalawa, hahaha...

"Hmmm... favorite nga natin!!!"

Sigaw naman nung dalawa, hahahaha, gutom na nga, naglalaway ehh, hahahaha, joke...

"Hala... mahihirapan ata tayong makipag-agawan sa kanila Kambal mamaya... halatang gutom sila ohh... naglalaway... yuck! Hahahaha..."

Sabi ko naman sa pabirong paraan, at syempre, tumawa naman si Kambal at si Ate Jade habang nagluluto si Ate, napatingin naman yung dalawa sa amin na nagtatawanan, ang sama ng tingin, pero ilang segundo lang, nakitawa na din sila...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon