Chapter 13 "Kaibigan Muna"

18 3 0
                                    

A/N: Hello guys, buti at nakapag-update ako, hope you enjoy reading and don't forget to Vote. Comment. Share. Thank you and God bless...*^▁^*
~~~~~
Trixia's POV
(August 25, 20**, Sunday, 3:00pm)
(Lorico-Reyes Residence, Washington, America)
(Garden)
Nasa garden ako ngayon para makapag-relax, at para makapag-isip-isip na din nang mga natatandaan kong mukha sa panaginip ko kahapon, hindi ko talaga maintindihan na kung bakit napaginipan ko yun bigla...

Naglalakad-lakad ako ngayon sa garden, nasa may fountain ako ng may biglang tumawag sa akin, nilingon ko naman yung taong tumawag sa akin, si Kuya JB pala...

"Trixia!!"

"Ohh, Kuya JB, ikaw pala... anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba kay Kuya James? Wala si Kuya dito ehh... may lakad daw sila nina Kuya Boom at Kuya Rocky..."

Sabi ko naman at sunud-sunod na tanong, bakit nga ba nandito si Kuya?

"A-ano, i-ikaw talaga ang pinunta ko dito..."

Pautal-utal na sagot ni Kuya JB, bakit naman nauutal si Kuya? At bakit naman ako talaga ang pinunta nya dito?

"May aaminin kasi ako sa'yo, uhm... g-gusto kita... at nasabi ko na sa Kuya mo na kung pwede ba kitang ligawan, kahit na hindi nya pa nasasagot yun... ikaw na lang ang tatanungin ko... kaya... p-pwede ba kitang ligawan?"

(*gasp*) O.O!?

Ano daw? (*gulp*) g-gusto ako ni Kuya JB?! Unexpected! Grabe! Pero, di nga?

Hala, anong sasabihin ko?

Okay, I admit na gwapo si Kuya JB, mabait, maaalalahanin, bestfriend ko nga si Kuya ehh, pero, hanggang dun lang yung tingin ko kay Kuya,..

"Uhm.. a-ano, K-kuya, hindi ko talaga ine-expect na magugustuhan mo ako, bestfriend nga kasi tayo diba? Saka, hindi pa ako ready sa mga ganyan... kaya... kaibigan muna ang unahin natin Kuya... besfriends forever diba? Ikaw pa nga ang nagsabi nun..."

Sabi ko, yan lang ang nasabi ko, basta para kasing umatras bigla yung dila ko, kaya yan yung nasabi ko...

"(*fake smile*) unexpected ba? Pasensya ka na, nagustuhan kita ehh, pero, tama ka nga, bestfriends forever tayo, kaya kung mainlove man ako ako sayo, sa huli  kaibigan mo pa rin ako... di bale, kapag may nanakit sa'yo, nandito lang ako..."

Nagulat ako sa naging sagot ni Kuya, may halong lungkot, kaya lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya at saka nagsalita...

"Pasensya ka na Kuya, hindi pa kasi ako handa, at ang bata ko pa para dun... iniisip ko pa din kasi kung bakit bigla kong napaginipan yung mga taong nakalimutan ko dahil sa amnesia ko..."

"Okay lang yun, expected ko naman na yan ang isasagot mo ehh... basta lagi akong nasa tabi mo para tulungan ka sa mga problema mo..."

Sabi naman ni Kuya JB, at hinigpitan nya naman ang yakap nya...

"Nga pala, Trixia, ang sabi sa akin ng Kuya mo, kasali na daw kayo ng kakambal mo sa Campus Royals? Hindi mo man lang sinasabi sa akin.. nakakatampo naman..."

Bumitaw si Kuya JB sa yakap namin at binanggit ang tungkol sa Campus Royals...

Tama ang sinabi ni Kuya JB, kasama na kami ni Cristine sa Campus Royals, magiging busy na din ako dahil dun, saka kasali din kaming mga Campus Royals sa Intramurals, ang sports ko? Swimming, pero kung sa LRIU- Main Campus sa Pilipinas kami kasali, baka badminton, volleyball o basketball ang salihan ko...

Kaya naman swimming ang napili kong salihan dito kasi maganda at maayos ang lugar na pinag-t-trainingan naming mga players...

Bukas ang unang laro namin, sana naman maging maayos at masaya ang laro...

-----

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now