We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

surreptitiously.

19 2 0
                                        

Habang nakaupo sa sofa at balot na balot ang sarili sa makapal na kumot, hinipan ko ang ibabaw ng mainit na tsokolateng tinimpla ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa TV dahil sa kasalukuyang binabalita.

"Misteryosong pigura, nanalakay na naman sa isang bar ngayong gabi lang! Ang motibong nakikita ng mga awtoridad ay ang pagnanakaw sa mamahaling alahas na nakalagay sa isang vault."

Napailing na lang ako sa narinig.

"At tulad ng nakaraang araw, dumating ang ating tagapagligtas para pigilin ang hindi makatarungang-kilos..."

Napasinghal ako habang pinapanuod ang CCTV footage ng labanan ng misteryosong pigura at tagapagligtas sa loob ng opisina ng may-ari.

Hanggang ngayon ay hindi matukoy ang kasarian ng misteryosong pigura dahil sa suot nitong malaking kapa at nakasaklob pa ang kaputsa. Sa ibang anggulo ay kapansin-pansin na may suot itong full-face, black masquerade mask. Nangingintab pa ang ilang kristal na nakadikit doon.

Sa kabilang banda, nakatitiyak ang mga mamamayan na lalaki ang kasarian ng tagapagligtas kahit nakasuot ito ng half, white masquerade mask. Hindi kasi ito tumatangging magpa-interview pagkatapos itaboy ang kalaban.

"Maraming salamat sa iyong ginawang kadakilaan. You really are the town's superhero!"

"Salamat sa maagang pagtawag sa akin."

Napairap ako nang mapansing tila nagpapa-cool ito sa camera. Pinapagpag kasi nito ang suot na white formal attire kahit hindi nadumihan. At hindi ko rin alam kung anong trip ng superhero na 'to. Parang ang hirap-hirap kayang makipaglaban kapag iyon ang suot. Siguro gusto lang niyang ma-emphasize ang matingkad na pulang kulay ng buhok.

Mukha namang manok.

Ilang beses ni-replay ang video clip kung saan ibinalibag ng tagapagligtas ang misteryosong pigura sa pader. Halatang nasaktan ito kaya para makatakas ay binasag nito ang salamin ng bintana bago tumalon palabas. Humabol at sumilip pa ang tagapagligtas ngunit agad ding napasalampak sa sahig. Nakalambitin kasi ang misteryosong pigura at buong lakas na sinipa paloob ang tagapagligtas bago tuluyang umakyat sa pader.

It may look like scenes from a movie. But this is really happening in our town.

"Ano ang maaari naming itawag sa iyo?" tanong ng newscaster sa tagapagligtas.

Napahinto nang bahagya ang tagapagligtas bago ngumiti sa camera.

Or let me just say, he smirked, na parang nang-aakit. Kung wala siguro siyang suot na mask ay baka kumindat pa siya.

"Flare," tipid na tugon niya.

"Ayan na nga po mga kababayan, may pangalan na ang ating tagapagligtas! At ito ay walang iba kundi si Flare..."

Nang lubayan siya ng newscaster upang kausapin ang camera ay nakita ko sa background kung paano pagkaguluhan si Flare. May mga humahaplos sa damit at buhok niya na para bang siya ay poon. Marami ring nagpapa-picture at nagpapa-autograph.

Napahigop ako mula sa baso, napansin kong kulang iyon sa tamis ng tsokolate. Tatayo na sana ako nang marinig kong bumukas ang pinto.

"Edgar," malambing na tawag ko sa kanya.

Ang pagkalukot ng kanyang mukha mula sa paglapag ng kanyang gamit ay lalong lumala nang siya'y lumapit sa pwesto ko.

Isinalampak niya ang sarili sa tabi ko at yumakap sa akin. "Hindi na... Love?"

Pasimpleng umirap ako dahil may pagtatampo sa naging tono niya. "Love."

Bumuntong-hininga siya at sumiksik sa leeg ko. At bago pa matapon ang tsokolate sa kumot ay ibinaba ko ito sa center table.

surreptitiously.Stories to obsess over. Discover now