CHAPTER 110 : INTERHIGH

Start from the beginning
                                    

"Psh! Hindi ko nga rin alam kung nasaan e hahaha.. sabi nya may pupuntahan lang daw sya pero babalik rin yun hehe.."

"Sus.. sino namang pinuntahan!? Baka si Randall!? Hahahaha!"

A-Ano!?

"H-Hoy.. wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo.. kasama naming yung kapatid ng girlfriend ni Randall.."

"Ha?? Sino dyan!?"

"Yung gwapo sa likod ko.." dinig ko paring sabi ni Parrot don sa tomboy na tinawag nyang Saruh.

"Sino dyan!? E gwapo lahat yan e!"

Ano pa nga ba!?

"Basta.. isa sa mga yan hehehe.."

"E ikaw? Wala ka pa rin bang boyfriend??"

"Hahahaha.. wala pa.. Bakit?! Bibigyan mo ba ako!?"

"Hahahaha.. hindi na kita kailangang bigyan dahil andami namang nagkakagusto sa inyo ngayon dito.. kung san san ko nga naririnig yung mga pangalan nyo e.. Lalo na yung kay Maxpein hahaha.."

Sino namang nagkakagusto sa kanya!? Bukod sakin sino pa?! Badtrip! Hindi naman sya maganda! Talentado lang talaga sya! Mga walang taste!

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang inis na naramdaman ko nung marinig ko ang sinabi nung tomboy na yun kaya naman mabilis akong tumayo at naglakad palayo..

"Hey, where are you going?" tanong ni Lee na humabol pa sakin.

"Hahanapin ko si Taguro.."

"Huh? Why?"

"Because I want to.."

"Does that mean that you want her too?" nakangisi pang tanong nito. Tinignan ko lang sya ng masama at saka ako inis na naglakad papalabas.

Kasama nya nga kaya si Randall??

Alam nya ba kung panong nakakabwisit sa pakiramdam yung parang halos na lang yata ng students dito e alam yung tungkol sa kanila ni Randall!? Nakakabadtrip yung sa twing maririnig kong babanggitin nila yung pangalan mo.. kasunod na yung pangalan nung Randall na yun! Tapos niloko ka lang naman! Badtrip!

Inis akong nagtuloy sa paglalakad ko at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay tama ang ginagawa kong pagtahak sa daan papalabas ng SIS..

Hindi na ako kalayuan sa gate ng SIS nung marinig ko ang tunog ng motor ni Taguro at maya maya lang ay dumaan na sila sa harap ko..

Nakaangkas si Gonza sa likod nya na mukhang enjoy na enjoy sa pagkakasakay sa motor nya!

Akala ko ba hindi sya nagsasakay sa motor nya!? Badtrip!

Nakaramdam ako ng matinding inis at halos wala ng paglagyan ang inis ko!

Ramdam ko rin ang pagkakakunot ng noo ko! Kung makikita ko lang sigurado ang sarili ko ay makikita kong hindi na maipinta ang mukha ko!

Inis akong naglakad pa ng bahagya papalapit sa gate kung saan alam kong madali nila akong makikita dahil don ang daan nila..

Kitang kita ko pa kung paanong pinagmamasdan ni Taguro si Gonza hubarin ang helmet at iabot pabalik sa kanya saka tuwang tuwa parang bata na hinimas pa ang motor nya!

"Wooohh! Ang cool mo grabe hahahaha! Ang bilis pero swabe! Ang astig nitong motor mo ah! Mahal siguro yan!?" sabi ni Gonza na nakangiting bumaling kay Taguro.

"Bilisan mo na.. baka malate ka.."

"Hehehehe.. kelan ba natin uulitin 'to?!"

"Hindi na..." seryosong sagot ni Taguro at saka eksaktong bumaling papaharap sa gate at nagtama ang paningin namin..

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now