Labimpito

6.2K 233 20
                                    

"Ahhhhhh!!" sigaw ko nang nakapikit pagkalapit ng kutsilyo. Hindi ko inasahang gagawin ni Anthony sa akin ito kaya hindi na ako nakailag pa.

Sa maikling sandaling iyon, maraming pumasok sa isip ko. Matatapos ang buhay ko nang hindi nakagraduate sa kolehiyo. Paano na sina mama? Hindi ko na rin malalaman kung sino ang pumatay kay papa. Higit sa lahat, wala pa akong lovelife.

Pero makalipas ang ilang saglit, hindi pa rin ako nakaramdam ng sakit. Namamanhid ba kaagad ang tao pagkamatay nila? May narinig akong pag-iyak. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata. Nakita ko ang malapit na mukha ni Anthony na punum-puno ng pagdurusa. Napansin kong hawak pa rin niya ang kutsilyo na nakatusok sa pader sa gilid ng mukha ko. Agad kong niyakap ng mahigpit si Anthony. Hinagod ko ang likod niya.

"Kuya, anong problema?" tanong ko rito. Kailangan niya ng tulong. Parang may mabigat talaga siyang pinagdadaanan.

Hindi siya sumasagot sa tanong ko. Puro singhot at mahihinang iyak lang ang naririnig ko. Bumagsak na rin ang kutsilyong hawak niya. Isiniksik pa ni Anthony ang mukha niya sa gitna ng balikat at leeg ko. Para siyang batang natatakot at nagtatago sa kanyang ina. Naramdaman kong unti-unti nang nababasa ang damit ko dahil sa kanyang luha. Nanatili lang kaming magkayakap sa sumunod na limang minuto.

"Okay na ba, kuya?" tanong ko dahil na rin sa ngalay na naramdaman ko.

"Sorry," paumanhin niya sa akin pagkakalas mula sa yakap.

"Okay lang, kuya. Upo ka muna," anyaya ko saka inalalayan siya sa malambot na sofa. Tinungo ko ang ref niya para kumuha ng tubig. Wala na akong paki. Pinakialaman ko na ang mga gamit niya.

"Inom ka kuya," abot ko sa kanya ng baso ng tubig. Kinuha niya naman ito. Pagkatapos uminom, nanatili lamg siyang nakatitig sa harap niya. Nakapagtataka. Bakit parang siya pa ang mas mukhang traumatized? Hindi ba dapat ako kasi feeling ko katapusan ko na kanina.

"Sige lang, ilabas mo iyan kuya," sabi ko sa kanya.

"Yung sinabi ko kanina. Totoo yun. Ako ang pumatay sa sarili kong ama," pag-uumpisa niya. Nagulat ako. Hindi naman siya mukhang killer.

"M-m-may dahilan ka naman siguro kung bakit mo ginawa 'yun diba?" natatakot kong tanong.

"Napakawalanghiya niya. Minomolestiya niya ako tuwing nalalasing siya. Wala akong kalaban-laban noon. Kapag umaayaw ako, sinasaktan niya ako. Siya ang may gawa ng peklat kong ito," pagsasalaysay niya pa sabay turo sa mahabang marka sa kaliwang pisngi niya.

"Kaya napuno ka na at pinatay mo siya," hula ko naman.

"Hindi pa. Sa katunayan nga, natakot ako sa kanya ng sobra. Sinusunod ko lang lahat ng gusto niya. Minsan nga, ako na ang kusang naghuhubad pag-uwi niya. Pero nag-iba ang lahat nang pati si nanay ay sinasaktan niya na rin," pagdugtong niya sa kuwento.

Hindi muna ako nagreact. Ilang sandali pa'y sinundan niya rin ang kanyang salaysay.

"Yun pala, hindi niya na mahal si mama. May kabit siya. Narinig ko pa isang gabi ang usapan nila ng bago niyang kinakasama. Pero lalo akong nagalit nang malamang sa lalaki niya pala pinagpalit ang nanay ko. Bakla ang tatay ko. Sa batang edad ko, napuno na ako ng poot sa tatay ko. Isang araw, hindi ko namalayang, sinaksak ko na pala nang sobrang dami ang natutulog kong ama. Napuno ng dugo ang kanyang kama. Ako mismo ay hindi makapaniwala sa nagawa ko," madamdamin niyang pagkukuwento. Lumuluha na naman siya.

"Si mama. Si mama ang unang nakakita sa krimeng nagawa ko. Umiyak siya nang mahina sa tabi ni papa. Hindi nalaman ng mga tao ang tunay na nangyari. Dahil may pera kami noon, nagawang itago ni mama sa pulisya ang sikretong ito. Pero nagdaan ang mga araw, hindi yata matanggap ni mama ang mga nangyari. Dinepress niya ang kanyang sarili hanggang manghina na siya. Natagpuan na lang ng aming katulong na patay si mama sa banyo. Sinisisi ko ang aking sarili sa pagkawala ng mahal na mahal kong ina," pagtatapos niya sa kuwento.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon