Labing-anim

6.6K 231 10
                                    

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang paghalik sa akin ni Rico.

Naramdaman ko ulit ang mabilis na tibok ng aking puso. Unang kita ko pa lang kay Rico, hinangaan ko na siya dahil sa kanyang itsura pero kinalimutan ko iyon. Hindi ko pinansin.

Bata pa lang kasi ako, alam kong nagkakagusto na ako sa kapwa ko lalaki. May kakaiba akong nararamdaman kapag nakakakita ako ng lalaking nakahubad at maganda ang katawan. Napapatitig ako sa mga gwapo. Kinikilig ako sa mga kalaro kong nang-aakbay. Pero lahat ng ito ay inalis ko sa aking isip mula nang mamatay si papa. Hindi makatutulong ang kabaklaan kong ito para maiahon ang aking pamilya mula sa kahirapan. Natakot din ako sa kahihiyan na maaaring maging kahihinatnan kung ipagpapatuloy ko ito.

Kaya naman nagpokus na lang ako sa pag-aaral noong high school. Pinilit kong itago ang tunay na ako. Nakalimutan ko rin ito sa tulong ng pagkakasubsob ko sa pag-aaral. Pero ngayon, naguguluhan na naman ako. Nalilito. Hindi naman sa may nararamdaman na ako kay Rico pero parang nabuhay ang isa ko pang katauhan nang dahil sa kanya. Nang dahil sa pesteng halik niya.

"Hayyy," malalim na buntong hininga ko bago hanapin ang aking antok.
———————————

Hindi ako makapag-concentrate sa lesson namin sa Physics ngayon na Newton's Laws of Motion. Walang pumapasok sa utak ko. Bakit? Kasi iniisip ko kung anong pag-uusapan namin ni Rico mamaya. Anong sasabihin ko? Hay naku.

Dumating ang oras ng Filipino. Napakaganda ng topic namin palagi sa klaseng ito. Katulad ngayon, ang lecture namin ay tungkol sa pinagmulan ng wikang Filipino. Okay sana kaso ang delivery ni Mrs. Dela Cruz ay sobrang nakaaantok. Kaya heto ako, gusto na ring umidlip.

Nagulat na lang ako nang may marinig akong nagtatayuang mga estudyante. Nakatulog pala talaga ako. Nagmadali ako sa pag-aayos ng gamit ko bago umalis sa aming classroom. Magkikita pala kami ni Rico ngayon. Pero saan?

Tinignan ko kung nagtext siya pero wala akong natanggap. Binalikan ko ang text niya kagabi.

Tomorrow lunch. Let's talk please.
From: Rico

Dahil hindi ko alam kung saan, nagtext ako.

San ka?
To: Rico

Naghintay ako ng reply niya pero wala akong nakuhang sagot. Paano ko malalaman kung saan? Bahala na nga. Susubukan ko sa Literature Building canteen dahil doon kami nagpractice ng script dati.

Pagdating ko roon, wala siya. Chineck ko ang phone ko. Wala ring reply. Ah! Baka nasa fourth floor siya. Dali-dali akong tumakbo paakyat. Hingal na hingal akong nakarating sa dati kong tambayan.

"Wow naman. Talagang dito mo pa naisip makipag-usap noh?" tanong ko kay Rico na kampanteng nakaupo at nagpapahangin sa may pinto ng fire exit.

"I knew that you'd go here," nakangiting sagot ni Rico pagharap niya sa akin. Lalong naningkit ang kanyang mga mata.

"So what are we gonna talk about?" masungit kong tanong. Kunwari malaki pa rin ang galit ko sa kanya. Nawala tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Are we still friends?" maikli niyang tanong sa akin.

"What do you think?" pagsagot ko sa kanya ng isa ring tanong.

"Uhmm yes?" hindi niya siguradong tugon.

"I didn't ask what you want. I said what do you think," pambabara ko rito.

"Okay fine. I'm so sorry. I didn't know. I became insensitive. I was very careless yesterday. Forgive me. Please, I still want to be your friend," pagmamakaawa at paghingi niya ng tawad.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon