BOOK 4 > Ch. 21 ~THE PARAMOUR'S ENGAGEMENT RING~

Start from the beginning
                                    




" Lizbeth, try to look as if you're so in love with me. Saan ka nakakita ng girlfriend na inalayan ng kasal, pero hindi naman maipinta ang mukha? Look at your Lebanon, sweetheart. That's the kind of reaction you get from a man who regretted that he even thought of letting go the girl. Nope, nope! Don't look at him, Lizbeth! Just act as if he does not exist, OK? Relax. Ride with me. "




And sabi ni Zep na tuluyan ng dumistansiya sa kanya. Lumapad ang ngiti ng binata, habang ang isang kamay nito ay nakipag-holding hands sa pinaka-malapit niyang kamay. Elizabeth swallowed hard. She's suppose to play this smoothly. Hindi rin niya alam kung bakit ginagawa ni Zep ito para sa kanya. Maybe because mas malinaw sa kanilang dalawa ang napag-usapan nila kanina sa kotse na mas nag-eenjoy silang dalawa bilang magkaibigan lamang? Not that binabasted niya si Zep. Mas lamang siguro ang katotohanan na na-realize nilang dalawa na hindi sila pang boyfriend/girlfriend material sa isa't-isa.


Sabay silang ngumiti sa media na lumapit upang kuhaan sila ng picture. Maya-maya pa'y parang tumatakbo pang lumapit sa kanya ang dalawa niyang best friends na si Geneva at Nadia. Una siyang niyakap ni Geneva na umiiyak pa. Ang kaibigan niyang ito'y parang walang paglagyan ng saya, lalo na at si Zep ang akala nitong pakakasalan niya. Clearly, hindi nito gusto si Lebanon para sa kanya. Nang si Nadia na ang yumakap sa kanya, ay hindi malaman ni Elizabeth kung bakit dinaig pa nito ang namatayan sa lungkot. Nakayakap ng mahigpit sa kanya ang loveliest woman of the day, nang ito ay magsalita.




" You don't have to do this, Sissy. Com'on! Hindi si Zep ang mahal mo! Please, 'wag ka pakakasal sa maling dahilan! Mahal mo pa si Lebanon, hindi ba?! What are you doing! You still have enough time to back out! Don't do this! "




Ang sabi ni Nadia na siniguradong hindi maririnig ni Geneva ang kanyang sinabi. Magkaibigan silang tatlo at halos lahat ng bagay ay magkakasundo sila. This time though, mukhang may ibang opinyon si Nadia na hindi umaayon kay Geneva. Lumayo ito kay Elizabeth, saka pinisil ang mga balikat ng kaibigan. Bumuntunghininga si Elizabeth. Alam niya ang sagot sa lahat ng mga katanungang nagfa-flash sa kanyang utak. Ngunit hindi lahat ng katotohanan ay tama. Si Lebanon ay hindi para sa kanya. May tao silang naagrabyado. Nasaktan. Hindi na niya kaya pang agawan ng fiancee ang babaeng nasa bingit na ng kamatayan.




" I guess this calls for a big celebration! Congrats pare! Elizabeth, napakaswerte mo kay Zep! Matagal ng patay na patay sa'yo 'to eh! "




Ang sabi ni Matt na tinapik pa ang braso ni Zep na malapad na ngumingiti. Nasisilaw si Elizabeth sa patuloy pa ding pagki-click ng mga camera ng media. Wala siyang choice kundi ang ipilig ang ulo sa kaliwang bahagi para iwasan ang nakakasilaw na mga ilaw. Then she wished she hadn't. Saktong pagharap niya sa kaliwa ay nagkasalubong sila ng tingin ni Lebanon. He was still standing in between Rafa Armand and Vlad na halatang mahinang kinakausap ang binatang namumula sa galit, ang mga mata nito'y kulang na lang ay maglabas ng apo'y sa kanilang direksyon. Iniiwas ni Elizabeth ang tingin sa binata. Kumapit ang mga braso niya sa braso ni Zep para sa suporta. Once again, hindi niya alam kung ano itong pinasukan niya. Pero mas mabuti na ang ganito. Ang mapaniwala niya ang lahat at si Lebanon na wala ng patutunguhan ang relasyon nila, dead end, na matagal na dapat niyang ginawa. Sa nanlulumong mga tuhod, sumunod siya kay Zep kung saan ito pupunta, habang ang ibang mga paparazzi ay sinubukan silang hingan ng statement.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now