To: Kiara

Hey !! Can i come over? Makikikain lang. Bankrupt.

From: Kiara

Gaga!! Sigeee. Madami naman yung niluto ni yaya na ulam mga favorite mo. Mga daga , aso , pusa at cockroach.

*peeepp**peeppp*

The effff muntik na ako mamatay dahil lang sa kiara na to ahhh!!

To: Kiara

Fck! Nakakadiri ka! Sige na handaan mo ko diyan dahil muntik na akong mamatay " last text ko na yun baka kasi mabangga pa ako. Wag kayo magalit diyan alam naman natin na ginagawa niyo din to yung nagdadrive habang nagtetext.

Paano kaya pag nagconfess sa akin si marco at nag text sakin si kuya na na hospital si dad at kailangan kong itext si kuya para malaman kung sang hospital si dad at kailangan ko din eh text si marco na mahal ko din siya. Sino kaya yung unang itetext ko?. Nakooo syempre si kuya kung talagang mahal ako ni marco aba makakahintay siya sa text ko at alam ko naman na hindi niya ko iiwan eh. Ano ba tong iniisip ko para akong tanga. Ano bayan jessie.

*peepp**peeppp**

Nandito nako kila kiara nakooo gutom na talaga akoooo!!!

"Hello mam jess" uyy si manong guard nandito?? Akala ko day off niya pag saturday.

"Hooyyyy bruhildaaaaaa!!!! Wala ka dalang pagkain??!" pagkababa ko ayan agad yung bumungad sa akin. Yung bunganga ni kiara na sobrang ingay. Kahit na kamustahin niya ako mas inuna pa mag ingay nakakarindi sa pandinig.

"wala! You're such a meannie. Kaya parati kayo nag aaway ni sofie eh. Sige na pakainin mo lang ako diyan." Kaya palagi sila nagaaway kasi bully silang dalawa. Mabuti pa kami ni nat mabait at walang ka arte arte.

"Ayun sa kusina" pumunta na ako sa kusina. Sige feel at home lang jessie. Pagpasok ko sa kitchen nila iba din tong si kiara. Talagang pinaghandaan yung pagdating ko.

"Ang sasarap ng ulam mo girl! bongga! Bangus , chicken , letchon baboy , adobo at lumpia!! Sino may birthday??" talagang pinaghandaan nila yung pagbisita ko diyo. Nahihiya tuloy ako.

"Gaga pinabili yan lahat ni kuya paul. Pupunta kasi siya dito kasama yung friend niya. Si maja bianca daw!" Ahhhh kaya pala. Akala ko naman para lahat saakin to. Nag expect nanaman si jessie niyo 😂

"tsk sige na nga lang makikishare nalang ako dito. Bibilisan ko nalang ditong kumain aalis din naman ako. Tapus pag dumating na mamaya si kuya paul pakisabi kumain ako dito. " kumain na kaagad ako gutom talaga ako at itong si kiara kung maka tiger look sa akin parang wala kami pinagsamahan. Kala mo kung sinong sexy. Ang bad ko naman nakikikain na nga lang ako dito.

*peeepp**peep*

"Nandito na si paulito" halaaa nandito na siya last nato isang subo nalang sandali.hihi DONEEEE!

"Uy jessie !! Nandito ka pala" timing yung pagdating ni kuya tapos na din ako!! wahhh namiss ko siya kaya niyakap ko kaagad siya at nagbeso.

"hindi kuya picture ko lang to." close na kami nitong paulitoo na to. Eh paano nung highschool palang kami eh tong si kiara panay tukso sakin si kuya paul at si paulito naman sinasabayan yung trip ni kiara tsk magpinsan nga sila!

"Haha kaw talaga! Kumain kana ?? " syempre! Ako nga yung naunang kumain dito kahit na hindi naman para sa akin to. And BTW sarap nga ng mga ulam nila.

"oo kuya pag alis ko sa bahay kumain nako . Paalis nadin naman ako" salamat talaga aalis nadin naman ako wala na akong mapapala dito eh.

"Ohh here's your key" ohhhhh who is this girl? Parang pamilyar yung mukha niya sa akin ah. Saan ko nga ba to nakita?

"Jessieeee!! Wahhh. Remember me?" Ahhhh siya yung nabangga ko. Hmm girlfriend kaya to ni kuya?

" hi bea!" Bea name niya! Naalala ko.

"Hihi it's bianca" ohhh bianca pala . Ahh siguro pinalitan na yung name niya tsk hindi naman ako na inform.

"Ahh sorry bianca" tsk tingnan mo tong dalawang magpinsan na to. OP? salita salita din pag may time.

"Magkakakilala pala kayo" parang loka to si kuya kung makapagsalita. Parang maylihim na tinatago. Naaawkward kasi siya . May something eh.

"oo naman. Syempre sikat kaya na model tong si jessie." Yan tama ka kiara. Sino kaya ang hindi makakakilala sa akin eh sikat ako na model dahil diyan sige libre kita mamaya kiara!!

"Ahh. oo nga nuh" ano bayan parang may tinatago tong si kuya. Parang ayaw niyang magkakilala kami ni bianca tskk hay ewan ko sa kanya..

"Hayyy nako sige na!! Alis na muna ako!" Wala naman akong gagawin dito!

"Sige magingat ka jessie!! Hihi" excuse mee?? Close tayo ba kami?

"San ka pupunta?? Sama akooo!" Sabi ni kiara at nagmadali mag ayos.

"Kila nat. Taraaa! Bye paulitoo. Byee bianca see you when i see you " asa ka naman na magkikita pa tayo. Hindi ko siya bet para kasi may something sa kanya na ayaw ko.

"Letsss goooo!!!" Sabi ni kiara. let's go mo your face.

"Ikaw mag drive kia" im full ayaw ko mag drive. Hindi ako makagalaw. Ang dami kasi nang kinain ko.

"Sige na nga. Key?" good. Binigay ko kaagad sa kanya yung car key ko kasi baka magback up pa to.

"Salamat sisss :*"

-------------------------------------

Billionaire's baby (editing)Where stories live. Discover now