Chapter 6 : Forget Revenge!

Magsimula sa umpisa
                                    

Tapos ayun nag-aral ako ng nag-aral.. Hanggang sa makatulog ako..

The next morning.. Gosh! 6:20 am na.. Malalate na ako..

Ligo.. Ligo...

Hilamos..

Toothbrush..

Blower ng hair..

Little make-up...

Done.

Sakto 7:00...

In 15 minutes kaya ko nang tumakbo papuntang school..

“Manang aalis na po ako..” sabi ko habang tumatakbo.

“Miss Pia, ingat!”

Ok! Kaya ko to!!

7:12am pa lang.... Ok! Regulate the breathing.. Inhale. Exhale.


Dahil may oras pa.. maglalakad na lang ako ng matiwasay sa hallway... Para naman hindi ako amoy pawis pag dating sa klase.

“Good Morning Ma’am!” tingnan mo nga naman. Nakasalubong ko pa ang teacher namin.

“Hi! Pia... Anong nangyari sau these days?” tanong ni Ma’am.

“Mahirap ipaliwanag teacher pero I learned a lot.”

“Mabuti naman. Pumasok ka na sa classroom.”

 

 

“Good Morning class...As you all know, nalalapit na naman ang quarterly exams niyo.. Kaya simulan niyo ng mag-scan ng past lessons natin. This week hindi ako magkaklase... Gusto kong i-apply niyo ang natutunan niyo sa klase ko for the whole school year. I want you to partner up to your opposite sex sa other sections and make my projects possible.”

 

“Ma’am? Other sections? Ibig sabihin..”

“Ma’am! Nahihiya po ako.. Wala po akong kaclose sa ibang section.

 

“Class, madali lang... Eto na nga ang time niyo para maging close sa isa’t isa... Para naman sa JS Prom niyo sa February hindi kayo magkakahiyaan.”

 

“JS Prom! Tama Ma’am!”

“Sige Ma’am!”

 

“Listen class. Gagawa kayo ng isang 10 pages essay.”

 

Third Person’s POV

 

Nagsulat ang teacher sa board.

Front Page....................................................... 1

Table of Contents............................................ 2

Topic................................................................ 3-4

Subtopics..........................................................5-9

Bibliography.....................................................10

“Sa front page, ilagay niyo kung san tungkol ung essay niyo. For example, love life, broken hearted, or kahit saan niyo pa gusto. Don’t forget to write your names din. Yung subtopics, maghanap kayo. Kung ang topic niyo halimbawa love pwedeng ang subtopic niyo Boyfriends and Girlfriends, Marriage, Attraction.. Lahat ng under sa love ilagay nyo.”

 

“Madali lang naman pala Ma’am eh.. Kayang-kaya yan..”

 

“Madali lang talaga.. Pero you need a lot of time para matapos yun. Kaya I’m giving you 1 week. Lahat ng teachers ng fourth year, hindi kayo papasukin ng 1 week.. So pwede kayong mag-meet ng kapartner niyo at gawin yung essay. Friday ang submission. Monday na ngayon. 4 days na lang. So tomorrow, hindi niyo na kailangang pumasok. Tapusin niyo yan.. I’m counting on you. Bye. “ sabi ng teacher tapos tumawa ng tumawa.

“Ano pang tinitingin-tingin niyo jan? Lumabas na kayo sa classroom at humanap ng partner niyo.” Dagdag pa ng teacher.

Pia’s POV

 

May partner na kaya si Kyle?

Naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom ni Kyle..

Pagdating ko dun.. may katabi siyang girl.. May partner na ata siya..

Umalis na ako.. Pero nakita pala ako ni Kyle..

“Pi! May partner ka na ba?” tanong niya.

“Wala eh... Wala naman akong ibang kakilala sa ibang section kundi ikaw eh.. Sino naman ang magiging partner ko?” sabi ko.

“Pi! Tayo na lang ang magpartner.” Sabi niya habang nakangiti.

“Loko ka ba? May partner ka na e... Ayun o.” Sabi ko sabay turo dun sa girl.

“Hindi ko yun kapartner.. Seatmate ko lang yun sa klase.. Nahihiya siyang makipagkilala sa ibang section kaya ayun.. Hindi na siya tumayo dun sa upuan.”

“Ahh... Edi solve na ang problema ko. Partner na tayo.” Sabi ko sabay pisil sa cheeks niya.

“Tara sa library... Magresearch na tayo.”

 

A/N:

 

Super exciting ng mga mangyayari... Ano kayang magandang topic?

Thanks sa mga readers!

I Got A Baby at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon