Sakay ng golf cart ay nilibot naming tatlo nina Tito Junnie at Mr. Noel ang kabuuan ng lugar na ito.  Isa nga itong hotel and resort na sa lawak at ganda ay para ka tuloy nasa ibang bansa.  Maraming halaman at puno kaya sariwa ang hangin.

Pumasok din kami sa mga luxury suites at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung gaano ka-sosyal ang bawat kuwarto rito.  Tiyak na mga mayayamang tao lang talaga ang makaka-afford na mag-check-in sa mga ganito.

Pagkatapos namin kumain ng lunch ay nag-stay muna kami ni Tito Junnie sa isang veranda kung saan matatanaw ang Taal Lake.

"What do you think of this place? Did you like it?  Or may mga gusto ka pang idagdag?"  Tanong ni Tito na akin namang ipinagtaka.  Okay lang na naman na tanungin niya kung ano ang masasabi ko dito sa lugar, pero ang tanungin ako tungkol sa mga gusto ko pa raw idagdag dito?  Bakit?

"Po?"  Ang tanging nasabi ko.  Maya-maya pa ay dumating si Mr. Noel at sa senyas ni Tito ay ibinigay sa akin ni Mr. Noel ang dala nitong brown envelope.

"Open it hija."  Utos ni Tito Junnie na agad ko namang sinunod.  Mga papeles ang nakita kong laman ng envelope.  May kasama ding cheke na nakapangalan sa akin at nagkakahalaga iyon ng 50 million pesos.  Sa sobrang gulat at hindi agad ako nakapagsalita. 

"Jen, you can have all that money and this entire property but in exchange you have to break-up with my son."  Ito pala ang plano ni Tito, ang suhulan ako ng limpak-limpak na ari-arian at salapi bilang kapalit ng pakikipag-hiwalay ko sa kaniyang anak. 

Hindi ako nagsalita at sa halip ay inabot ko pabalik kay Tito Junnie itong envelope.

"Anong problema?  Kulang pa ba?"

"Hindi po, kasi hindi naman po nito matutumbasan ang pagmamahal ko para sa anak niyo.  Kaya sorry po dahil hindi ko po ito matatanggap."  Buong tapang kong sinabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.  Kung kanina ay kabado at nahihiya ako, ngayon ay hindi na.  Kung si Dustin lang din naman ang pag-uusapan namin ay hindi na ako maduduwag.

"Noel, iwan mo muna kami."  Utos ni Tito Junnie na sinunod naman agad ni Mr. Noel.  "Totoo nga palang matalino ka.  Kung sa bagay, barya lang ang offer ko sa'yo kung ikukumpara sa makukuha mo kapag nagkatuluyan kayo ni Dustin.  But hija, it is better to accept my offer dahil ipinagkasundo ko na ang anak ko kay Faith Calderon.  I know my son will never disobey me.  Balang araw ay iiwan ka rin niya para pakasalan si Faith.  Kaya kunin mo na 'yang ibinibigay ko sa'yo para hindi ka naman malugi."

Napakagat ako sa aking labi habang hawak ko pa rin ang envelope.  Ibig sabihin ay totoo nga ang noon pa sinasabi ni Faith tungkol sa engagement nito kay Dustin.

"Pa'no mauna na 'ko sayo dahil kailangan ko pang mag-inspect sa iba pang resort.  Nag-assign na ako ng driver na maghahatid sa'yo pauwi.  Magtanong ka na lang sa front desk."  Lumakad na si Tito Junnie, ngunit muli siyang lumingon sa akin at nagsalita.  "By the way, ang hirap maghanap ng trabaho 'di ba?  Ang mabuti pa ay itigil mo na ang paghahanap ng eskuwelahang tatanggap sa'yo dahil mabibigo ka lang."

Pagkasabi no'n ay tuluyan nang umalis si Tito Junnie kaya hindi ko na nagawang ibalik sa kaniya ang envelope.  Wala tuloy akong nagawa kundi ang iuwi na lang ito at humanap ng magandang pagkakataon upang maibalik ito sa kaniya. 

---

"Are you still dating Dustin Villaverde?"  Tanong ni Mr. Velasquez na dati kong Principal sa East Pearl Academy.  Principal pa rin siya pero sa ibang eskuwelahan na.

"Opo."  Sagot ko sa tanong ni Sir.

"Kaya pala."

"Po?"

"Don't hire Jennifer Asuncion."  Ani Sir sa seryosong tono.  "Iyon ang utos na galing sa nakatataas.  At ang nakatataas na 'yon ay si Juanito Villaverde, and daddy ng boyfriend mo."

"Po?"  Biglang bumagsak ang mga balikat ko habang inaalala ang sinabi sa akin ni Tito Junnie, ilang araw na ang nakakaraan.

"By the way, ang hirap maghanap ng trabaho 'di ba?  Ang mabuti pa ay itigil mo na ang paghahanap ng eskuwelahang tatanggap sa'yo dahil mabibigo ka lang."

Ibig sabhin ay si Tito Junnie pala ang nasa likod kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matanggap-tanggap bilang teacher.

"Jen, malabong makapag-turo ka kung palaging humaharang si Mr. Villaverde.  If you really want to be a teacher, iwanan mo si Dustin.  Pero kung si Dustin naman ang pipiliin mo, you have to give up on your dream of becoming a teacher.  In the end, its your decision."

Tulad ng dati ay bigo na naman akong umuwi ng bahay.  Humiga ako sa aking kama saka tinitigan ang Hello Kity Stuffed toy na bigay sa akin noon ni Dustin.

Pakiramdam ko ngayon ay bida ako sa isang teleserye kung saan langit ang kinalalagyan ng bidang lalaki at hampas lupa naman ang bidang babae.  Mahal nila ang isa't-isa kaya anuman ang mangyari ay ipaglalaban nila ang kanilang pag-iibigan.  Pero marami silang pagsubok na pagdadaanan dahil sa paghadlang ng mga taong nakapaligid sa kanila.  Ang tanong ko ngayon sa sarili ko, paano nga ba nagtatapos ang ganitong mga klase ng kuwento?

When Mr. Gorgeous is JealousDonde viven las historias. Descúbrelo ahora