Prologue

11 0 0
                                        

Sabi ng mga matatandang pintor, ang bawat canvas daw ay may sariling kaluluwa. Bago mo pa man hawakan ang brush o bago mo pa man ihalo ang mga kulay, alam na ng puting tela kung anong kwento ang nakatadhana para sa kaniya.

But for Akira Cruz, ang kaniyang canvas ay walang ibang ginawa kundi ang guluhin ang kaniyang tahimik at independent na buhay bilang isang Omega.

Sa henerasyon ngayon, uso na ang second gender, yung tinatawag nilang Alpha, Beta, and Omega. Halos kalahati ng populasyon ay may second gender na Beta, habang minority naman ang Alpha and Omega. It's a rare second gender dahil mapa-babae ka man o lalaki, kapag Omega ka, you have the ability to get pregnant, but only with an Alpha. Uso rin sa henerasyon na ito ang tinatawag na "marking or bonding" kung saan mamarkahan ng Alpha ang Omega niya as a symbol of submission or solely sila lang para sa isa't isa. Once an Omega is marked, both him and his Alpha will feel each other's feelings and emotions. That's how strong the bonding is.

Sa loob ng apat na taon sa Fine Arts department, kilala si Akira bilang pinakamataray, pinakamapili, at pinakamailap na estudyante. Sa mundong ito kung saan ang mga Omegas ay laging inaasahang maging malambot, submissive, at maghanap ng mayamang Alpha na mag-aalaga sa kanila, si Akira ang natatanging exception. Para sa kaniya, ang kaniyang dignidad ay kasing-mahal ng mga imported oil paints mula sa Japan. Mas pipiliin pa niyang magtiis sa amoy ng thinner at uling gabi-gabi kaysa magpaka-vulnerable sa harap ng kahit sinong lalaki.

Until that guy arrived. Ang taong nagpabago sa kahulugan ng kaniyang sining, at ang taong nagdala ng amoy ng mamahaling kahoy at ulan sa kaniyang maliit na studio.

"You look beautiful when you're angry, sunflower."

Ang boses na iyon ay mababa, baritono, at may kasamang kakaibang accent na laging nagpapabilis sa tibok ng puso ni Akira. Si Maximillian Von Rhein. Isang towering, structured, half-German Alpha heir na kung titingnan mo ay akala mo ay hinugot mula sa isang high-fashion runway sa Europa. Amoy pera, amoy kapangyarihan, and he has those green eyes na tila kayang basahin ang bawat lihim na tinatago mo sa loob ng iyong dibdib.

The whole university ay handang lumuhod sa harap ng isang katulad ni Maximillian. Ang mga babae, ang mga Omegas, kahit ang ilang Betas ay nagpapakabaliw tuwing dadaan ito sa hallway kasama ang kaniyang dalawang elite na kaibigan na sina Lucas at Ethan. Pero si Akira? Dedma lang talaga ang lola niyo.

Ngunit ang tadhana ay may sariling sense of humor. Isang aksidenteng banggaan sa taunang graduation gala ang nagdala sa kanila sa iisang silid para sa isang special art commission project na nagkakahalaga ng milyun-milyon. Ang kailangang gawin lang ni Akira ay pintahan ang mukha ng bilyonaryo nang may professional boundaries. Isang simpleng trabaho para sa pera at para na rin sa kaniyang thesis.

Pero paano mo paninindigan ang professional boundaries kung ang kliyente mo ay laging umuupo nang masyadong malapit sa iyo? Paano mo mapapanatili ang talas ng iyong taray kung sa bawat pag-aabot mo ng charcoal pencil, ang kaniyang malalaking kamay ay palihim na humahaplos sa iyong pulso?

"Hindi kita binabayaran para lang umiwas sa akin, Akira," bulong ni Maximillian isang gabi habang stranded sila sa loob ng studio dahil sa malakas na thunderstorm sa Maynila. Ang kaniyang Alpha pheromones ay napakabigat sa hangin, lumalaban sa natural na scent ng vanilla at sunflowers na nanggagaling sa katawan ng Omega.

Doon nagsimula ang magulong takbo ng kanilang 4th year sa kolehiyo. Isang laro ng pagtataguan ng nararamdaman sa gitna ng mga asaran ng kanilang barkada, ang pangingialam nina Lara at Gio, ang mga hiyawan sa group chat, at ang mga selosang malala tuwing may ibang lumalapit kay Maximillian sa campus.

Si Akira ang mataray na artist, at si Maximillian ang whipped na Alpha na handang bumili ng buong cafeteria para lang makita itong kumain ng strawberry frappe.

Ngunit sa likod ng bawat magandang obra maestra, laging may nakatagong anino. Sa mundong ginagalawan ni Maximillian, ang mga katulad ni Akira ay hindi madaling tanggapin. Ang pangalan ng pamilyang Von Rhein ay may mabigat na responsibilidad, at ang tradisyunal na pamilya nito ay may ibang plano para sa kaniyang kinabukasan. Habang unting-unting nahuhulog ang loob ni Akira sa green flag na pag-aalaga ni Maximillian, unti-unti ring lumalapit ang bagyo ng katotohanan na maaaring sumira sa lahat ng kanilang nasimulan.

Ang kwentong ito ay hindi lang tungkol sa pag-ibig na nagbunga sa loob ng isang art studio. Ito ay tungkol sa isang mataray na Omega na handang ipaglaban ang kaniyang sining, at isang bilyonaryong Alpha na handang talikuran ang kaniyang kumpanya para lang protektahan ang kaniyang sunflower. Ito ay kwento ng mga pader na gumuguho, mga pusong natututong sumuko sa tamis ng haplos, at ang mga lihim na unti-unting nabubunyag sa ilalim ng init ng tag-araw.

Ihanda mo na ang iyong puso, dahil sa bawat stroke ng kwentong ito, walang kasiguraduhan kung sino ang unang susuko: ang Alpha na determinadong magmay-ari o ang Omega na takot na baka sa huli ay maiwan siyang mag-isa sa harap ng isang puting canvas.

[BL | OMEGAVERSE] Scent of SunflowerStories to obsess over. Discover now