CHAPTER 109 : INTERHIGH

Comincia dall'inizio
                                    

"Ang balita ko kay Kiel ay magkakaschoolmates silang tatlo noon dito sa SIS.."

"Ha!? Sino?!"

"Yang dalawang yan at yung Sam na magaling na taga-SIS.."

"Ang galing naman.."

"Nakakainggit sila no?!"

"Oo nga e.. sana ako rin.."

"Nako.. sana nga sumali si Jessa Pe e.."

"Oo nga noh.."

Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti..

Walang kupas Maxpein.

Hindi ko naiwasang maalala ang sinasabi ng mga tao noon twing mapapanood siyang magbilliards.

May igagaling pa sya.

Hindi na ako magtataka kung dadating ang panahong ako mismong pinakamagaling sa billiard hall na 'to ay mahihirapang manalo kay Pein hahaha!

Bilib ako sa'yo Maxpein, naniniwala akong hindi ka lang basta natrained gaya ng sinasabi mo, pinanganak ka na talagang may ganitong talento..

Paghusayin mo pa dahil malayo ang mararating mo.

Napakahusay mong pumili ng nobya Randall.. yan ang masarap mahalin, yung babaeng hindi ka pagbabawalan sa hilig mo, kundi sasamahan ka pa hahaha. Ikaw ba e nananalo sa kanya!?

Ang ibang lalaki ay sinusugod ng nobya sa bilyaran, samantalang etong si Randall dito ay kinakalaban pa mismo sa bilyar ng nobya niya. iba ka. bilib ako sa'yo. Maganda na ang nobya mo, talentado't mabait pa. Maipagmamalaki.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang mapangiti habang nakatingin kay Pein.

Lahat ng sinabi nila noon ay nakikita ko na ngayon. Congratulations Maxpein.

Tuwing dadalhin ko siya sa tambayan kong bilyaran noon ay pinagpepyestahan siya, halos wala ng naglalarong iba kapag naglaro na sila ni Sam na nung una ay hirap na hirap siyang talunin.

Ang tambayan kong bilyaran ay pag-aari nila Sam. Halos araw-araw ay nandoon kami noon pero pareho pa rin kaming nakakapag-aral ng maigi. Walang araw na malungkot, walang araw na magulo, lahat masaya at masyadong perpekto para sa'ming dalawa.

Nakakamiss yung ganong ginagawa natin, yung sobrang nagkakasundo tayo sa iisang bagay.

Napapangiti parin ako sa mga naiisip ko habang nakatingin ng deretso kay Maxpein na mukhang nag-eenjoy sa ginagawa nya dahil walang humpay ang ngiti nya twing makakahulog siya ng bola.

Ganyan nga Maxpein, yan ang Maxpein na kilala ko, yung madaling tumawa.

Noon ay madalas siyang tumawa.

Simpleng biro mo, humahagikhik pa siya.

Madaling biruin at madaling pasahin. Hindi halos nagagalit at magaling umintindi. Talagang magkasundong magkasundo kami sa lahat ng bagay. Hindi kami kailanman nag-away ng tungkol sa babae kahit pa alam niyang may gusto sa'kin yung babaeng yun, hindi niya inaaway. Ang dahilan niya.

"Hindi naman naiiwasan ang nararamdaman.. kung gusto ka niya, edi gusto ka niya. Hangga't hindi ka niya ilegal na inaagaw sa'kin, wala akong dahilan para awayin siya. hehehehe!" si Maxpein.

Napakaseloso ko noon, pero dahil parati nyang ipinaparamdam sa'king wala akong dapat pagselosan, nagseselos man ako napipigilan ko rin agad. Madalas rin siyang magbigay ng tulong sa'kin noon, matalino si Maxpein at malawak ang pag-iisip niya, parang lahat na lang ng bagay may solusyon siya, lahat na lang ng tanong, may naisasagot siya. Kaya naman kapag hindi na kaya ng utak ko, humahalinhin siya.

HE'S INTO HER Season 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora