CHAPTER 109 : INTERHIGH

Depuis le début
                                    

"Mmm. Player kasi ng billiards ang kapatid ko kaya pumupunta ako dito para manood, mamayang hapon pa naman ang duty ko. Ikaw? Manonood ka rin ba?" nakangiti munit mukhang seryosong tanong niya.

Yeah right.

"Mmm. I'm on my way there."

"See you there then." sabi niya na tumango pa at saka nagpaumunang maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya munit bago pa man kami makarating sa SIS Gym ay lumiko siya at mukhang pupuntang Canteen.

Ts.. Manonood daw.

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na ako sa loob ng Gym. Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay sa loob, ang sigawan, hiyawan at mga tunog na nagmula sa kung anu-anong pukpok na ginagawa malamang nung mga nanoood sa loob.

Ang alam ko ay anim na school ang naglalaban sa isang laro kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito kaingay kahit na hindi pa man ako nakakapasok.

Pagpasok ko palang.

"Wooh!"

"Go Taguro!"

"Gooooooooo Maxpeeeeeeiiin!"

"Gooooooooo Zarnaiiiihhh!"

"Parrrrrrooooottt!"

"Let's goo BIS!!!"

"Waaaaa!!!"

"Let's gooooo Manansala High School!!!"

"Yeeeaaaahhhh! J.M. Retura for the wiiiinnn!!!"

"Kyaaahh let's goooo Reinaaaa DumRob!!!"

"Ang galing nung mga taga-BIS grabe.."

"Oo nga.. mukhang hindi mananalo sina Rodessa at Michelle sa kanila.."

"Sana manalo sina Alisa at Carly Taylor ng school natin, buti na lang at hindi sina Zarnaih at Maxpein ang kalaro nila."

Hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa mga narinig ko mula sa mga students na nakatabi ko. Mga mukhang taga-ibang schools sila.

Wala na halos maupuan ang karamihan ng nandoon sa Gym sa sobrang puno. Andaming nakatayo hanggang dito sa may Entrance.

"Gooooo Sofhia!!! Kaya mo yaaaann!"

"Gooo! Gooo! Gooo! Jade Boro for the wiiin! Let's goooo Makati High!"

"Galingan moooo Mary Coline!!! Matatalo mo yan!"

"Em-Em!!! Good shoooott!"

"Nicole Cathe!!! Galingaaann moooo wooohhh!"

Masakit sa tenga ang sigawan ng mga supporters nung mga naglalaro sa gitna. Pababa kasi ang Gym na yun para sa billiards kaya naman kahit na nasa pinakadulo ako ay nakikita ko lahat sila.

"Ang galing ni Angel Medra ng Neico Veloria International School ano?"

"Oo nga pero mukhang mas magagaling yung mga taga-BIS! Hindi ko alam pangalan nila e, panay Parrot at Taguro kasi ang naririnig ko kanina pa."

"Ano ka ba Jhaxmiien!? Yung payat yung tinatawag nilang Zarnaih tapos yung medyo malaman, yun si Maxpein!"

"Ahh talaga? Sila ba yun!"

"Oo! Sila yung nakalaban nung magaling na taga-SIS! Yung isa talo.. yung isa panalo.."

"Grabe ang gagaling naman nila.. hindi kasi nakapaghanda yung school natin sa sports na 'to e.."

HE'S INTO HER Season 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant