CHAPTER 109 : INTERHIGH

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mmm?"

"Narinig ko po kila Joineand at Ivy Kate na m-may laro po si Maxpein ngayon, hindi po ba kayo manonood??" nakangiti pang tanong niya at napangiti rin ako.

Matagal na kaming wala ni Maxpein pero dahil karamihan ng schoolmate namin noon ay kasama ko sa Medicine Department ngayon, pakiramdam ko tinutukso pa rin nila kami.

I don't know, but that's how I understand it.

Parang tinutukso pa rin nila ako kay Maxpein.

Tulad na lang nung kumalat ang balita na dito sa SIS gaganapin ang unang quarter ng interhigh, naging matunog agad ang pangalan ni Maxpein, ang daming nag-abang sa pagbabalik niya. Kaya naman kahit na labanan ng mga highschools yun, pati ang mga College Students na dating batchmates, classmates and schoolmates naming pareho ay nakikinuod sa kanya don.

"Ahh hehehe, siguro manonood ako pagkatapos ko dito."

"Ahh hehehe, sige Doc. Kita na lang po tayo don kung ganon hehehe, don rin po kasi ang punta namin nila Janne Clair."

"Sige."

"Sige po Doc."

Pagkaalis nung mga Juniors ko ay saka ko inilabas ang inis ko.

Pabagsak kong binuksan ang locker ko at saka inis kong ipinagbababalik don yung mga gamit na inilalabas ko kanina bago nila ako kausapin! Ang mga yun sana ang gagamitin ko pag-upo ko bilang panelist sa presentation ng mga Juniors.

Naiinis ako.

Hindi ko nagustuhan ang ginawang yun ni Lolo.

Unang una, bakit si Maxwell? Hindi naman sa minamaliit ko siya dahil alam naman na ng lahat kung gaano siya kagaling at walang nakakatalo sa kanya maliban sa'kin, pero nakakainsulto naman yata sa part ko na siya pa yung kinuhang kapalit ko, gayong alam naman ng lahat na kaming dalawa lagi yung magkatunggali!? Tsk.

Nakakainsulto para sa'kin yung desisyong ginawa ni Lolo.

Alam kong alam niya rin kung ano kami ni Maxwell sa isa't isa at kahit wala siyang pakialam don ay sana naisip man lang niya kung anong mararamdaman ko.

And he really didn't bother to tell me?! What's wrong with you Lolo?! Tsk. Kung hindi pa sinabi nung mga Juniors ko, hindi ko pa pala malalaman?!

Naiinis ako pero alam kong walang mangyayari sa inis ko kaya naman inayos ko na rin ang pagkakabalik sa mga gamit ko at saka nagtingin ng mga texts sa cellphone ko habang naglalakad papunta sa high school campus.

Text Message Received
~ ♥ Honey ♥ ~
Hi Hon! How was the presentation?
Be good and don't skip lunch! ♥ =)

Compose Message
To: ~ ♥ Honey ♥ ~
Maglunch ka na rin. I love you.
Message Sent!

Maraming nagtext sa'kin pero yung kay Dein lang ang nakita kong importante kaya naman ibinulsa ko na agad yun matapos kong magtext at eksaktong pagharap ko sa corridor.

Makakasalubong ko si Maxwell na mukhang papunta rin high school campus. Sabay kaming napatingin sa isa't isa at napahinto. Kaya naman ako na ang unang nagsalita.

"Ikaw ang umupong panelist I heard, thanks for that." mahinang sabi ko.

"Mmm, kinuha ako ng Lolo mo, nagkaron daw ng changes sa schedule niya. Nagkataon namang available ako kanina dahil pumasok rin si Doktora Edda."

"I see." malumanay na sagot ko. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa SIS Campus?? Hindi ba't sa SISH lang ang duty mo? This is not the first time I saw you here."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon