Kaagad namang nagpalakpakan ang tao. Pagkatapos ng speech at ng programa nagkaroon ng pizza party sa mismong hall na kanilang pinag meetingan.

Kaagad namang nilapitan ni James si Nap at kaagad agad na iniaabot ang kamay para maipadama ang tuwa niya sa kanyang talumpati. (Shake hands)

"Congratulation Nap" say ni James "You too" tipid nitong sagot. "Can we have a coffee after the shift?" alok ni James. Ngumiti naman at napa nod lang si Nap senyales ng pag ayon.

Natapos ang shift at kaagad na tinungo nilang dalawa ang coffee shop na malapit lamang sa kanilang opisina.

"What's yours?" say ni James "Same order from the last time we had this moment" siya nya namang banayad na sagot.

Pagkakuha ng kape kaagad na nagtungo ang dalawa sa di ukopadong lamesita. Habang humihigop ng kape si James nakatingin naman si Nap sa mukha nito na siya nya namang ikinapula.

"Hey, what is up?" tanong ni James "Nothing!" tipid na sagot ni Nap.

"We need to work closely together for the meetings, plans and endorsements. All our client were expecting that there should be a continuity with your report and my plan" formal na pagpapahayag ni James.

"Yes sir, all things were supposed to be alright when we get there. Presentation, sample products and complete documented process will get their heart" say ni Nap.

Habang tinatalakay ng dalawa ang kanilang plano.

"James!!!!!" boses na narinig namin mula sa di kalayuan. "Eca" sabi naman ni James. "Are you both dating?" nakataas na kilay habang may hawak na krispy kreme na pasalubong sa kanang kamay at Luis Vuitton na bag sa bandang kaliwa, naka high heels at mapulang mapula ang lips.

"Yes we are" sagot naman ni James na tila hindi man lang pinag isipan ang sagot. "No" siya namang sabi ni Nap.

"You two are crazy" sabi ni Eca. "Can I join?" sabi nito "Of course you can't, this is a business meeting and you need to be away" sabi naman ni James. "Why should I?" pagtataka ni Eca. "hindi mo na ako dinadalaw sa bahay ah, wala ka na ring time sa akin at pansin ko itong mokong na ito ng ito na lang ang lagi mong kasama" pagwawala niya. "Calm down, we need to do this... arrangement prior to going to US" siya namang sabat ni James.

Habang si Nap eh tameme lang, although nakikipagtalastasan itong si Eca kay James, kay Nap pa rin sya nakatingin. "An laki na ng binagbago mo Nap, seems natuto ka na talaga mula sa pagiging dukha hanggang sa pagiging ambisyoso or should I say AMBISYOSA" di mapigilang bibig ni Eca.

"Enough Erica enough we are done don't you get it?" siya namang paghuhumiyaw ni Nap. Dagliang nabalot ng katahimikan sa buong paligid na siya namang ikinainis ni Eca. Mukhang natauhan kaya naisipan na lamang nyang umalis. "We are not yet through, Nap" Sabay alis dala ang kanyang mga gamit.

"She sounds pathetic is in it?" si James "We can continue" si Nap

After ng conversation nila, kaagad namang nilisan ng dalawa ang coffee shop at inihatid na ni James si Nap. (As usual)

Dumating ang araw ng kanilang pag alis, as usual nag offer ng help si James na susunduin sya nito sa bahay.

"Nap, I am gonna picking you up there in your place" sabi ni James sa kabilang linya ng telepono. "No, you don't need to do that, magtataxi na lang kami nila mama" siya namang tanggi ni Nap.

"I know, that's the reason why I brought my dad's van, why don't you look outside for you to see?" pasorpresang tugon ni James.

"Is that for real?" mamangha manghang sagot ni Nap. "Yes it is!" siya namang tugon ni James. "Ok as you said" yan na lamang ang natirang mensahe na lumabas sa kanyang labi.

"Mama, tara na si James kasi andyan na sa labas, huwag na daw tayo mag taxi ang laki nga ng dala nyang sasakyan eh mukhang sira nga eh, nahihiya ako pero wala na rin akong magagawa kasi andyan na." reklamo ni Nap sa mama nya.

"Naku anak, yang kaibigan mong yan mukhang magkakasundo kayo. Lagi ka na lang niya hinahatid at ngayon may pasundo sundo pa!" mabait siguro ang mga magulang niya kaya ganyan din kabait siya sa kanyang mga kaibigan. Say ni mama

Papalabas pa lang kami ng bahay habang dala dala ko ang kaing maleta sya namang labas ni James sa van upang kami ay alalayan. Nakita ko siya nag man okay mama, mukhang gusto maging close. Iiling iling lang ako sa gilid habang nagtataka.

"Nap, come here sit beside me sa front" say ni James. "Why me, who will gonna drive?" sabi ko naman. "Manong Nori is here to drive us going to NAIA" sabi naman ni James.

Matapos ang pagtatanong ni Nap, pumasok na ang dalawa sa loob ng van at tinungo na ang airport.

Naps POV

Habang nasa biyahe di naman maiwasang mapatingin ako kay James na noon ay naka ray ban at may suot na headset. "Ang gwapo talaga ng mokong na ito, iisipin ko pa lang na siya ang makakasama ko ng 6 na buwan eh naeexcite na ako" hindi ko talaga maunawaan ang sarili ko. simula kasi ng makilala ko itong ulupong na ito, nagging swerte na ako sa buhay ko. di ko rin mapigilang mapatitig sa kanyang mapupulang labi. Di kaya may problema na ako? Di ko naman dati iniisip eh pero sobrang saya ko lang pag kasama ko sya sa training. Nahohook ako sa kanya kapag nginingitian nya ako. Parang akin lang ang mundo. "Ano kaya ang mangyayari sa amin doon sa training?"

"Nap, aren't you excited about the trip and training?" tanong ni James na di ko pansin kasi nakatitig ako sa mukha niyang mala anghel. "Hey!" sabi niya na siya namang nagbungsod upang ako ay makagalaw.

"Yes, of... of course I....... I ., I am" Malandi kong tugon na nag eemagine. "Are you crazy?" sigaw ni James. Natigilan naman ako sa sigaw nyang iyon na nagpaayos ng pagkakaupo ko sa unahan ng sasakyan.

Pag baba ko ng van medyo napaaga naman kami kaya ipinasok muna naming lahat ng aming bagahe upang makabalik pa sa labas at makapag paalam sa mga kasama namin.

Nasorpresa naman ako ng pagbalik ko ay nakita ko ang ilan sa aming mga katrabaho na naghihintay din sa aming pag alis.

Andun si Ms. Pen ng HR, Mr. Jimmy Santos ang aming manager, mga katrabaho at kaibigan na ring sila Poi, Reggie, Oben at Ms. Ainee.

Kumaway kaming dalawa ni James at syempre pinuntahan ko muna si mama at Emuel na nakapwesto sa bandang likuran ng aking mga katrabaho.

"Mama aalis na po ako, paturo lang po kayo kay Emuel kung papaanong mag skype at facebook ha? Lagi nyo akong iuupdate. Iniwan ko na po itong ATM ko at ito po ang pin 020209 yan po ang magiging allowance nyo while I am away. Bukod po kasi sa sweldo ko dito na regular eh, may allowance po na naghihintay sa akin to finance my needs sa US." Maluha luha kong paalala kay mama.

"Anak, isa kang mabait na bata. Alam mo kung paano magpaligaya ng mga taong tunay na nagmamahal sa iyo. Mag ingat ka doon at lagi kitang ipag dadasal, paki dala na lang din itong bag na ito upang iabot mo sa auntie Riza mo. Bilin nya iyan bagoong balayan at yung maliit na bote dyan lambanog yan." Dugtong ni mama. Kaagad ko namang kinuha ang ibinigay ni mama at lumingon ako upang magpaalam na rin sa aking mga kaibigan.

Di ko inakala na si James ay pupunta kay mama at Emuel upang personal na makapag paalam. Kinuha niya ang kamay ni mama at nag mano pagkatapos ay kinurot ang pisngi ni Emuel. Sa pagkakataong iyon ay bahagya akong nakaramdam ng saya sa aking puso. Pinapangarap na maging parte ng pamilya si James.

After good bye, masaya naming tinungo ang loob ng airport naghahanda sa ilang oras na flight. Habang papasok kami napansin kong ang kamay ko ay nasa braso ni James. naglalakad kami patungong waiting area. "Pansin nya kaya?" sabi ko sa isip ko. humanda ka sa akin sa US bahala na pero ipagtatapat ko ang nararamdaman ko. di ako uuwi ng Pinas ng di ko nasasabing MAHAL KITA JAMES. kung ano man kakahinatnan nito, pwes wala akong paki alam. hahaha

Promise maraming magaganap sa US na di ninyo inaasahan may mga characters na idadagdag upang mas maging makulay ang kwento. hopefully magustuhan ninyo. sana vote nyo po itong story ko and pa promote na rin. salamat po sa inyo.

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now