Chapter 7: The Night.

Start from the beginning
                                    

 "Bakit, Dad? Noong mga oras ba na ako yung nauuna sa klase namin may pakialam ka?! Ni minsan nga hindi mo ko sinabihan nang 'Anak, I'm so proud of you'! Dad I am trying my best para lang maging proud kayo sa akin kahit minsan lang." humihikbi kong sabi. Nakatingin lang sa akin si Dad.

"Tama na nga 'yan Jhaime! Ang drama mo, nakakadiri kang panoorin!" sigaw ni Ate Galatea. Tumingin ako sa kanya at nakatingin sila sa akin. 

"Oo nga. Manahimik ka na nga lang, Jhaime. Ikaw na nga ang walang kwenta dito sa pamilyang ito may gana ka pang sigaw-sigawan si Daddy ng ganyan!" sang-ayon ni Kuya Calvin

"OO NA SIGE NA AKO NA WALANG KWENTANG TAO DITO SA PESTENG PAMILYANG 'TO! KAYO NA ANG MAGALING! KAYO NA MAY PAKINABANG! KAYO NA LAHAT! AKO?! ISA LANG NAMANG SAKIT SA ULO AT PARA SA INYO ISANG TAONG WALANG GALANG, WALANG KWENTA, AT WALANG PAKINABANG! MAGALING KAYO E! SA SOBRANG GALING NYO HINDI NIYO NA ALAM KUNG PAANO MAGPAHALAGA NG ISANG MIYEMBRO NG PAMILYA NIYO!" sigaw ko. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumakbo na ako paalis pero nasa sala pa lang ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae na hindi ko inakalang darating.

"I'M HOME! Dad?!" nakangiti nyang sabi. Napatigil ako sa pagtakbo at tinitigan siya, tinignan din niya ako at nanlaki ang kanyang mga mata, "JHAIME!?"

"Ate Clare?"

"JHAIME!" sigaw niya sabay takbo palapit sa akin at niyakap ako. Nakita kong nagsilabasan sila Dad mula sa kusina. Bumitaw si Ate sa pagkakayakap sa akin tapos tinignan ako at nagulat ng makita niyang may mga luha sa mga mata ko. Pinunasan niya 'yon.

"Bakit ka umiiyak ha, Baby Jhaime?" nag-aalala nyang tanong. Iniwas ko 'yong tingin ko sa kanya tapos pinunasan 'yong mga luha ko.

"A, wala lang 'to Ate napuwing-" hindi na niya ako pinatapos kasi bigla syang humarap kala Dad.

"Ano nanaman bang nangyari dito? Dad? Galatea? Calvin? Krystal?" galit na tanong ni Ate Clare, hinawakan ko siya sa kamay.

"Ate."

"Don't you dare tell me na pinagkakaisahan nyo nanaman si Jhaime?!" walang sumagot, napayuko na lang ako at napahawak ng mahigpit sa kamay ni Ate. Napasinghap sya. Alam kong galit na sya. Tinignan sya nila Dad.

"Ate tama na." sabi ko pero parang hindi niya ako naririnig.

"O my God! Dad, kailan niyo ba titigilan ang ipagkumpara si Jhaime kala Krystal?!" tumaas na ang boses ni Ate Clare.

"Clare!" sigaw ni Dad at dahil sa sigaw ni Dad medyo kumalma si Ate.

"Hindi mo alam ang buong pangyayari!" dipensa ni Daddy. 

"O really? Then tell me!" walang nagsalita ulit. Lahat nakatingin kay Ate Clare.

"Ate, tama na please." pagmamakaawa ko pero parang kanina lang, hindi ako pinakinggan ni Ate.

"A, siguro dahil 'yan sa hindi magiging Magna Cum Laude si Jhaime, right Dad!? Or dahil hindi niyo pa rin matanggap ang nangyari dati?!" tanong niya. Iniwas lang ni Dad 'yong tingin niya pati sila Ate at Kuya nag-iwas din. Nangyai dati? Tumingin ako kay Ate at nakita ko na napakagat ng labi si Ate. Magtatanong na sana ako kaso bigla nanaman siyang nagsalita.

"Dad, for God's sake! Ilang taon na ang nakakalipas mula nung nangyari 'yon! Bakit ba hindi niyo pa rin matanggap ang lahat?!" galit na galit na si Ate pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong nangyari noon? Ano 'yong dapat na tanggapin nila Dad?

Hindi sumagot sila Dad, ni hindi sila makatingin ng diretso kay Ate. 

"Ate, bakit mo ba pinagtatanggol 'yang si Jhaime?!" galit na tanong ni Kuya Calvin. Tinignan sya ni Ate.

"Bakit? Bakit ko sya pinagtatanggol?! Tanga ba kayo or what!?" walang nagsalitakaya nagpatuloy si Ate sa pagsasalita nya, "kaya ako kumakampi kay Jhaime kasi hindi na tama yung ginagawa nyo! Pinagkakaisahan ninyo siya! Pinaparamdaman niyo sa kanya 'yong kawalan ng importansya sa pamilyang ito! Siya na ang bunso. Bunso ng pamilyang ito pero kung ituring niyo siya parang hindi niyo siya kadugo." nilapitan niya ako at inakbayan tapos naglakad kami paakyat. Bago kami tuluyang umakyat ay tumigil muli si Ate at nagsalita.

"At isa pa 'wag niyong aasahan na kakampihan ko kayo. Matagal ko ng natanggap ang nangyari at hindi ko siya sinisisi sa nangyari noon. Move on!" sabi niya tapos umakyat na kami.

"Yaya! Paki dala nga yung mga gamit ko sa kwarto ni Jhaime!" sigaw ni Ate. Pagka-akyat namin dumiretso kami sa kwarto ko at umupo kami sa kama ko.

"Ate, salamat!" sabi ko at niyakap ako ni Ate at dahil doon, umiyak ako sa mga braso nya, "salamat talaga Ate! Kung hindi ka dumating baka...baka.."

"Hush now. Stop crying na, Jhaime." sabi niya habang hinahagod ang likod ko para patahanin. Hindi na ako nakapagsalita, nakayakap lang ako kay Ate. Sino si Ate Clare?? Si Ate Clare ang panganay sa aming magkakapatid. Siya ang one and only sister at bestfriend ko. Siya ang laging nagtatanggol sa akin kapag pinagkakaisahan ako nila Dad. Kakauwi lang niya galing Europe kasi may business siya doon. Siya ang pinakapaborito nila Mommy kasi siya 'yong nagpapatakbo ng tatlo naming business. Takot sila Dad na magalit lalo si Ate. Bakit? Kasi alam nila Dad na kapag nagalit si Ate ng sobra, bibitawan ni Ate yung business namin, malulugi 'yon at babagsak since matanda na din sila Mommy at hindi na nila masyadong mapagtutuunan ng pansin ang negosyo namin kaya pinasa na nila kay Ate agad. At isa pa paborito nga nila diba? Kaya kapag nagagalit si Ate minsan wala silang ginagawa, hinahayaan lang nila si Ate tsaka iniingatan rin nila kaya ganun.

Lumipas ang ilang minuto ay kumalma na ako. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Ate tapos pinunasan 'yong mga luha ko gamit 'yong kamay ko. Hinawakan ni Ate 'yong magkabilang pisngi ko tapos pinunasan 'yong mga luha ko na tumutulo pa rin.

"Jhaime, pagpasensyahan mo na sila Dad pero sure naman akong mahal ka nila it's just that-"

"Hindi, Ate. Hindi naman nila ako mahal e, kahit kailan hindi nila ako minahal." sabi ko. Niyakap ulit ako.

"That's not true, Jhaime. They love you, hindi lang nila kayang ipakita at hindi nila kayang tanggapin hanggang ngayon ang nangyari noon." malungkot na sabi niya bumitaw ako tapos umiling.

"No, Ate. Hindi nila ako mahal."

"Jhaime." ngumiti ako, "Ate, ok lang ako. Matagal ko ng alam 'yon. Sanay na rin ako na laging sinasaktan. Physically at emotionally."

Tinignan lang ako ni Ate tapos tinignan iyong kaliwang pisngi ko, namumula 'yon dahil sa sampal ni Dad kanina.

"Tsk! Kahit kailan talaga."

"Ayos lang ako, Ate."

"Are you sure?"

"Yes." nagsmile ako para masatisfy sya at nagsmile din naman sya sa akin. Humikab ako, "inaantok ka na?" tanong nya. Tumango ako tapos ngumiti. 

"Napagod siguro ako dahil sa byahe kanina tsaka sa mga nangyari."

Ngumiti si Ate, "sige, magshower ka muna at magbihis ng pantulog." tumango lang ako tapos pumunta na sa banyo at nagshower at nagpalit ng pantulog. Pagkatapos ko ay si Ate naman ang nagshower at nagpalit, nadala na ng maid namin 'yong gamit niya kanina. Noong natapos siya ay humiga kami sa kama ko.

"Ate."

"Hmm."

"May tanong ako."

"Ano 'yon?"

"Ano iyong sinasabi mo kanina? Yung bagay na hindi matanggap nila Daddy hanggang ngayon? Ano 'yon?" naramdaman ko na parang na-stiff si Ate kaya tinignan ko siya. Nakatingin siya sa kisame na parang may malalim na iniisip. Lalo tuloy akong nagtaka, "Ate?"

"Ha? A, 'yon? Wag mo ng intindihin 'yon." humikab siya, "tara tulog na tayo. Inaantok na ako e." tumagilid siya sa side ko at yumakap sa beywang ko at sumiksik pa sa akin, "good night."

"Ate naman e!" niyugyog ko siya pero hindi na siya nagising. Hindi ko na pinilit. Pagod nga siguro siya. Napatitig ako sa kisame, ano ba iyong sinasabi niya? Ano 'yong bagay na hindi pa rin matanggap hanggang ngayon nila Dad? I'm curious! Gusto kong malaman ang sagot kaso ayoko ng istorbohin si Ate sa pagpapahinga niya at bumibigat na din ang talukap ng mata ko at unti-unti na akong nilalamon ng antok.

Siguro nga bukas ko na lang itatanong. Napapikit na ako and I drifted off to sleep.

Meet the Number's Family *Editing!*Where stories live. Discover now