MANINGNING'S POV
***
Halos mag-iisang oras akong nakatayo sa labas ng opisina ni Sir Blare at hinintay siyang lumabas.
Sinubukan kong kumatok after thirty minutes pero tanging mahihinang kalabog at kakaibang tunog lang ang narinig ko mula sa loob.
Then, one hour passed and he finally got out of the room. Pero kaagad akong napangiwi dahil sa matapang na amoy ng pinaghalong bleach at alcohol na bumungad sa 'kin.
Akala ko galing iyon sa loob ng room pero nang lumapit sa akin si Sir Blare, na-realize kong nakakapit sa kaniya ang amoy. Napansin ko rin na mukhang bagong ligo siya dahil basa ang buhok niya. Pero zonrox ba ang shampoo niya?
"May problema ba, Ms. Pablo?"
Mabilis akong umiling at pinilit na ngumiti. "W-Wala po. Medyo natagalan lang po kayo sa loob. Akala ko kung ano nang nangyari." Napaatras ako nang humakbang pa siya palapit sa akin. "I mean, b-baka nakatulong po ako kung sakaling tinawag niyo na lang ako."
Napakurap ako nang mas humakbang pa siya palapit sa akin at wala na akong aatrasan dahil pinto na ang nasa likuran ko. Kumuyom ang mga kamay ko nang ipwesto niya ang kanang paa sa gitna ng mga paa ko, closing our distance even more.
Isang hakbang pa at magdidikit na ang mga dibdib namin. Kapag ginawa niya iyon, sure din akong tatama sa pisngi niya ang kamao ko kahit na boss ko pa siya.
"Be careful with the help you're offering, Ms. Pablo. That might get you in trouble."
Huminga ako nang malalim bago lakas loob na tinulak ang kanang balikat niya. "Excuse me rin po, Sir. Pwede ko kayong kasuhan ng harassment kapag hindi po kayo lumayo."
Tumuwid ang pagkakatayo niya kasunod ng ginawa kong pagtulak. He looked at me in confused and appalled expression.
Umismid naman ako at lumipat ng pwesto para 'di na ako mata-trap kung matripan niya ulit iyong gano'ng eksena.
"Ang akin lang naman, Sir," alanganing ngumiti ako sa kaniya, "distansya o ambulansya ba."
Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. "Why the hell are you calling an ambulance?"
"Sino po ang tatawag ng ambulansya?"
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. "Kasasabi mo lang, Ms. Pablo."
Nag-loading ako nang very light bago naintindihan ang sinabi niya. I mean, bago ko naintindihan na hindi niya gets ang joke ko.
"Nevermind, Sir. Walang kailangang tumawag ng ambulansya." Napailing ako at bahagyang tumawa dahil infairness unintentionally funny ang lack of humor niya.
"Are you laughing at me now, Ms. Pablo?"
Kaagad nawala ang ngiti ko.
"Hindi po, Sir. Sino bang tumatawa? Never ako. Kasi ikaw po ang magpapasahod sa 'kin." Mabilis akong umiling habang pinipigilan ang ngisi dahil lalong bumusangot ang mukha niya. "I will not dare."
Naningkit ang mga mata niya sa akin at umiwas naman ako ng tingin dahil baka matuluyan ang tawa ko.
'Buti na lang gwapo si Sir Blare. Nakabawi na rin kahit wala siyang sense of humor.
"Enough with this. Let's go, Ms. Pablo."
Tuluyan niya akong tinalikuran at naglakad na papunta sa hagdanan paakyat sa third floor. Mabilis naman akong sumunod sa kaniya.
Ang bigat talaga ng aura ng buong lugar at habang paakyat kami, mas bumibigat pa 'to. Just tell me what the hell happened in this mansion para magkaroon ng ganito kabigat na pakiramdam.
YOU ARE READING
Intimate Madness
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #5 Satyromaniac (n.) : A man with excessive sexual desire. *** Sex and men are two things that can either empower or destroy a woman. But what if the man you meet is consumed by an insatiable hunger for pleasure? Could y...
