Chapter 3

12.9K 200 55
                                    

"SELLY! Selly! May package ka rito." Rinig niya naman ang boses ni Jaina sa labas. Agad na niyang kinusot-kusot ang mga mata at bumangon na siya sa kama. Hindi pa siya nakapaghilamos at nagmumog dahil nagtataka siya kung kanino galing ang nasabing package. Alam niya naman na hindi na siya masiyado binibigyan ng daddy niya ng mga gusto niya. Maliban na lang kung birthday niya iyon. Agad na siyang lumabas ng kanyang kuwarto at doon nakita ang isang boquet ng puting rosas, may chocolates na mga mamahalin at mayroon ding teddy bear. Labis siyang nagtataka sa kanyang mga nakita. Wala naman siyang manliligaw, alam niya iyon. Sa kabilang banda, ay wala siyang ideya kung kanino galing ang mga iyon.

"Kanino galing iyan, ate Jain?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigan. Kumibit balikat na lamang ito sa kanya. Wala man lang siguro may naglagay kung kanino galing ang mga iyon. Dahil medyo pagod pa siya at nahihilo ng kaunti, hindi niya na lamang pinansin ang mga iyon. Sa halip, ay nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng kape. Abala kasi sa kakanood ng mga cartoons si Treen at si Jaina naman ay kakatapos lang kumain. Siya na lang ang hindi nakakain sa kanilang tatlo dahil siya ang huling nagising sa kanila.

Habang nasa kusina siya, iniisip niya pa rin kung kanino galing ang mga iyon. Alam niyang wala siyang manliligaw at kahit ano. Wala rin siyang boyfriend-hindi pa siya nagkaroon kahit isa. Kahit sa tingin ng iba ay napaka-liberated siya ay nagkamali sila. Pabaya lang ang kanyang daddy sa kanya pero may bahid pa rin siya ng pagkainosente sa kanyang pagkatao. Partying, drinking at mingling-iyon lamang ang ginagawa niya. Nothing more and nothing less. Napakagat siya ng labi habang iniisip kung kanino, pero tingin niya galing kay Ruther iyon? Uminit bigla ang pisngi niya sa naisip.

Oo, gusto niya si Ruther. Sa unang kita niya pa lang doon, ay hindi niya maipagkaila na na-attract kaagad siya sa kaguwapuhan nito. Hindi niya alam kung sasabihin pa ba niya iyon sa mga kaibigan ang tungkol doon. Pero mas maiging itago niya na lamang ang pagkagusto niya sa binata. Nagtungo na siya roon sa kanyang mga kaibigang nanonood ng Phineas and Ferb. Napansin niya naman na nakatingin ang mga iyon sa kanya habang nakakunot ang mga noo nito.

"O, bakit?" Tanong niya sa mga ito. They just rolled their eyes on her.

"Hindi mo talaga pinansin ang mga flowers, teddy bear and chocolates, huh?" Taas kilay na utas ni Treen sa kanya habang nakayakap sa unan.

"Hindi. Hindi ko naman alam kung kanino galing. Malay mo it's a trap. Kaya mas maiging-" Hindi niya natapos ang sasabihin nang tumayo si Treen para kunin ang mga padala. Sinundan niya na lamang ng tingin ang kaibigan. Akay-akay nito pabalik sa puwesto ang boquet habang hinahalungkat kung mayroon bang mensahe o card man lang kung galing kanino. Pero nainip siguro ito kaya inilapag na lamang nito sa lamiseta sa gitna nila. Sunod ay ang teddy bear at chocolate naman ang inilapag nito.

"O, nasaan ang trap diyan, Joselle? Wala naman, ah? Ayaw mo lang siguro tanggapin ang mga ito. Naku 'day, sayang naman. Kung ako siguro ang makakatanggap nito ay panigurado, nasa Instagram ko na ang mga ito!" Umirap ito sa kanya at kinuha ang teddy bear 'tsaka niyakap. Hinaplos-haplos pa nito ang naturang stuffed toy at may nakita itong tag sa teddy bear.

"Own me, I am Lucky." Pagbasa ni Treen sa nakasulat na tag sa teddy bear. Walang ganang tingin ang pinukol ni Joselle doon.

Inayos niya na lamang ang upo at nanood na lamang ng palabas. Nakita niya rin na kinuha ni Jaina ang chocolate sa tabi ng boquet at binuksan iyon. Isang box iyon ng Ferrero Rocher na chocolate. Binuksan ni Jaina at kinain ang mga iyon. Napailing na lamang si Joselle sa mga kaibigan. Ang natitira na lamang sa lamiseta, ay ang boquet ng white roses. Alam niya bawat kulay ng mga rosas ay may mga meaning. Pero hindi na niya lamang inisip ang mga ibig sabihin niyon sa halip ay may napansin siyang maliit na card na nakasiksik sa loob. Ipinasok niya ang daliri para maabot ang card.

Unwanted Sin (COMPLETED)Where stories live. Discover now