Bloody Longing [Talking to the Moon]

1.4K 31 3
                                    

HELLO! Mabuti naman at napadpad ka dito. I'm so honored! This story just popped in my mind when I read @Conanchan's works. Pahiram po muna ng idea niyo, ha? Magso-songfic din ako! XD Arigatou gozaimasu! And to give her credits, ide-dedicate ko sa kanya ang Monologue na 'to. Haha!

I'll use the song "Talking to the Moon" by Bruno Mars * the Anime Series "Vampire Knight". Perfect kasi yung drama ni Fafa Zero sa kanta eh! XD

DiSCLAiMER: Talking to the Moon & Vampire Knight aren't mine, okay? :P 

This is Zero's soliloquy a year after Yuuki and Kaname left the Cross Academy. HOPIA like it!

 

=======================================================

ZERO KIRYU'S POV

Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko.

Gabi na naman.

Isa na namang napakatahimik na gabi ang kailangan kong tiisin ngayon.

Pero hindi ordinaryo ang araw na ito para sa akin.

It's been a year since she left me.

Eksaktong isang taon na nga ang lumipas mula nang umalis siya kasama si Kaname at iniwan niya ako dito sa Cross Academy. Isang taon nang ako'y nangungulila at nag-iisa. Ang babaeng naging kasama ko simula pa nang kinupkop ako ng kanyang ama. Ang babaeng kasa-kasama ko noon sa gabing katulad nito. Si Yuuki Cross, ang tanging babaeng minahal ko. Ang babaeng pagdating din ng panahon ay papatayin ko, sapagkat isa siyang PURE-BLOODED VAMPIRE.

I know you're somewhere out there,

Somewhere far away...

I want you back...

I want you back.

Alam kong masaya na siya ngayon, sa isang malayong lugar, kasama ang kanyang pinakamamahal na si Kaname. Pero kagagalitan niyo ba ako kung nanaisin kong bumalik siya sa akin? Bawat araw na lumilipas ay lalo lang pinipiga ang puso ko dahil sa kalungkutang nararanasan ko. Ilang beses ko na ring pinangarap na sana bumalik na siya, para muling makita siya, muling mayakap katulad noon.

Siya na laging nariyan kapag ako'y nag-iisa.

Siya na laging nag-aalala kapag ako ay may problema.

Bloody Love (Vampire Knight Oneshot Fanfic)Where stories live. Discover now