Chapter 4: Case Closed

78 3 0
                                    

Samantha's POV:

Nandito na ako sa P.U. (Psymetrah University). Ang aga ko nga eh. Sumabay ako kay daddy. Tinext ko na lang si Matt na 'di ako makakasabay sa kanya.. Hindi pa nagrereply.. Tulog pa ata. (_ _" )

Grabe! Wala pa akong tulog.. Eh kasi naman, kagabi pa ako naguguluhan... 3 hours lang ata tulog ko. Ayan! Bangag mode tuloy ako.. (@_@)

"Hey, Good morning (^__^)" 

Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.  Siya pala..

"Ah...Eh... Good morning.. Aga mo ah.." 

"Nasanay lang ako. Pag pumapasok kasi ako sa States, laging maaga..Haha" -siya

"Ikaw na galing sa States! Haha" 

"Haha.. Na-share ko lang naman eh.. Eh ikaw? Ba't ang aga mo?" sabi niya at umupo sa tabi ko

Naku.. Kung alam mo lang Kyle.. Ikaw ang dahilan... Hayys (-.-) 

"Maaga akong nagising eh. Pumasok na lang din ako ng maaga. Hehe."  

"Ah.. Haha.. Gulat nga ako..Ikaw lang mag-isang nakaupo dito sa bench.. Hindi mo kasama sina Liz.. (^__^)" -siya

Grabe talaga 'to!! Hindi ba 'to nagkakaroon ng problema sa buhay?? Lagi na lang nakangiti eh.. 

"Eh lagi kayang late magsi-gising yung mga yun.. Excited lang sila kahapon kaya maaga sila. Haha" -ako

"Tinext ko nga si Chloe.. Hindi pa nagrereply.. Baka nga tulog pa. Eh 'di naman ako pwedeng pumunta sa house nila to fetch her.. Hindi kasi alam ng parents niya na kami." -siya

"Ay. oo nga. Nabanggit nga samin yan ni Chloe.. Kaya nga quiet lang kami.. Balita ko may participation ang barkada sa relationship niyo ah.. =)" -ako

"Ah oo. Hangga't maaari sana sa bawat lakad namin kasama namin kayo para hindi halatang girlfriend ko siya..Lalo na dito sa loob ng Campus.. Teka.. Ayos lang ba sa inyo??" -tanong niya sakin

 "Oo naman noh.. Minsan lang namin makita si Chloe na super happy. Masyado kasi siyang bantay-sarado sa parents niya, kaya minsan lang namin siyang makitang masaya.. Kahit sa mga gala namin hindi siya pinapayagan.. And now, she has a boyfriend.. we're expecting you to make her life happier than before.." -ako

"As you wish Madamme.. Haha.. Kahit naman hindi mo sabihin, I'll do it.. Ako pa??.. Sa gwapo kong ito.. " -siya..

"An-konek?? Batukan kaya kita dyan?' -ako

" 'Di mo lang tanggap ang gandang lalaki ko.." sabay tawa niya

"Isang malaking ASA" -ako

Baliw 'to.. Ang hangin eh!! 

Then nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.. Masyado pa kasing maaga. Hindi ko inaasahang magiging komportable kami ng ganito sa isa't isa. 

Siguro tama nga, kalimutan ko muna kung anong gumugulo sa isipan ko kahapon pa..

*BZZZT*

Biglang nag-vibrate yung phone ko..

(Text message received from "EL")

== Good morning El..  Ba't 'di ka sumaby? :'(  Btw, nandto ako sa labas ng school mo.. Hintayin kita d2. == 

(End of Text message)

Napabalikwas ako sa gulat ng mabasa kong nandito si Matthew.. May sayad 'to.. Wala man lang pasabe.. Magsasabi kung kelan nandito na.. Life nga naman oh!! -.-

"Oh? May problema ba? Parang gulat na gulat ka ah?" -sabi sakin ni Kyle at napatayo na din siya mula sa pagkaka-upo.

"Ah. Nagtext kasi yung bestfriend ko. Nasa labas daw siya. Pasaway talaga. Walang pasabi. Tsk." -ako

You're Still The One (On-Going)Where stories live. Discover now