Chapter 4. Bar.

108 24 0
                                    

Danea's POV.

"Surprise!" sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko at bigla nila akong niyakap.

"Seriously?" kunot noo kong tanong.

"We're here because were going to T-Gen!" excited na sabi ni Alexa.

Uh-Oh. Alam na kaya nilang may problema ko? Mga kaibigan ko naman sila e. Tsaka kailangan ko rin ng makakaramay ngayon.

"Ah. Sige , Magbibihis lang ako."

After kong magbihis umalis na rin kami gamit ang sasakyan ni Mary Ann , but may driver sya. Rich kid diba?

----------------------------------

Nang makababa na kami ng sasakyan bumungad samin ang kulay green na ilaw na may nakasulat na 'TEEN GENERATION BAR'. Yep. Bar sya , pero pang teen lang kaya pede kahit minor ka pa. Tsaka hindi naman mga hard ang inumin dito e. Hindi na bago samin ang magpunta dito kase , we used to go here if some in barkada has a problem. Dito kami madalas tumambay at naglalabas ng sama ng loob. Hindi porket maingay dito hindi na kami makakapaglabas ng problema , but we have ourown place here kung saan kaming apat lang ang pedeng magpunta dun. Privacy kase ang kailangan namin hindi pagpaparty. Tita naman ni Marie ang may ari nito kaya may private room kami,

Dalawang oras na kaming nandito , umiinom pero katulad ng sabi ko light lang naman pero nakakalasing pa din.. Tapos chickahan na din kami. Medyo nahihilo na nga ako e , ay mali! Lasing na yata ako. Umiikot na yung paningin ko e. Yung tatlo naman mukang lasing na din pero mas malala yung pagkalasing ko. Ikaw kaya maging BH? Di ba sa alak ka gumaganti? 

"Friend hindi mo pa naikukwento yung pag uusap nyo ni Gwen?" out of the blue sabi ni Alexa.

Napatitig lang ako sa kanya at napakagat sa ibabang labi ko. Haist! Nahihilo na talaga ko.

"Alexa is right , alam naming may pinagdadaanan ka ngayon." sambit ni Marie na malungkot ang boses.

"Friend , kahit ano naman yang problema mo nandito lang kami para sayo. Papakinggan ka namin , kaya sige na , spill it!" malungkot ding sabi ni Mary Ann.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol ng iyak. Hinayaan lang nila ko. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa muka ko para takpan ito. Ansakit sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon.

"So-sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Kahit ipilit ko sa sarili ko na wala na kami , na iniwan nya na ko , hindi pa rin maabsorb ng puso at utak ko na wala na talaga hik. Ka-kahit anong gawin ko hindi ko sya kayang kalimutan. Mahal na mahal ko sya e at handa akong magpakamartir , handa akong masaktan bsta gusto kong patuloy ko lang syang mamahalin , pero ang sakit sakit na eh. hik! Ayokong sumuko na lang bigla dahil pinanghahawakan ko yung sinabi nya na mahal na mahal nya ko , na baka sa isang araw bigla na lang syang bumalik sakin. hik!" Syete! Lasing na talaga ko.

Tahimik lang silang nakatingin sakin. Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko kaya pinagpatuloy ko pa.

"Alam nyo kung ano yung masakit? Yun yung alam mong mahal na mahal ka nya , pero wala syang ginagawa para maayos lahat ng to. hik! Naniniwala ba kayo na 'Sacrificing someone you love is the best sacrifice at all?' Lintek na sacrifice yan! Bakit ba kase nauso yan? Bakit yan pa yung makakarelate ngayon sa lovestory ko? Diba mahihina lang naman ang mga nagsa sacrifice , YUNG MGA taong hindi kayang ipaglaban ang mahal nila. Hindi naman ako ganun eh. Hindi ako mahina pero sa mga nangyayari ngayon , I'm freaking weak!"

Walang boses na sabi ko habang patuloy sa pag iyak. Napadukdok ako sa table sa harap namin sa sobrang hilo na nararamdaman ko. Pinikit ko ang mata ko at nakaramdam agad ako ng matinding antok. Tina-Tap lang nila ang likod ko at nakatulog na KO. 

zzzzzzzZZZZZ.


--------------------------------------------

*Alexa's POV.

Nakatitig lang kami sa natutulog na si Danea sa table habang may tumutulong luha sa mga mata nya. 

Grabe pa la ang naranasan ng kaibigan namin nung mga nakaraang araw. Medyo lasing na din kaming tatlo kaya hindi pa kami umaalis dito sa bar. Etong dalawang to magpapasundo na lang daw sa mga driver nila. Itetext ko na nga lang din yung driver ko e. Ang problema na lang namin ay si Dandan. Walang maghahatid sa kanya. 

I knew it! 

Kinuha ko ang phone ko at di-nial ang number nya. Sana pumayag sya. 

Isang ring pa lang sinagot na niya.

(''Hello.") sabi sa kabilang linya.

"Ah , pede ka bang pumunta dito sa T-Gen Bar? Si Danea kasi e."

(''Ha? Anong nangyari kay Dandan? Sige papunta na ko.") nag aalala nyang sabi sabay end ng call.

After 5 minutes nakarating na din sya. Alam nya naman kung saan kami palaging tumatambay e kaya nakapunta sya dito sa private room. Kilala na din sya ng bouncer ng bar.

"Anong nangyari kay Dandan?" bungad niya pagkapasok na pagkapasok nya sa private room.

Lumapit agad siya kay Danea.

"Pwede bang ikaw na ang maghatid sa kanya?" sabi ni Marie.

binuhat nya si Danea (bridal style).

"Sige ako na maghahatid sa kanya." sabi nya.

"Salamat Gwen ah?" sabi ko naman at tumango na lang sya. 

Pag kaalis ni Gwen tumingin ako sa dalawang kasama ko at nakangiti sila ng makahulugan. 

Bago kami umuwi pare pareho lang kami ng naiisip.

MAHAL pa ni Gwen ang kaibigan namin.

 :)

----

Keep supporting and voting :)

Si Mary Ann Aguinaldo po yung nasa picture. :D

GODBLESS. :*


You Are The One (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon