Chapter 1 "Simula"

Beginne am Anfang
                                    

Habang nagtatawanan, dumating na si Inang Mary kasama yung iba pa naming kasama dito sa ampunan...

"Good Morning, Inang Mary!!!"

Sabay-sabay naming bati kay Inang, lumapit kami na parang mga bata na nakita ulit yung lola nila, hahaha, niyakap namin si Inang, dahil matagal na namin syang hindi nakita, kasama kasi sya sa feeding program sa mga bayan dito sa Laguna kaya halos 2-3weeks syang nawala...

"Miss na miss ka namin Inang,"

Kami ni Kambal ang nagsabi nun, sasagot na sana si Inang nang magsalita si Geryanne at Kervy na sinundan naman ni Ate Jade na tapos ng magluto at naghahain na sa mesa,

"Kumusta ka na po Inang, nakakapagod po ba ang biyahe?"

"Maayos naman po ba ang feeding program sa mga bayan na pinuntahan nyo Inang?"

"Inang,sobra ka po naming namiss, ang dami nga pong nagtatanong na mga bata na kung nasaan daw po kayo, miss na miss ka na po nila Inang,"

Nakayakap kaming lahat kay Inang, kaming mga nandito sa ampunan, namiss talaga namin si Inang, kaya eto, hindi namin mapigilan ang sarili na yakapin si Inang...

"Okay lang ako mga bata, at kayong apat, inaalagaan nyo din ba sila ha? Tinutulungan nyo din ba sina Ate Jade nyo,?"

Naghiwa-hiwalay naman kami sa yakap namin kay Inang, yung bata ay nakayakap parin kay Inang...

"Opo naman po Inang, kami pa? Hahaha... pero Inang, wag kayong magpapagod, magpahinga na po kaya muna kayo?"

Sagot naman ni Geryanne, at sabay tanong na naman...

"Nakapagpahinga na ako, at nga pala, first day nyo ahh, kumain na tayo, mga bata kainan na, umupo na ang lahat sa hapagkainan..."

Utos ni Inang sa amin, at sabay-sabay naman kaming umupo para kumain, syempre, nagdasal kami na pinangunahan naman ni Ate Jade, nang matapos na kaming magdasal, kumain naman kami, at inaasahan, nag-agawan kaming lahat sa ulam, dahil ang ultimate favorite ulam namin ang nakahain which is, Sinigang! Hahaha...

"Hep! Lahat magkakaroon ng ulam, wag kayong mag-agawan, lalo na kayong apat!! Nako naman!"

Pagpigil naman sa amin ni Ate Jane, isa sa tagapagbantay sa amin, ang focus ni Ate Jane ay ang mga bata na mga Grade 3 schoolers...

Mukhang riot ang hapagkainan, ang gugulo ng mga bata, hahaha, tahimik naman si Inang na nakikitawa sa mga nakikita, namiss din siguro kami ni Inang Mary...

***
(Lunch time, 11:30am)
Lunch time! Dahil lunch time na namin, dumeretso naman kami sa canteen ng school na nasa loob ng ampunan...

"Trixia! Manghintay ka naman! Ang bilis mong maglakad!"

Sigaw ni Cristine habang natakbo papalapit sa akin, kasama din pala yung kambal...

"H-hey?! Bakit kailangan mo pa akong akbayan?!"

Medyo napataas pagkakasabi ko kay Kervy, kasi nga bigla akong inakbayan, ehh, sa balikat ako may kiliti, tsk...

"Sorry, di ka na nasanay sakin... hahahaha... nga pala, tingnan mo yung mga bata ohh, sina Mark at Irish, ang sweet nila sa isa't isa, childhood lovers ohh..."

Turo nya naman dun sa dalawang Grade 4 students na kaclose din namin dito sa ampunan, tiningnan ko naman yung dalawa, at ang sweet nga nila kahit mga bata pa sila, ang saya nilang pagmasdan...

"Inang Mary, may mag-asawa pong gustong mang-ampon, mga Grade 1 hanggang grade 3 schooler daw po ang gusto nila..."

Narinig naming permiso ni Ate Jamie kay Inang Mary, si Ate Jamie naman ang natanggap ng mga request na may mag-aampon at inaayos ang mga papeles para sa magiging magulang ng aampunin nila, nagsalita naman si Inang,..

"Ahhh, sige, papuntahin mo sila dito at ipapatawag ko ang mga bata na grade 3 schooler..."

"Sige po Inang Mary, papapuntahin ko na po sila dito..."

Sabi ni Ate Jamie, at umalis na, si Inang Mary naman lumapit sa amin ni Kervy at nagsalita...

"Hmm... baka kayo magkatuluyan nyan ahh..."

Tukso ni Inang sa amin, natauhan lang kaming dalawa ni Kervy sa sinabi ni Inang, kaya tinanggal na agad ni Kervy yung pagkaka-akbay nya sakin, at napakamot sa batok bago magsalita, change topic, hahaha...

"Inang, may mag-aampon na po sa mga Grade 1-3 schoolers? Ilan po ang aampunin nila?"

"Hindi ko pa alam, teka, pakitulungan nyo na akong magtawag sa mga bata, lunch break nyo pa naman diba?"

Sabi ni Inang, sumagot naman ako,

"Sige po Inang, kaya po namin yun,"

"Grade 1 hanggang grade 3 schoolers!!! Pumunta kayo dito, kailangan kayo ni Inang!!!"

Sigaw naman ni Kervy, tsk, may pagkatamad din 'to lumapit sa mga bata ehh, tsktsktsk...

"Mga bata!! May sasabihin sa inyo si Inang!! James, Eunice, paki-tulungan na nga kaming tawagin ang mga Grade 1 at Mark, Irish, pakitawag na nga yung ibang grade 2 at grade 3 schoolers.."

Sabi ko sa apat na pinaki-usapan ko, hayy... simula na ulit...

-----
A/N:Hi, nagustuhan nyo ba? Vote.Comment.Share. Thanks! God bless...*^▁^*

Unexpected LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt