Prologue

231 4 0
                                        

Taong 2019, nagsimula ang paglaganap ng virus kung tawagin ay Coronavirus, ayon sa mga experto nagsimula ang pagkalat ng virus noong dumating sa Earth si Quenn Gwyneth kasama ang kanyang mga heneral.

Kumalat ng kumalat ang virus hanggang sa lumala na ang epekto nito sa mga tao. Nawawala sa katinuan ang mga nadadapuan ng virus kaya walang magawa ang mga experto kundi ang ikulong ang mga ito.

Nagsimula na din ang panggugulo ng mga humanoid robots sa iba't ibang dako ng mundo na gawa ng isa sa mga heneral ni Quenn Gwyneth.

Kumalat din ang mga video ng mga kabataang may kakaibang kakayahan kaya naisip ng pamunuan sa south korea na may mga kakaiba ding kakayahan na e-train ang mga ito.

Binuo ang universe League upang hasain at alamin kung sino sino ang mga magdedebut upang maging bagong Hero ng buong mundo.

South Korea ay kilala bilang mga experto sa mga technology dahil sa kanilang mga advance na kagamitan.

Kumalat sa buong Mundo ang balita na may kukuning mga kabataan upang hasain upang maging isang tunay na hero, maraming natuwa dahil may tutulong na din sa kanila upang gapiin ang kasamaan ni Queen Gwyneth kasama ang kanyang mga heneral.

Kung sino man ang makakatanggap ng sulat ay kasama sa mga pinili upang hasain ang kakayahan.

Ating alamin kung sino sino ang mga kabataang napili upang hasain upang maging isang tunay na hero.

Universe Super League: The Heroe's TrainingHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora