Chapter 26: Room 55

1.1K 58 24
                                    

Alright Arabella Chan! Keep your self together. Matutulog lang naman ako ni brent sa Hotel. Wala naman kayong gagawing masama at masarap. Oh my Ghad~ WHAT THE FUDGE IAM THINKING? Kalma bella. Kalma! Isang desenteng tao si brent. Magalang siya at gentleman, siguradong hindi ka naman niya pag iisipan ng masama. And besides boyfriend mo naman siya kaya kung i susuko mo na yung bataan okay lang! WAAAH! Pero Walang sukuan na magaganap maliwanag? WALA. As in Wala kahit sobrang hot ng boyfriend mo habang nag drdrive.
Kahit mukhang ang yummy yummy niya...

Tumingin ulit ako kay brent na seryosong seryosong nag drdrive. Mas nahuhumaling talaga ako sa kanya kapag nag dr-drive siya. Like seriously, he looks so cool. Yung isa niyang kamay nasa steering wheel lang tapos hawak naman niya ang kamay ko sa kabila. Mas nakakainlove at dahil din siguro sa seryoso niyang mukha, magagandang mukha at mapupusok na labi..



BELLA! Gumising ka! Wag mong pag nasahan ang jowa mo.


Napabaling ako ng tingin sa bintana. *Gulp* Tama. I divert ang atensyon sa iba, para walang problema. Wow. Ang cute ng mga puno.. Tska yung mga bato sa gilid ng daan, perfect shape talaga..


'May problema ba hunnybunny? Parang hindi ka mapakali? ' Biglang tanong niya sa akin na ikinagulat ko.


'Ha? A-ako? '


Tumingin siya sa akin with annoyed face. '=.= may nakikita ka pa bang kasama natin dito sa kotse? Malamang ikaw '


'Okay lang ako. Hehe sige mag drive ka lang dyan ' Pag wawala ko ng topic. Geez. Am i being a weido?


Kalma lang kasi Arabella Chan. Inuulit ko, wala kayong gagawin ni brent. Matutulog lang kayo at mag papahinga. Dont effin make this a big deal!


Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa may harap na pala kami ng hotel. Sa View park Hotel ako dinala ni brent. Maganda daw kasi yung facilities dito at naka pag pa reserve siya agad dahil may isa pang bakanteng kwarto. Peek season kasi ngayon at sobrang himala na nakakuha pa kami ng kwarto.


Pumunta si brent sa may counter habang nag hihintay ako sa may lobby. Malamig sa tagaytay pero pinag papawisan ako sa pwesto ko. Gosssh Bella! Ano ba kasi yung iniisip mo? Kumalma ka okay? Kalma! Look at brent. Calm and collected lang siya, dapat ganun ka din! Nag bilang na lang ako ng pabaliktad para mabaling sa iba yung iniisip ko. Okay na sana eh kaso bigla nang dumating si Brent at hinawakan yung kamay ko.


'Bakit pinagpapawisan ka? Naiinitan ka ba? ' tanong niya sa akin habang kinukuha yung bag kong dala.


' Oo nag iinit na ako ' Nakita kong nagbago yung expression ni brent at dun ko lang na realize yung sinabi ko ' W-WHAT I MEAN IS.. Sobrang init dito sa loob kaya NAIINITAN ako. You know, when our body is having a high degree of heat or high temperature '


Okay official geek here. Mukhang tanga lang -.- ano ba tong pinag sasabi ko? Masyado ko atang pinapahalata kay brent na hot at bothered ako.


'Okay? lets go ' hindi na lang pinansin ni brent yung sarili ko.


Hinila ako ni brent sa elevator at nararamdaman ko nanaman yung tensyon. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko tulad ng isang hot and steamy na make out session na katulad ng sa fifty shades of grey. Oh my gosh! Pano kung bigla niya akong halikan like Mr.grey? Omo.. >\\\\<

Tumingin ako kay brent pero mukhang chill na chill lang siya, nag w-whistle whistle pa. Gusto ko na siyang batukan but I cant do that. Why is he so calm ba kasi? Nakakainis. Ako lang ba ang affected ditooo?


One..two..three things i learned about love *medyo on hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon