Special Chapter 1

46K 799 87
                                    

#KAQwp
Special Chapter 1

WARNING: SPG!


QUEEN


Pagpasok ko ng bahay ay agad akong nakaamoy ng bagay na nasusunog. Agad akong tumakbo papunta sa kusina, natalisod pa ako sa isang laruan ni Ashton na nakakalat sa daan.


"Ouch shit!" I hissed habang hinihilot ko ang paa kong natalisod. Inilibot ko ang paningin ko at parang binagyo ang bahay namin. Nagkalat ang mga train na laruan ni Ashton at parang nakakita pa ata ako ng ilang popcorn na nagkalat sa carpet. What the hell happened here?!


Pagdating ko sa kusina ay masayang nagtatawanan si Ashton at si King habang puro kalat ng mga ingredients ng kung anong niluluto nila ang paligid. "Lagot tayo sa Mommy mo!" Natatawang sabi ni King habang pinupunasan ang mukha ng anak namin.


"Its okay Daddy. I will just kiss Mommy." Tawa naman ng anak ko.


Hindi ko napigilan ang paglabas ng ngiti sa labi ko. I just love this view. Seeing my husband and my son, bonding. Well, with alot of messing around but still, its a view to die for.


"Ilang oras lang akong nawala, parang binagyo na yung bahay, Kingkong." Sabi ko at halatang nagulat silang dalawa sa pagdating ko.


Lumabas lang kami saglit nila Belle at George parang binagyo na yung bahay. Hindi talaga pwedeng iwanan ng matagal itong dalawang to.


Binuhat ko si Ashton mula sa sink. "Hi baby, did you miss me?" Sabi ko at hinalikan ang tuktok ng ilong niya.


Our son, Ashton Chase, is already 5 years old. Nagiisang anak namin siya pero sa kakulitan niya ay parang sampu ang anak namin ni King.


"Yes mommy! I miss you po!" Aniya at pinaulanan ng halik ang pisngi ko.


I smiled. "Ano bang ginawa ng baby ko habang wala si Mommy?" I asked him. Lately I've mastered the art of baby talking.


Tinuro niya yung stove namin. "Cook Mommy! Cook po Daddy and Ashton!" Masayang sabi niya at yumakap sakin.


Mas lumapad ang ngiti ko nang makita kong nakatitig lang sa amin si King. Kinuha niya mula sakin si Ashton at dinampian niya ng halik ang labi ko. "Ako hindi mo tatanungin kung namiss ba kita, Reyna ko?" Nakasimangot niyang sabi habang buhat buhat ang anak namin.


Ngumuso ako at kumuha ng tissue. Pinunasan ko yung noo ni King na may harina pa. "No need, alam ko namang namiss mo ko." Nakangisi kong sabi.


Hinapit niya ang bewang ko palapit sakanya. Ngayon, yakap na niya kami pareho ni Ashton. "I love you." Aniya.


Isiksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at inamoy amoy ko iyon, kahit na madungis na siya ay mabango parin siya. "I love you too." Sabi ko at nirub ang ilong ko sa tyan ng anak ko, causing him to chuckle. "And I love you more, baby ko." Sabi ko.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon