Chapter 42 - Napatahimik.

23.7K 814 193
                                    

#KAQwp
Chapter 42


Have you experienced that moment when you wake up and you wish you didnt. I never thought na dadating ako sa gantong punto ng buhay ko. Yun bang bago ka pa bumangon, maiisip mo nalang, he is gone, and this time, for good.


I can actually feel myself falling apart and it's a kind of pain I've never felt before. I just wish my love was enough to make me stronger for me to fight for us. But, it wasnt.


Totoo nga, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, dadating at dadating ka sa point na pagod na pagod ka na. Nakakapagod palang ipaglaban yung relasyon niyo, lalo na kung ikaw nalang ang nagmamahal sainyong dalawa. Ikaw nalang yung lumalaban. Kasi siya, matagal ka na niyang binitawan.


Because sometimes, holding on does more damage than letting go.


Bumangon ako at ginawa ang morning rituals ko. I have to get my life going. For the past three weeks, hindi ko hinayaang huminto ang takbo ng buhay ko dahil lang nagkahiwalay kami, o dahil nasasaktan ako.


I can say that things are getting better. Oo at nasasaktan parin ako. Oo at umiiyak parin ako, gabi gabi. Pero in the long run, parang unti-unti nang nababawasan yung sakit.


"You should really know how to lock your door, Steffie." Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Tyler na nakapamewang sa pinto ng hotel room ko. Nakalimutan ko na naman pala iyun ilock kagabi, siguro sa sobrang pagod ko.


We're in Singapore. As planned, tumuloy ako agad dito that morning after the breakup. Nagulat nalang ako ng makita si Tyler sa airport.


"You think I'll let you go to Singapore alone? How about no, mi lady?" Nakangisi niyang sabi at kinuha ang maleta ko.


Mabilis siyang naglakad so I have to fasten my pace para maabutan siya. "What? Ty, you have your life here. I can handle, ano ka ba. And besides, isang buwan lang. I'll be back after maopen yung store sa Singapore." Sabi ko sakanya at hinila ko ang maleta ko mula sakanya pero umiling siya.


"Tita Yna asked me to come with you so I can check on you, baka daw kasi kung anong maisipan mong gawin doon." Aniya.


Baka kung anong gawin ko doon? Like what? Magbigti? Tumalon sa building? Maglaslas? Uminom ng shampoo? Oh god. Hindi naman ako suicidal.


Sumimangot ako at napanguso. "Broken hearted lang ako, hindi suicidal. You dont have to come with me to check if Im okay." I sighed.


Ngumisi lang siya. I guess, wala akong choice. Lalo na at si Mommy din pala ang nagsabi sakanya na sumama sakin.


"Sobrang gwapo ko talaga. Biruin mo, natulala ka sakin ng ganun." Natatawang sabi niya at kinuha mula sakin ang bag ko.


I shook my head. "Asa ka pa." Sabi ko at sinabayan siya maglakad palabas ng hotel room ko.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon