Chapter 19 - Nanigas.

27.8K 887 125
                                    

#KAQwp

Chapter 19

 

QUEEN

 

"Ano ba dahan dahan naman sa pagmamaneho!" Singhal ko kay King dahil parang byaheng langit ata ang punta namin sa bilis niya magpatakbo.

Pagdating namin sa bahay nila George ay bumusina si King para pagbuksan kami ng gate ng katulong nila George at agad siyang bumaba ng sasakyan. Padabog niyang sinarado ang pinto niya. Binuksan ko ang akin at pilit inalalayan si Shann dahil nakatulog na ito sa balikat ko kanina.

Nanatiling nakatayo si King sa labas ng sasakyan niya. Damn it! Mukhang wala siyang balak tulungan ako. Shann's one of his buds in the first place, bakit sakin niya inaasa ang pagaalalay dito.

"Wala ka bang balak na tulungan ako?" Inis na sabi ko nang tuluyan ko nang mailabas si Shann ng sasakyan ni King.

Sumimangot siya at agad na naglakad papunta sakin. Mabilis niyang nakuha si King mula sa akin at naglakad na siya papasok sa gate nila George. Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob. Konti nalang ay masasapok ko na ang isang yun. Hindi na siya nakakatuwa.

Ano ba talagang problema niya?

 

Nang pumasok ako ay nakita ko nalang na naglalakad patungo sa garden si King. Sakto namang kakababa lang ni Georgina at pupungas-pungas pa ito. Halatang kakagising lang.

"S-Sino yan?" Aniya at nginuso si Shann na nakadapa ngayon sa sofa nila. "Si King ba yan?" Tanong niya ulit dahil hindi niya maaninag ang mukha ni Shann.

I shook my head. "Friend namin nila Belle. Pwede bang makahiram ng first aid kit? May sugat kasi siya." Sabi ko at tinuro ang gilid ng labi ko. "Lasing. Nakipagaway ata." Kibit balikat na sabi ko.

Ngumuso siya at umiling. "Both Dad and Tito Angelo will go beast mode on pag nalaman nilang nagdala ka ng ganyan dito." Aniya at nagtawag ng katulong para madala samin ang first aid kit nila. Nagpadala narin siya ng tubig at gamot para daw mawala ng konti ang pagkahilo neto.

I smiled and shook my head. "I was just trying to help. Hindi naman siguro."

Pagdating ng katulong nila ay agad kong tinungo ang pwesto ni Shann. Hindi parin bumabalik si King pero ayos na siguro yun, baka mas mabwisit lang ako kung patuloy siyang magsusungit nang hindi ko nalalaman ang dahilan.

Inangat ko ang katawan ni Shann para medyo mapaharap siya. "Help." Sabi ko kay George kaya tinulungan niya ako. Nang mapaharap na samin si Shann ay agad na natigilan si George.

Nakita ko ang pagkalaglag ng panga niya. "Alam kong gwapo, pero wag mo namang pagnasaan." Natatawang sabi ko sakanya.

Umiling siya at hindi inalis ang pagkakatingin kay Shann. "I know him." Napataas ako ng kilay. "Si Shann."

"Paano mo siya nakilala?" Nagtatakang tanong ko. I dont remember introducing them to each other. Napakilala ko na si George kay Ryan pero dahil nga absent sila Shann ay hindi ko pa sila naintroduce sa isat isa.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon