Chapter 20 - Naglalaro.

32.7K 947 87
                                    

#KAQwp

Chapter 20

 

Nagpabali-balikwas ako ng higa sa kama pero hindi ko talaga mahanap yung antok ko. Nakakainis talaga yung King na yun! Why does he have to say those words?!

Ngayon ay hindi na yun mawala sa utak ko. Its been bugging me for hours and its driving me mad. Laman na yun ng utak ko mula pa noong umalis ako ng bahay nila George! Geez!

After niyang sabihin yun ay siya din ang naunang naglakad papasok ng bahay nila George. I was left there dumbfounded. Pagpasok ko sa loob ay sinabi sakin ng katulong na umalis na daw si King.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Shann. Hindi ko alam kung saan siya nakatira at mahimbing pa ang tulog niya kaya sabi ko kay George ay siya na muna ang bahala. Bwisit kasi na King yun, dapat sinama niya si Shann kung aalis din pala siya.

That ass, after sabihing gusto niya ako ay bigla nalang akong iiwan. Just what the hell.

Tss. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko pag nagkita kami. Should I talk to him about this? Should I ask him kung nagbibiro lang ba siya? But he seems serious.

Napasabunot ako. "Ugh! Nakakainis! Bakit ba hindi ako makamove on sa sinabi mo!" Sigaw ko sa unan ko at pinagsasapak ko ito.

Confirmed. Nababaliw na nga ako!

Kinaumagahan ay halos dalawang oras lang ang tulog ko. Damn it! Antok na antok pa ako. Mabuti nalang at walang pasok ngayon, pwede akong matulog buong araw.

Napaupo ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Both Mom and Dad were looking at me intently, ang pinagkaiba ay nakangiti si Mommy habang nakasimangot naman si Daddy. Napakunot ang noo ko.

 

What is it this time?

Mukhang nabasa ni Mommy ang nais kong iparating kaya lumapit siya sakin. "You should get ready, baby." Ani Mommy.

"Po? Aalis po ba tayo? Can I just stay here? Im still sleepy." Sabi ko at bumalik sa paghiga.

Tumawa si Mommy. "Your date is waiting for you." Aniya.

Umiling ako at pumikit. "Nako Mommy. Kung ano ano po sinasabi mo. Anong date? Sinong date?" Natatawang sabi ko pero nanatili akong nakapikit. Im fucking sleepy!

"Si King." Si Daddy ang narinig kong nagsalita. At seryoso ang boses niya.

Napabangon ako ng marinig ko ang pangalan ni King. "P-Po?" Gulat kong sabi. Ano daw?!

Umiling si Daddy at lumabas ng kwarto ko. Napatingin ako kay Mommy na malaki ang ngisi. "Dont mind your Dad. Magayos ka na para sa date niyo ni King. Dali! I'll help you with your clothes!" Excited niyang sabi sakin at hinila ako papasok sa banyo.

"What? Teka teka. Ano pong date?" Naguguluhan kong tanong. Nakakaloka naman kasi. Anong date ang nalalaman ni Mommy?

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon