Sean Enrile Pov
"Alam mo kuya, ang pangit mo na nga mas pumangit ka pa lalo dyan sa muka mo ngayon." Bungad kaagad sakin ng kapatid ko.
"Tsk! Kung pangit ako, di pangit kadin. Remember magkapatid tayo? Tabi nga dyan! Wag mo kung bwisitin ngayon ah, sobrang napaka malas ng araw ko ngayon! Nakaka badtrip!" Wika ko dito at nahiga sa kama ng hindi ko pa natatanggal ang uniform ko.
"Hulaan ko, babae yan no?" Dahilan para mapa tingin ako sa gawi niya na abalang-abala sa pag babasa ng libro, hindi ba siya niyan nag sasawa sa kakabasa niya?
"Bakit mo alam? Ganito ka rin ba kapag problema mo ay babae?"
"Hindi. Kung maka asta kanaman parang ang tagal mo ng kilala yang babaeng yan. As far as I know nakita mo palang naman yan nung nakaraang linggo, hindi ba?" He ask, totoo naman. Nung nakaraang linggo ko pa lang naman siya nakita eh. Talaga bang tinamaan ako sa ganung klasing babae?
Anong klasing babae ba siya? Ammm? Kakaiba? Challenging? Mysterious? Ewan pero ang alam ko lang iba ang epekto niya saakin, period!
"Ehh sa tinamaan ako eh, anong magagawa ko?" Sagot ko naman dito saka ako bumangon sa pag kakahiga pagkatos nag palit ng pambahay, tamang sando lang at short dahil maalinsangan.
"Kung ako ikaw, anong gagawin mo?"
"Saan?"
"Hayst! Amin na nga muna yan!" Hablot ko sa librong nung isang linggo niya pa binabasa.
"Ano?"
"Anong, ano ba kasi?" Inis nitong tanong
"Hindi ka kasi nakikinig! Puros ka basa, basa! Halos lahat ng libro yata nabasa mo na eh.
"Ano naman gagawin ko ah? Gayahin ka? Problemahin din ang babae, ganon?" Pa balang nitong sagot pero hindi ko na iyon panansin pa.
"Ohh! Ano nga? Kung ikaw ako, anong gagawin mo?" Ulit kung tanong sa, kaniya.
"Wala." Diretso niyang sagot.
"At bakit wala?"
"Hayaan ko nalang mangyari ang mga dapat mangyari. Just go with the flow, masyadong nakakapagod mag-isip kaya imbis na isip-ispin o problemahin ang mga ganyang bagay. I'll enjoy the process. Kung anong mangyare, yun na yon. Tapos!" Paliwanag nito.
"Lika nga dito." Aya ko sa kaniya sa tabi ko.
"Oh, ano nanaman yan?"
"Basta! Lika dito,bilis!" Pagpalapit ko sa kaniya. Kahit na nag dadalawang isip itong lumapit ay lumapit pa din siya. Agad ko naman itong inakbayan at ginulo-gulo ang buhok niya.
"Ano bang ka dramahan yan, kuya! Ang buhok ko nagugulo, tsk! Pag rereklamo niya at panay hawi sa kamay ko.
"Binata na talaga ang bunso na yan. Pero maiba ako, may nagugustuhan kana ba?" Tanong ko dito dahilan para mapa isip siya.
Eñigo Rosales Pov
"Binata na talaga ang bunso na yan. Pero maiba ako, may nagugustuhan kana ba?" Biglang tanong ni kuya, kaya naman napaisip ako kung meron ba.
Bigla naman akong napa iling-iling ng biglang lumitaw sa isip ko ang muka ni Verra.
"Wala?" Curious na tanong ni kuya.
"Wala! Bakit? Kailangan ba meron?"
"Hindi namn. Gusto ko lang, kapag meron na, dapat ako ang unang makakaalam kung sino man ang malas na babaeng magugustuhan mo." Patawa-tawa nitong wika dahilan para bumusangot ako.
"Malas? Baka yang babaeng gusto mo ang malas sayo, apaka babaero mo kasi!" Bwelta ko naman dito pero ang loko tatawa tawa lang.
"Akala ko ba mag kaklase tayo? Bat wala ka kanina sa room? Wag mo sabihin saaking nag cutting ka?" Tanong ko dito ng maalala kong same section yung napili namin nung mag enroll kami.
"Yan ang isa sa kina badtrip ko ngayong araw! Pag tingin ko ng SIAS sa "B" Ako naka enroll kaya no choice ako kundi doon pumasok. About namn diyan kinausap ko yung isa sa instructor ko kanina, update niya daw ako kung mababago pa, lintek!" Talagang bwisit niyang turan.
"Sana hindi maayos, ayoko pa namang makaklase ka." Biro ko dito at diretso layo sa kaniya.
"Aba't gago ka ah! Lika nga dito at ng mabatukan kita." Pag papalapit nito saakin pero hindi ako nag aksaya ng oras para lumapit sa kaniya, sakit pa naman nitong mangbatok.
"May napansin ka bang babaeng tahimik, maikli yung buhok, tapos parang misteryosa na kaklase mo?" Tanong nito sakin dahilan para sumagi nanamn sa isip ko ang muka ni Verra.
"Bakit?" Curious na tanong ko dito at ito namang isa may pa ngiti-ngiti pang nalalamn, kinikikig pa ata.
"Yun yung babaeng kinukwento ko sayo." Turan niya doon sa babaeng pinoproblema niya.
"Ahh.. Kaya naman pala gustong makakalse ako kasi naman pala may babaeng korsunada. Ibang klase ka rin no? Akala ko panaman dahil sakin kaya gusto mong maayos ang SIAS mo yun naman pala para maka score at makapag papansin eh no? Sana talaga hindi yan maayos, gago ka!" Wika ko at lumabas na muna ng kwarto para kumuha ng gatas.
Habang nagsasalin ng gatas sa baso bigla naman umilaw ang cellphone ko kaya naman agad ko itong sinagot.
"May photo shoot ka bukas, ang venue sa school mo lang namn." My manager said.
"For what?" I asked.
"The school head contacted us and wants you to promote your program and at the same time the school for attracting more students at para narin manatiling kilala ang school sa publiko.
"Okay! Just text me the details specailly the time and venue tomorrow."
"Noted! Bye!" Paalam ng manager ko. He already send me the details for the photo shoot tomorrow.
"Work?" Kuya asked.
"Kanina ka paba dyan?" Balik kong tanong sakanya.
"Kakarating lang." He said.
"Yup! My manager called me. Bukas my photo shoot ako sa school, at kasama ka doon." Sabi ko kay kuya.
"Ako? Bat naman ako na sama dyan? Hindi naman ako model sa pagkakatanda ko." Sagot naman nito habang nagtitingin-tingin ito ng makakain sa ref.
"Actually, tatlo tayo. Yungnag top 3 daw sa entrance exam ang kasali, for promotion daw ng school. Gawa ng tayo yung pinakamataas sa entrance exam dapat raw tayo ang pang hatak ng audience para rin daw may mainspire sa pag-aaral ha! Hindi yung sa pang bababae mo. " Biro ko dito.
"Sino yung isa?" Tanong niya.
"Si Verra, classmate ko." Sagot ko sa tanong niya ng bigla niyang maibuga ang iniinom niyang gatas.
"Sino nga ulit?" Pag papaulit niya saakin na para bang hindi niya na rinig, lumilipad nanamn ba ang utak nito. Minsan talaga napapaisip rin ako kung nakaka chamba lang ba to sa mga exam kasi hindi naman kasi halata sa kaniya ang may ibubuga sa acads eh.
"Si Verra Sales kako! Classmate ko! Yung nag rank 1, ano? Narinig mo na?" Ulit ko dito na may diin at lakas para naman sigurado na akong rinig na rinig niya.
"Naks! Hayst, kahit papano may good news rin akong nasagap sa araw nato." Masaya nitong wika na may pa ngiting-ngiti pa.
"At bakit ang saya mo? Kala ko ba ayaw mo huh? " Curious na tanong ko.
"Syempre ikaw ba naman na makakasama mo sa photo shoot ang babae na gusto mo, hindi ka ba matutuwa? Huh?" Tanong nito.
Nagprocess lang sa utak ko ang mga sinabi niya ng marealize ko. Napalaki ang mata ko sa gulat ng mapagtanto iyon. Na ang babaeng gusto ng kuya ko ay siya ring babaeng nakakuha ng atensyon ko.
YOU ARE READING
WHEN I'M WITH YOU
RomanceVerra Sales came from very complicated family to the point of affecting the way she view the world. She grow up questioning her purpose, finding something that will make her happy. But the idea of seeking something she not be able to experience all...
