Chapter 4

10 1 0
                                        

Verra Sales Pov

Ang bilis ng araw at ngayon ay araw na ng lunes. And I know you know what I mean is, right? Pasukan na! Oo, pasukan na, you read it right. Kaya nga andito nanaman ako sa kusina to prepare my breakfast ng ganito kaaga, Four in the morning.

I forgot to restock dried fish kaya naman I have no choice but to fried hotdog and ham, wala yung paborito ko. Maya nalang pag uwian dadaan nalang ako ng market to buy some.

Ng matapos na akong mag prito kinuha ko nalang yung lamig na kanin, hindi ko na sinangag at akoy inabot ng katamaran. Nag timpla lang ng kape, yung puro, ayoko ng ibang kape hindi ko sila trip.

Ng matapos kumain tamang exercise muna; seat-up, mountain climber, jumping jakcs, push-ups and squats. Ng matapos na ako pahinga lang ng konti.

Ng makita ko ng kumukulo na ang pinapainit kung tubig, hinugot ko na sa saksakan yung heater at diretso ko ng salin sa planggana na nilagyan ko na ng tubig kanina at ibinihos ko na ang mainit na tubig. Kinuha ko lang yung mga kailangan ko saka na ako naligo.

I'm now inside my room. I saw my reflection to my full body mirror. I scanned myself wearing the uniform of "SIERRA College" the prestigous and famous school here in Bicol.

Talagang gagastos ka ng malaki kung gusto mo dito mag-aral. Hindi biro yung tuition talagang bubutasin ang bulsa mo. I'm glad that I got the highest rank in entrance exam that's why I'm here.

They are giving opportunities for those students who has brain and excelling. They granted a free tuition if you are qualified at isa na ay ang makapasok sa top 3 sa entrance exam, for my luck I'm the rank 1. Kaya naman wala akong ginastos ultimong uniform ko sagot ng school.

Speaking of uniform. The male uniform has a color maroon blazer that has the university logo in the upper lefside of the chest. Sa panloob naman ay white polo shirt and has red necktie with line of white on it and grey pants that really compliment with each other.

On the other hand, for us, female. It composed the same color maroon blazer that has the logo of the Sierra College in the upper leftside of the chest. The same sa panloob na white polo shirt with red necktie that has white line on it at kulay grey na paldang hanggang tuhod na ngayon ay suot-suot ko.

Bumagay naman siya sa kulay ko and at the same time sa height ko na 5'8. Kitang kita din ang pagka curved ng bewang ko at hindi naman ganoon ka revealing sa harapan, tama lang para hindi mabastos sa daan.

I didn't bother to apply fundation or any make up cause I think it's not necessary anymore. I just used pink liptint in order to highlight the color of my lips, and spray perfume which is very essential for us specially we will encounter a lot of people.

Hindi lang dapat presentable sa mata ng mga tao at the same time dapat ganoon din sa amoy. Wag puro invest sa make-up, mag invest din para sa deodorant and perfume para hindi ganoon kasama sa pang-amoy. Aanhin mo naman ang ganda ng mukha at suot mo kung amoy putok ka naman? Diba? Doon lang tayo sa totoo.

Bago umalis I just check kung nakasara ba yung gasul, nakahugot yung mga appliances, ganun din kung nakapatay ang mga ilaw, mahirap na uso panaman ang sunog dito saamin. Ng okay naman na ang lahat siniguro ko lang na nalock ko yung mga pinto ganun din ang gate bago sumakay ng tricycle.

Isa sa pinaka ayokong tagpo kapag sasakay ako ng tricycle. Yung tipong umaga kang sumakay dadating ng school ng late. Kaya heto ako ngayon lakad takbo ang ginagawa nagbabakasakaling makahabol at mauna sa instructor na makapasok.

Sad to say, nasa loob na ang instructor at nag uumpisa ng magpakilala ang mga kaklase ko. Pagkatapos magsalita ng naabutan ko ay kumatok na ako sa pinto dahilan upang makuha ko ang atensiyon nilang lahat.

"Good morning everyone, good morning ma'am, I'm sorry for being late, may I come in?" Kahit na kinakabahan I greet them all specially to our instructor and ask her permission to go inside.

"You may come in." Pag papasok saakin ni ma'am dahilan upang nakahinga ako ng maluwag, buti nalang mabait si ma'am.

"Who's next?" Ma'am ask, dahilan upang tumayo yung katabi ko. Umupo ako ng maayos upang pakinggan kung pano siya mag pakilala so that If it's my turn hindi ako mag kamali.

"Good morning everyone! Good morning ma'am! I am Eñigo Argente Rosales, 20, and I like to play chess. My expectation to your class, hope you'll give us something new about to your course, and at the same time hope that your a kind of instructor who's give an importance in fairness, that's all." Pagkatapos niya noon agad din itong umupo. Sumisigaw ang pagiging confident niya na nakadagdag sa lakas ng dating niya.

Our instructor smiled, na para bang nakuha nito ang expectation niya. "And, you are?" Ma'am asked me, so I stand.

"Good morning ma'am! Good morning classmate! Verra Canillo Sales, 19, and speaking of likes, I don't think one. Expectation, same. I don't do expecting  cause I'm contented to what people can do as long as they working hard for it, that's okay for me. Yun lang po, thank you. I smiled to her bago umupo.

Nakinig lang ako sa pagpapakilala ni ma'am ng biglang tinawag niya yung katabi ko.

"Mr. Rosales, right?" Tumango naman ito at nagulat din ako ng tawagin niya ang pangalan ko. I don't have a choice kundi tumayo rin. "And you are Ms. Sales, right?" Tumango rin ako with confusion.

Okay class! I would want to tell to all of you that this two performed well during entrance exam. Mr. Rosales got the second rank with 98 out of 100. While, this beautiful young lady got the first rank! And guess what? Na perfect niya lang naman ang exam with 100 out of 100. So, please give them around of aplouse, dahilan upang magpalak-pakan ang mga kaklase ko.

Kailangan pa bang sabihin pa iyon? Na pressure tuloy ako and at the same time anong problema naman ng lalaking to, wagas kung makatitig animong ano mang oras mangsasakmal eh.

"That's for today class. You may used our remaining time to go around, to find friends and to take your breakfast, you may go!" Pag dismissed saamin dahilan upang masayang nagsilabasan ang lahat.

Pina una ko na muna silang makalabas bago ako tumayo at palabas na sana, kaso bigla naman sumulpot itong lalaking to sa harapan ko, nandito pa pala to? Kala ko nakisabay narin to sa mga nag uunahang maglabasan kanina.

He offer his hand on me "I'm Eñigo." Pagpapakilala niya na para bang hindi siya nagpakilala kanina.

"I know." Casual na wika ko at tinanggap ko naman ang pakikipag kamay niya para naman hindi siya mapahiya.

"Lalampasan ko na sana siya kaso bigla naman niyang hinawakan ang braso ko dahilan upang mapa tigil ako at nagtatakang napatingin sa kamay niya paakyat sa kaniyang mga mata na napaka seryoso kung makatitig.

For a minute binitawan niya naman ang kamay ko, nahiya siguro. Napaayos ako ng tayo. Tiningnan ko muna siya bago ko tuluyang tinahak ang labasan, san ba ako pupunta ngayon nito?

WHEN I'M WITH YOU Where stories live. Discover now