Chapter 6

2 1 0
                                        

Verra Sales Pov

I don't know but the face of that Eñigo guy earlier doesn't erased on my mind. I have the feeling of asking myself if I do right in facing him kanina.

I do have this feeling na may nagawa akong mali pero hindi ko alam kung ano iyon.

Nakita ko siya sa Cafeteria na mag-isa, tahimik na kumakain kaya naman pinili kung doon na rin umopo sa harapan niya.

Kita ko ang pagka bigla niya pero siyempre hindi ko iyon pinahalata. I act naturally, hanggang sa bigla nalang nagtagpo ang aming mga mata. Agad naman itong umiwas at napaubo sabay inom ng tubig.

I just really wanted to ask him if I do wrong earlier pero iba naman ang lumabas sa bibig ko.

"I'm Verra" Wika ko. Bigla naman itong napatingin saakin na parabang isang himala na nag pakilala ako, kahit nga ako nabigla din cause it's not my thing to do, pero nangyare na, hindi naman pwedeng bawiin ko iyon. Nasabi ko na kaya wala naman na akong magagawa pa doon.

"I know" He replied, that make me amused.

"I mean.. Nice meeting you" Biglang bawi nito. For the very first time doon ako napangiti.

Pagkatapos noon, hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy lang ako sa pag-ubos ng kinakain ko. Nauna siyang matapos ngunit hinintay niya pa ako and volunteer himself na siya na ang mag hahatid ng pinagkainan ko.

Hinayaan ko nalang siya. Nagmamadali itong pumunta sa counter dahilan para, mapaisip ako kung bakit.

I get my bag, inayos ko lang ang damit ko. Sinulyapan ko muna siya ng tingin bago umalis.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bat ba kasi ang lawak dito? Kailangan ba ganito kalawak kapag mga mayayaman ang nag-aaral? Buti nalang talaga by building ang program kasi kung hindi baka mapudpod na ang sapatos ko sa pagbabalik-balik kung saang room naka assign ang course namin.

Napadpad ako dito sa forest park. Napaka presko, tahimik, at sariwa ng hangin. Buti may ganito dito? So, alam ko na kung saan ako tatambay kapag vacant ko.

Mayroon namang mangilan-ngilang student na nagpapalipas ng oras siguro mga katulad ko rin sila na gusto ang mga halaman at puno.

Simula bata palang ako, mga puno at halaman na ang nag bibigay saakin ng comfort. Kapag nag-aaway ang parents ko punta lang ako sa bakuran. Tumitingala at pinagmamasdan ang pag sayaw ng mga sanga at ang pag sabay ng mga dahon dito, I found peace to nature.

Ng makita ko ang oras ay naglakad na ako pabalik sa building namin. Konti palang ang nasa loob ng room namin kaya namn nakahinga ako ng maluwag. Ayoko talagang maraming mga mata ang napapatingin saakin, hindi ako komportable.

Maya-maya lang ay dumating narin itong si Eñigo, nakabusangot at mas lalong nalukot ang kaniyang muka ng mapatingin saakin, may nagawa ba akong mali?

Hindi ko nalang iyon inintindi, binuklat ko nalang itong libro ko at nilibang ang sarile.

Biglang nawala ang atensyon ko sa binabasa ko ng biglang mag si ingayan ang mga kakaklase ko, hindi raw kasi papasok ang instructor namin. Kaya naman kaniya-kaniya silang dampot ng kanilang mga gamit at sobrang sayang nagsilabasan.

Naiwan ako sa loob. Mali, naiwan nanaman kami ni Eñigo sa loob. Hinihintay ko siyang tumayo pero mukang hindi pa aalis kaya ako nalang ang nauna.

"Bat hindi mo ako hinintay kanina?" Nagululat naman ako ng bigla siyang magsalita. Ganito ba talaga to? Bigla-biglang nag sasalita.

Tinapunan ko siya ng tingin na nag tatanong. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sinasabi niya.

"Sa cafetiria" Seryoso nitong wika. Big deal ba yon?

"Ahh...., dapat ba hinintay kita?" Nagtatakang tanong ko.

"Huh? Seryoso ka dyan!?" Gulat at animong pikon nitong wika.

"Oo, muka ba kong nag bibiro? " Kalamado at hindi ko maintindihang wika.

"Hysst! Ewan ko sayo!" Pag walk out nito.

Ano bang problema non? Napailing na lamang ako saka naglakad.

Wala na akong sched ngayong araw kaya naman didiretso na akong market para bumili ng paborito ko, ang tuyo.

"Kuya sa market po" Wika ko sa driver agad naman akong pinasakay sa loob.

Naghintay pa ng ilang minuto para maghintay ng pasahero. Binuklat ko lang ulit ang libro kung bitbit para malibang. May tumabi saakin ngunit hindi ko ito pinansin.

"Anong pabango mo? " Maya-maya lamang ay tanong nitong katabi ko dahilan para mapatingin ako dito. Ano bang meron sa mga lalaki ngayon bakit parang ang rarandom nilang lahat.

I didn't mind answering his question, halata naman kung anong brand ng pabango ko. Nagtingin-tingin nalang ako sa daan at hindi ito pinansin.

"Grabe, hindi mo ba ako kilala?" Nakuha nito ang atensyon ko sa tanong niyang iyon. Kunot akong napatingin sa muka niya upang alalahanin kung nakita ko na ba sya, the stalker guy.

Kumaway-kaway pa ito sa harap ko at animong mapupunit sa pagngiti niya naman na ginagaya niya yung itsura niya noong nasa tapat siya ng gate ko.

"Stalker kaba?" Kalmado kong tanong dito, dahilan para matawa ito.

"Ako? Stalker? Sa gwapo kung to, magiging stalker? Patawa ka miss." Super defensive, napaghahalataan.

"Ikaw ata ang nag papatawa, saang parte ka naman naging gwapo?" Walang reaksiyon kong wika dito.

"Aray ko naman. Ganon ba ko kapangit sa paningin mo?" Pag kukunwari nitong nasaktan, hindi naman bagay.

"Pag sinabi ko bang oo, lulubayan mo na ba ako? " Seryoso kong wika dahilan para manahimik siya.

"Si OA, hindi naman mabiro" Pabulong-bulong nitong sabi pero hindi ko nalang inintindi, childish.

"Market" Wika ng driver at inihinto sa tabi. Katulad ng dati bumaba muna ulit ito at saka ako ang sumunod. Nag bayad lang ako saka na ako pumasok sa loob.

Ng makarating ako sa tindahan nila Ate Secille, nakangiti ako nitong binati.

"Dating gawe?" Tanong nito saakin. Kilala niya na ako. Dito kasi ako laging bumibili sa kanila ng tuyo. Bukod kasi sa maganda ang service nila masarap pa ang pagkaka gawa ng tuyo dito.

"Ito na ang paborito mong tuyo, ineng. Katulad ng dati, may dagdag ulit yan. " Masaya nitong iniabot saakin at iniabot ko naman ang bayad ko.

"Naku! Salamat po ulit, balik po ako ulit pag naubos ko nanamn po to." Nakangiti ko ditong pasasalamat.

Paalis na ako sa tindahan nila aling Secille ng makita ko nanaman itong stalker na to sa harapan ko. Kunot ko itong binalingan ng tingin habang ito naman ay pangiti-ngiti lang.

Ng maka lapit ako sa kaniya "kunting-konti nalang masasaksak na kita" May diin kong sabi rito.

"Hey, kalma!" May pag taas pa ng kamay nito na animong sumusuko sa pulis.

"Andito ako para mamili din noh. Ikaw lang ba ang may karapatan mag pa market huh?

Nilampasan ko nalang siya kasi may point naman siya. Kung stalker ko talaga siya, talagang masasaksak ko siya ng wala sa oras! Aba'y kahit sino naman eh ma creepy han kapag may taong hindi mo naman kilala at sunod ng sunod sayo. Kung sayo ba mangyari yun, aber?

Ang daming nangyare ngayong araw. Kaya naman nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kung ibinato ang aking katawan sa kama. Nakadapa akong ipinikit ang mata para matulog. Sana bukas may magandang mangyari!

WHEN I'M WITH YOU Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin