Teaser

2.7K 69 5
                                    

Nagmahal ka na ba nang sobra, to the point na nasasaktan ka na?

Ako, expert na 'ko sa ganyan. When I met Brendell, I thought my life would change. And, oh! Yes it did. Dahil magmula nang maging kami, wala na 'kong ibang naranasan kundi ang masaktan emotionally and even physically. Everyday, he was cursing me with words that I never heard from my parents. Everyday was a hell. Everyday was full of pain. Araw-araw din akong umiiyak at nagmamakaawa sa kanya. Niluluhuran ko siya na para bang isa siyang diyos. Minahal ko siya nang higit sa buhay ko. Ginawa ko ang lahat kahit na alam kung sobra na.

Hindi ko alam na sa bawat pagluhod ko sa lalaking 'yon, sa bawat pag-iyak ko, at sa bawat oras na nasasaktan ako sa parehong lugar kung saan kami madalas na nagkikita-ay may isang taong nagmamasid sa 'kin.

Isang araw, habang naiyak ako, lumapit sa 'kin ang lalaking 'yon. Inabutan niya 'ko ng isang panyo na may burdang "A" at pagkatapos ay sinabihan ako ng: "Medyo tanga ka, alam mo ba 'yon?"

And on that fateful day, nagsimulang mabago ang lahat.

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Ang araw kung kelan nagsimulang iparamdam sa 'kin ng lalaking hindi ko naman kilala ang totoo kong "halaga."

HalagaWhere stories live. Discover now