Chapter Thirty-Four

111K 2.1K 64
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter Thirty-Four





"Ma'am, may nagpapabigay po nito para sa inyo." Medyo nagulat naman si Cheska nang may lumapit sa kanya na isang crew ng coffee shop na kinaroroonan niya ngayon. Pumunta kasi siya 'dun sa coffee shop kasi doon sila magkikita ni Luigi. Hindi nga niya inexpect na pupunta ito doon, sa Pilipinas, knowing that Luigi's life has always been in Europe.

Binigyan naman siya ng crew ng isang maliit na cupcake. She noticed a small white card from the cupcake and decided to get it. Binasa naman niya ang nakasulat doon.

"Smile, you're an angel in disguise." She muttered. Iyon kasi ang nakasulat sa card and she was confused kung sinong nagbigay 'nun sa kanya. And it was still morning. Wala siyang maisip na tao na magbibigay 'nun sa kanya.

"I hope you like it."

Napaangat naman ang ulo ni Cheska nang may nagsalita. Her eyes widened the moment she saw the man, again.

"Miles!" She enthusiastically said. Matagal na silang hindi na nagkita nito. It has been a week since she didn't hear anything from the man. Pagkatapos kasi ang lahat ng iyon, nakalimutan niya itong kontakin. She was really preoccupied with things lately. Many things happened and for now, she decided to seclude herself first. Gusto niya munang huminga ng maluwag at kalimutan mo na ang mga problema niya.

"How are you?" Tanong nito sa kanya at umupo ito sa harap niya. The man was just wearing simple clothes at hula niya, wala itong trabaho. And as always, Miles was looking good. "I tried contacting you with the number you gave to me, but you didn't answer.." He was being sheepish. But for her, he was acting cute though.

Yes, alam niyang tinatawagan siya and Miles tried texting her. Pero mas pinili niyang huwang munang sagutin ito dahil sa mga nangyari sa kanya. She felt she needed to isolate herself for some time. Ayaw niya munang kumausap ng ibang tao. She was too hurt to face everyone and to pretend that she's okay and happy.

She gave him a warm smile, "I'm fine.. I'm just.. isolating myself from other things because many things happened."

Miles returned a smile too, "Hmm—"

"Mother Ches!" Napatigil naman silang dalawa nang may sumigaw. Both of them turned their heads and saw Luigi who had just arrived at the café, waving at them. Pero ang mas lalong ikinagulat ni Cheska nang mapansin ang kasa-kasama nitong lalake.

It was no other than her estranged husband, Jackson Asenjo.

Kaagad naman siyang nilapitan ni Luigi at nakipagbeso-beso pa ito sa kanya. Halatang kararating lang nito dahil dala-dala pa rin nito ang mga bagahe galing France, "Mother, sorry kung napaghintay ko ang beauty mo. Nadelayed kasi yung isang flight ko. You know, tipid-tipid, connected flight kasi. And.. speaking of," Anito at lumingon sa kasama-kasama nitong lalake, Jackson. "Nagkasalubong kasi kami ni Papa J sa airport, pumunta siya sa Dubai para tignan na naman yung project ng D&G. And so I brought him here, to you." The gay even winked. Nanunukso pa ito.

Cheska just forced a smile on them. Deep inside, talagang inis na inis siya sa bakla. Bakit ba nito dinala si Jackson sa lugar na iyon? Alam ng gaga na hindi siya okay pero heto, talagang dinala niya para magkaharap sila ulit. Sarap sabunutan. Ni hindi man lang nag-isip na ito na magiging awkward para sa kanya ang pagkikita nilang muli ni Jack.

And speaking of her estranged husband, napatingin naman siya rito. As what she observed, Jack didn't look good. Mukhang puyat at pagod na pagod ito dahil sa trabaho. And yes, mahigit isang linggo na rin silang hindi nagkikita magmula 'nung insidente. Jack didn't also contact her. Talagang ginawa nito ang pagbibigay sa kanya ng oras para kumalma at mag-isip-isip.

Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon