Chapter Twenty-One

116K 2.9K 177
                                    


Typo errors are alot.

Chapter Twenty-One



"Bakla! Bilisan mo diyan!" Pagmamadali ni Cheska kay Luigi nang naiinip na siya sa katagalan nito sa CR.

Dumating na kasi sila sa Cebu-Mactan International Airport. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa kanila doon sa France at ng biglaang pag-uwi ni Jack sa Pinas, kaagad niyang sinunod ang sinuggest ng kaibigan na sundan din kaagad ang lalake pabalik. Hindi siya nag-aksaya ng oras para sumunod dito sa Pilipinas. She even apologized a lot of times to Mr. Gabanna kasi babalik na naman siya sa bansa niya.

Hindi niya talaga aaksayahin ang panahon na hindi pa sila magkakaayos ni Jack. Kailangan niyang sabihin dito ang totoong nararamdaman niya para sa marriage nila. At kaya nga niya sinama si Luigi para may back-up siya.

Lumabas na rin si Lui sa CR at hindi pa rin maalis sa mukha nito ang pagkamangha habang pinagmamasadan ang airport. First time pa kasi nitong makapunta sa Cebu.

Pagkatapos ay nilingon naman siya nito at natawa, "Naku, excited ka lang e. Saka, hindi naman mawawala ang Architectural Firm ni Papa J kaya kalma ka lang, gurl." Anito sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang si Cheska sa sinabi nito. Oo. Tama naman ito. Pero hindi lang talaga siya mapakali. Baka kasi sumuko na si Jackson sa kanya.

"Saka tirik na tirik ang araw o. Malamang nandun pa yun sa office niya." Dagdag pa ni Luigi sabay turo sa labas ng airport. Mga 1pm na rin kasi sila dumating sa Cebu. Ang haba kasi ng biyahe nila at connecting flight pa.

"Hay, basta tara na!"



"Wala ba talaga si Jack dito sa opisina niya?" Cheska asked the woman in the reception desk for the fifth time. Dumating na kasi sila rito sa firm nito habang dala-dala rin ang naglalakihang maleta nila ni Luigi galing France. Ni hindi nga siya muna umuwi 'dun kina Lola Rose kasi nagmamadali siyang komprontahin at kausapin ulit ang asawa niya.

"Sorry talaga Ma'am pero hindi po talaga namin pwede isabi sa inyo kung nasaan si Sir. Unless po na isa kayong legal client ng firm at may appointment po kayo ni Sir." Sagot naman sa kanya ng babae at alam niyang nasasakal na rin ito. Kanina pa kasi sila tanong ng tanong dito kung pwede niyang kausapin ang asawa niya pero ang sagot nito, hindi raw ito pumasok sa opisina sa araw na iyon. At nang tinanong naman kung nasaan ito, hindi raw ito authorized na magsabi kung nasaan ang kinaroroonan ng boss nito.

Gusto na naman niyang maiyak. She was already frustrated tapos hindi rin pala niya makikita doon si Jack. Ayaw din naman niyang bumalik kaagad sa bahay nina Lola Rose bigla-bigla. Of course, nahihiya rin kasi siya at guilty sa pang-iwan sa mga ito.

"Anong legal client sinasabi mo diyan. Hoy Miss, for you information, legal kaming dalawa ni Cheska." Bigla na lang nagtaray si Luigi rito. Halatang naiinis na rin ito sa babae, "Sa katunayan nga, magkakilala kami ni Papa J at kung gusto mo ng legalities, heto!" Hinampas pa nito ang ID nito sa D&G sa table. "ID ko yan sa Dolce & Gabanna Fashion House, aka, I'm a certified fashion designer at stylist! Unless kung poorita ka, hindi mo talaga kilala ang D&G!"

"Luigi! Tama na, okay lang. Tayo na!" Hinila kaagad ni Cheska ang braso ng kaibigan. Ewan ba niya, kahit frustrated na siya sa mga oras na iyon, hindi niya maisawang matawa sa sinasabi nito sa kawawang receptionist.

"Pasalamat ka! Hmph!" Kaagad inirapan ni Luigi ang babae at sabay na nga silang lumabas ni Cheska sa firm. Mabuti na lang sumunod ito sa kanya kundi magkakaroon talaga ng eskandalo.

Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon