Chapter Thirteen

127K 2.7K 325
                                    

Typo errors are alot.

Chapter Thirteen

 

 

“Jackson, are you interested with my sister?”

 

Napahinto naman si Jack sa pagbibihis niya nang bigla siyang tinanong ni Chris. Nasa locker room kasi silang dalawa ng gym para magbihis. Silang dalawa lang kasi ang nandun kasi parehas silang late sa practice nila sa basketball. They were both basketball players for their school’s team.

 

Then he noticed Chris was looking at him suspiciously.

 

“W-What?” He chuckled. “Paano mo naman nasabi yan?”

 

“I am a ‘guy’, Jackson. Palagi mo siyang inaasar, you always tease her kaya madalas o palagi pala siyang naiinis sayo.” Chris replied, still suspicious.

 

“Chris, are you kidding?” He retorted with his best friend’s reply.

 

“I know you, Jack. Alam ko ang ugali mo. So if you’re just playing with my sister, back off.” Chris said seriously. Parang ayaw talaga nitong makipaglapit siya sa kapatid nito.

 

“Remember the code, Asenjo. Never date your best friend’s sister.”

 

---

 

“Madam, Sir! Nandito na pala kayo.” Excited na sinalubong sila Cheska nang isang matandang babae na tantiya niya, ang caretaker ng resort. Dumating na kasi sila sa Bantayan Island kung saan matatagpuan ang beach resort nito.

And the moment they had arrived, she was amazed with the view. Talagang napakaganda ng lugar at napakalaki rin ng area. She just realized that the old couple was this rich. Hindi kasi halata sa bahay nila ‘dun sa Danao. The old couple was very simple.

“Manang Sylvia.” Bati ni Jack sa caretaker. Mukhang dati pang magkakilala ang dalawa.

“Jackson? Ikaw na ba yan?” Anito na parang hindi makapaniwala na makita ang lalake.

“Oo naman manang. Sino pa ba ang pinakamakulit mong alaga?” Biro pa nito.

“Ikaw nga! Pilyo ka talagang bata ka.” Natatawang sabi ni Manang Sylvia dito at niyakap ito, “Ang laki na ng pinagbago mo, hijo. ‘Di kita kaagad nakilala.”

“Lalo bang gumwapo?” Jack jokingly replied as Cheska snorted. Lumakas yata ang hanging dito.

 

Napansin naman nila Jack ang pagreact niya. Jack then smiled as he wrapped his arm around her shoulders, “By the way manang, this is my wife, Cheska Monique Asenjo.” He really emphasized his surname, ‘Asenjo’. Kahit kelan, ang sarap talagang sakalin ng lalakeng ito. Inaasar na naman siya.

“May asawa ka na? Ang dami na talagang nangyayari.” The old caretaker amusingly said. “Kamusta ka, hija?”

“Uhm,” She forced a smile, “O-Okay naman po.” She sheepishly replied.

“Alam mo ba, Sylvia, excited na kami ni Peter na magkaroon ng apo sa tuhod sa kanila!” Bigla namang sumabat si Lola Rose na katabi lang nila. Nasa gilid naman nito si Lolo Pots.

Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon