Pito

8.1K 281 17
                                    

Ang lalaking lumabas mula sa pinto ay walang iba kundi si Rico. Nakaporma siya. Parang may pupuntahan. Bumagay sa maputi niyang balat ang red sweater na suot niya. Gwapo rin pala ang mokong kahit gabi na. Haha. Napag-iiwanan na yata ako ng sibilisasyon.

"Hey Ramuell, what are you doing here? How did you know my address? I thought you have a party to attend to," sunod-sunod niyang tanong.

"Ah kase, mali itong napuntahan ko. Coincidence lang na dito ako sa bahay mo napadpad," paliwanag ko naman. "May kilala ka bang Jane Santos dito?" dagdag na tanong ko.

"Oh yes, she's a childhood friend. Actually papunta ako sa bahay nila ngayon kasi birthday niya. Wait, so yun din pala yung aattendan mong party." narealize niya.

"Sabay na tayo," alok niya. "Wait for me here, I'm just gonna go get my car," sabi niya ulit.

Hindi na ako nakasagot sa mga pinagsasasabi niya kasi shocked pa rin ako.

Maya-maya, natagpuan ko na ang aking sarili na nakaupo sa tabi ng driver's seat.

"How come na naligaw ka, don't you have her address?" nagtataka niyang tanong na nagpasingkit pa lalo sa mga mata niya.

"Ewan ko nga eh, sinabi niya kasi na sa 026 Lot 14 Block 4 Mayflower St daw siya nakatira," naguguluhan kong sagot.

"That exactly is my address, she lives at Lot 40, not 14. Hindi mo lang siguro narinig nang malinaw," sabi niya naman.

"Ah okay, so malapit lang pala. Bakit pa tayo nagkotse?" wika ko.

"You look so tired na kasi eh," paliwanag niya.

Nakakatouch kasi kahit hindi kami gaanong close, marami na siyang naitulong sa akin.

"And by the way, saktong sakto pala sa'yo yang damit ng kapatid ko. Andito na tayo," pagpuna niya.

Hindi ko na natanong kung nasaan yung kapatid niya. Bakit hindi siya sumama sa amin? Inaatake na naman ako ng pagiging curious ko.

Pinapasok na kami ng guard sa bahay nila Jane. Napansin kong white nga ang bahay nila Jane at mas malaki sa bahay nila Rico. Rinig na rinig mula sa labas ang kasiyahang nagaganap sa loob.

Sinalubong naman kami ni Jane na tila gulat pa. "Ram, pumunta ka nga! Thank you ha. Hi naman sa'yo Rico. Akala ko di ka sisipot. Sandali, magkakilala kayong dalawa?" tanong niya sa amin

"Uhmm yeah," maikling tugon ni Rico.

"Next time ko na ikukuwento," sabi ko naman.

"Kung ganon, halina kayo, pasok. Just enjoy," anyaya niya.

Alas diyes na. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan sa sulok. Nahihilo ako dahil masyadong magulo para sa akin ang party. Masyadong maingay ang music. Maraming nagsasayawan sa gitna ng malaking kwartong pinagdadausan ng party. May iba namang masayang nagkukuwentuhan sa tabi. Hindi naman ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila--tungkol sa latest fashion, technology, at mga news na pang mayayaman lang.

Feeling ko tuloy, isa akong outcast. Hindi talaga ako nararapat sa mga ganitong uri ng pagdiriwang. Ni wala ngang nagtry na iapproach ako maliban kina Jane at Albert eh. Kapag ako naman ang lumapit, baka isipin nilang nakikiepal lang ako. Kumain na lang tuloy ako ng nakahandang mga pagkain. Medyo masarap naman ang mga ito.

"Enjoying so far?" biglang tanong ng lalaking tumabi sa akin.

"Medyo lang," tipid kong sagot.

"Let's dance and jive with the music," alok niya sa akin.

"Hindi ako marunong at saka marami na akong nakain, baka magsuka ako," pagtanggi ko.

Sikreto 1Where stories live. Discover now