"Paano ka mag-eenjoy niyan?" sabi ni Rico. Hindi ako sumagot.

"You know what? I feel like I need to know more things about you," dagdag niya naman pagkatapos ng maikling katahimikang bumalot sa aming usapan.

"Bakit naman?" tanong ko nang nagtataka.

"Basta, it's for you. Here's the thing, I have another deal. We will exchange secrets," mahinang alok niya.

"Hell no, kakikilala lang natin sa isa't isa last week," pag-ayaw ko agad.

"I am just trying to help here. Everytime you tell me a secret of yours, you are training yourself to trust other people. Kahit yung taong kakikilala mo pa lang. Aside from that, it is a sign that you are accepting your whole self for who you really are. And lastly, the most important thing is that, it will set you free. Gagaan ang feeling mo," mahaba niyang paliwanag.

"Bakit mo ba ako gustong tulungan? Para namang may malubha akong sakit na dapat lunasan," tanong ko.

"Yes, you are not physically ill. But these things that you keep inside you, baka magulat ka na lang one day, bigla-bigla na lang silang sasabog," eksplanasyon niya.

"Paano mo ba nasasabi ang mga 'to?" pagtatanong ko ulit.

"Okay, magstart na tayo ah kasi the answer to your question is my first secret. Prepare yours already," sabi niya.

"Wait," pagpigil ko. Ito na ba yun? Ibubulgar ko na ba ang mga pinakatago-tago kong mga bagay tungkol sa akin? Hayy. "Sige payag na ako," pagpapatuloy ko sa kanya.

"I want to help you kasi I have a lot of experiences of being alone. I am a victim of bullying in elementary," umpisa niya.

"Talaga? Bakit naman?" usisa ko.

"I was very fat back then. I'm obese," rason niya.

"Hahahahahaha, sabi ko sayo eh, mataba ka nga," pang-aalaska ko.

"Huwag ka nga muna magreact unless tapos na akong magkuwento," medyo inis niyang turan.

"Hehe sorry," paumanhin ko.

"So yeah, I was bullied. I was called Rico baboy, tabachoy, and whatever names. I felt so helpless, especially when they take advantage of me. Kinukuha nila yung baon ko, mga ganun. Pero nung napuno na ako, I shouted at everyone. Nasa canteen pa ako nun ha. Naglecture ako tungkol sa good moral and right conduct. After that, I reported those abusive pupils. Ayun, I just accepted myself and tried to become a better person each day," pagtatapos niya. "Your turn," pagpasa niya sa akin.

"Ah eh, I'm very poor. Mas mahirap pa sa daga. Yung bahay namin..." pero pinigilan niya ako.

"That's pretty obvious, iba naman," pang-aasar niya.

"Yabang neto, okay fine. I have a mute mother, okay na ba yun?" sagot ko.

"Fair enough, pero is her condition in-born or what?" interesadong tanong niya.

"Hindi ko na tinanong. Baka kasi sumagot siya eh, haha," biro ko.

"Oh, so your dad works for your family?" usisa niya naman.

"Hinde, wala na siya eh," malungkot kong tugon.

"Sorry about that," paghingi niya ng dispensa.

"Wait, andaya mo, nakadalawang secrets na ako," pagpansin ko.

"Haha. Not my fault. You voluntarilly said it without warning me," pang-iisa niya.

"Madaya," wika ko. Napatingin ako sa orasan.

"Uy uwi na pala ako, mag eeleven na oh, inaantay na akong ni mama," sabi ko kay Rico.

"Hatid na kita, no buts. Para hindi ka na rin mahirapan magcommute," pamimilit niya.

"Wala rin naman akong magagawa eh, paalam muna tayo kay Jane," pagsuko ko.
-----------

Naging tahimik ang byahe namin pauwi. Marahil dahil sa pagod at antok kaya hindi na kami nagkakuwentuhan ni Rico. Nag-uusap lang kami kapag nagtatanong siya ng direksyon.

"Kanan tayo, number 23," huling utos ko.

"Thank you so much sa lahat ng naitulong mo sa akin today. Labhan ko lang tong mga damit para mabalik ko na bukas," pamamaalam ko.

"No problemos amigo. Sa'yo na pala yang mga 'yan, wala nang gagamit dyan, bye," sabi niya.

Bakit wala nang gagamit? 'Di ba sa kapatid niya ang mga 'to? Hindi ko na inalam pa.

Pagkababa ko ng sasakyan ni Rico, may lumapit sa aking matandang babae, si Manang Melly pala. "Uy yung kapatid mo, sinugod sa La Mega Hospital, na-hit-and-run," pagbabalita niya.

"Huh? Sige po, salamat," natataranta kong sabi.

Pagtalikod ko, nandoon pa ang sasakyan ni Rico. Hindi pa pala siya umaalis.

"What are you waiting for? Let's go!" sigaw niya mula sa bintana ng kotse.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Sumakay na rin ako sa kotse. "Sa La Mega Hospital daw," sambit ko.

"Yes, yes, narinig ko nga," sabi niya naman.
-----------

"Ano? Bakit hindi pa siya ginagamot? Paano kung mamatay 'yan?" galit na tanong ko sa nurse.

"Nabigyan naman po namin siya ng paunang lunas kaninang 8 o'clock. At tsaka protocol po kasi ng ospital na dapat magbigay muna ng downpayment for medications and series of tests," paliwanag ng nurse.

"Grabe, wala kayong puso. Halos apat na oras nang nakaratay ang kapatid ko dyan pero wala pa rin kayong ginagawa," pasigaw kong hinaing.

"Eto oh, I'll pay for the amount needed. Just save the child's life," singit ni Rico.

"Salamat Rico, maraming maraming maraming thank you," naiiyak kong pasasalamat. "Hindi ko na alam ang gagawin ko 'pag wala ka," dagdag ko sabay yakap sa kanya.

Sikreto 1Where stories live. Discover now