Umupo ako sa unahan ng kanyang sasakyan katabi nya, ayoko naman kasi siyang mag mukhang driver at iyon namang ang proper na pag upo sa kotse kapag nakikisakay. (pero syempre para makatabi ko na rin siya)

"So are you ready?" sabi nito "yes I am" siya ko namang matipid na tugon. Ang simpleng inaakala kong MOA na malapit lang sa aming opisina ay napalitan ng Resort World Manila, at ang simple kape ay naunahan ng dinner sa isang sikat na resto sa loob nito.

Namangha ako sa loob ng mala palasyong mall na iyon, habang papasok kasi kasi ay di ko maiwasang tungin sa ilang items na tinda sa mga shops. Nakita ko na may relo palang ROLEX na ang halaga ay halos mag dadalawang milyon at mga signatures bag na daang libo ang halaga. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng hitad, pero syempre nagbago na rin ang tingin ko sa kanya simula ng 2 weeks training at mahigit 1 buwan sa production.

Pagdating namin sa resto kaagad siyang umorder, tinatanong niya ako kung ano ang gusto ko pero dahil sa hiya ko at may kamahalan ang order, hindi ko maibuka ang bibig ko dahil na rin siguro sa hiya o pag aakalang kanya kanya kami ng bayad.

"Don't worry it's all a treat" sabi nito sa akin na tili pinagpapawisan ang aking noo kahit malamig ang lugar. "Whatever you preferred, it's just fine sir" sagot ko namang pabalik sa kanya. Nang makaorder na siya at habang naghihintay, tinanong niya ako ng kung ano ano pambasag lamang sa katahimikan na halos di matinag sa aming dalawa.

"The reason, why I've set a meeting with you is that to ask you if you already have a passport" malambing na tanong niya sa akin. Ako naman iniisip na pinunta lang ba niya ako dito para tanungin kong may passport ako? "Yes, I have sir" siya ko namang bibong tugon.

"I've recommended you to Jimmy in being with me to US would you be willing to accept the plan? Our business partners wanted to send deserving employees and we see that you are one of the qualified individual which has all the advantages of knowing the entire process" pormal nitong sabi. Nanginginig man ako sa pagdedesisyon ay kaagad akong sumagot ng "yes, it's my pleasure" dala ni James ang kayang ipad na may mga lamang kaunting presentation about the project and future plans. "We need to work closer each day before going to US, and we only have a week to prepare all of these". Pagkasabi niya nito ay kaagad na dumating ang mga order, maraming pagkain ang nakahain na masarap sa panglasa pero kung babasahin mo sa menu ay hindi mo mababasa ng mabilis at tila mapipilipit ang iyong dila.

Natapos ang dinner namin na kaagad sinundan ng pagkakape sa paborito at sikat sa lahat na may bituin at sirenang green (alam nyo na yun).

===Sa loob ng Coffee shop===

"What's your order?" tanong ni James "Sir, can I ask you something?" sabi ko naman "Nagtatagalog po ba kayo?" kanina pa po kasi sobrang pormal ng pag uusap natin. Napatawa lang ito sa akin na tila nawiwirduhan sa aking pagtatanong.

"I want to be one of your friends, pwede ba iyon?" sabi niya na siya namang ikinagulat ko. syempre naman sir. Kaya lang pwede po ba magdagalog na lang kayo pag tayong dalawa lang? sabi ko naman. Nahihirapan po ako kasing maghukay sa baul eh. Pilyo ko namang tugon. "Sige lang, total magiging mag buddy naman tayo sa training natin sa US eh" probably, magkakapalagayan din tayo ng loob. Natulala ako sa kumento niyang iyon, malambing kasi ang kanyang pagkakasabi mula sa kanyang manipis at mapulang labi nasinabayan pa ng papapalabas ng dimples mula sa kanyang pisngi.

"Dark Mocha Frappuccino for James and Nap" sigaw ng barista

Kaagad kaming naputol sa aming usapan upang kunin an gaming mga kape. Bago pa lang kami maupo sa table, hinila ni James ang isang bangko upang maayos akong makapwesto. Kalalapag pa lamag niya ng kanyang kape ng ginawa niya iyon, bago tuluyang lumugar sa harapan ko.

Humigop siya ng kape habang patuloy na daldal ng daldal mula sa plano niya pag punta sa US, in fairness naman consistent ito at talaga namang work related ang kanyang binabanggit. Nakita ko nay cream na dumapo malapit sa gilid ng kanyang mapupulang labi, sa di inaasahang pagngyayari, kaagad akong napakuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng kanyang mapupulang labi. "Oh, salamat" sabi niya na konyong konyo pa rin ang pagsasalit, iniisip ko na kahit tagalong ang kanyang sinasabi maririnig mo pa rin na pang banyagang accent ang lumalabas dito.

Dahil nga sa medyo naubusan na kami ng mapag uusapan, ako na mismo ang nagtanong pero ang pinili kong topic ay si Eca.

"James, gaano na kayo katagal ni Eca?" tanong ko sa kanya "Gaano katagal? hindi mo man lang ba muna itatanong kung kami ba ni Eca" sarkastikong tanong nito. Bahagya naman akong nakaramdam ng kapirasong saya mula sa pag salungat niya sa aking tanong.

Eca and I are just friends, kinakapatid ko siya. Nakasanayan lang namin na honey ang itawag sa isat isa para igood time ang mga tao sa office. Matalik na magkaibigan ang mga parents namin, at ganun din naman ako sa kanya. "We are best of the friends" siya nya namang patuloy na pagpapaliwananag.

Nakaramdam ako ng malaking pagdiriwang, parang gusto kong magpamisa sa baclaran mula sa aking narining. Gusto ko sanang magshare tungkol sa amin ni Eca, ngunit di ko na minarapat na ibahagi ito gawa ng syempre baka makasakit ako ng kaibigan.

Natapos ang aming pagkakape na may dalang ilaw na maliwanag sa sikat ng araw. Hinatid niya ako sa bahay namin gawa ng doon din naman daw ang daan niya. Bagkababa ng aming tahanan, niyaya ko siya sa loob upang makapagpahinga naman kahit sandali. Ngunit, hindi nya na ako pinaulakan sa ibang araw na lang daw at may aasikasuhin pa daw siya bukas ng umaga.

Bago siya umalis ay may iniwan siyang regalo at maliit nasulat. Ibabalik ko sana, dahil sobra naman ng abala ito sa kanya. Pero mapilit sya kaya naman, kinuha ko na lang din. Kaagad niyang kinuha ang aking kamay at biglang lumaki ang aking mga mata ng hindi lamang kamay ang kayang ibinigay kundi isang mahigpit na yakap. Yakap na animoy nagpa estatwa sa pagkakatayo ko sa harapan ng aming bahay.

Pagkatapos nito ay tinungo niya ang kayang pulang sasakyan, kumaway at kaagad na pinaandar.

Hmmm, ano kaya ang regalo at laman ng maliit na sula? Ating alamin sa susunod na kabanata.

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now