PART 01 ⎯ 09

32 4 8
                                        



If the plotline is confusing you, then it means I'm doing it right.


If the plotline is confusing you, then it means I'm doing it right

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"CLASS DISMISSED."

Hindi pa man tapos magsalita si Professor Arendt ay kusa nang nagsi-tayuan ang mga estudyante sa loob ng classroom na para bang niliyaban ng apoy ang kanilang pang-upong bahagi. Kumalansing pa ang ibang upuan at umingit ito sa lumang sahig na gawa sa kahoy habang unti-unting napuno ng tunog na yabag ang silid. Halos hindi na 'rin sila makalabas ng maayos sa pinto dahil sa sik-sikan. Akala mo ba'y sila ay pinagkaka-itan ng kalayaan kung paano sila mag-unahan lumabas.

Ang Hall C-12 kung saan kami tinuturuan ng subject na Comparative Dimensional Ethics ay isa sa pinaka-luma at hindi masyadong renovated na silid dito sa San Ignacio College. Mataas ang kisame nito kumpara mo sa mga classroom sa bagong building, may arko rin sa loob na para kang nasa isang cathedral. Kahit moderno ang karamihan sa aming facility ay nanatili itong iba ang siglo.

Ito ang klase na hindi kinuha ni Australia kaya naman hindi ko s'ya kasama ngayon. Ano ang dahilan n'ya? Hindi daw fitting sa kanyang branding ang subject na may 'ethics' at hindi na daw niya iyon kakailanganin pa.

Kung tutuusin ay hindi dapat ako papasok ngayong araw dahil masyado akong pagod sa mga ganap kagabi. Nakauwi ako ng dorm halos mag 4:07am na ng umaga at hindi ko na 'rin maalala kung paano ako nakapagbihis at nakapag-handa gayong halos wala na akong tulog.

At ang pinaka-nakakainis pa, nagising ako dahil sa Message alert. Mula sa Society.

Doon pa lang ay naging mapait na agad ang simula ng araw ko. At ngayon, habang unti-unting tumatahimik ang kapaligiran ay binuksan kong muli ang aking cellphone. Hindi ko 'rin alam kung pang-ilang beses ko na itong ginawa mula ng ito ay aking matanggap ⎯ siguro pang pito? pang walo? I've lost count. Ang tanging alam ko lamang ay kahit ilang ulit ko itong basahin, hindi ko pa rin mapagtanto kung ano ba ang aking dapat na maramdaman.

Takot?

Excitement?

Kaba?

Kaba?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐃𝐄𝐅𝐘 𝐌𝐄, 𝐂𝐀𝐈𝐔𝐒Where stories live. Discover now