Chapter 1 New Comer

445 33 1
                                    

Chapter 1 New Comer

***KAYE POV***
"BADMORNING sa inyong lahat. Karriza Aye Valdemor, ang buo kong pangalan. Kaye for short. Kung itatanong ninyo kung ano ang skills ko, isang simpleng wala ang sagot ko. Iyon lang," pagkasabi ko niyon tinungo ko na ang upuan na para sa akin. Hindi ko na pinansin si teacher, masyado kasing masama ang araw ko.

Bakit? Ang hirap isa-isahin, basta ang shortcut. Kamamatay lang ng mga parents ko mula sa isang car accident. Hindi pa ako nakaka-move-on sa pagkawala nila. Tapos may isang matandang hukluban ang bigla na lang susulpot sa pamamahay ko at sinabing apo niya ako. Responsibilidad niya daw na kunin ako sa napakabahong bahay namin.

I clench my fist.

Kung makalait ang matandang 'yon, akala mo kung sinong mabango!

Natigil ako sa kakapatay ng matandang iyon sa utak ko dahil may kung sinong abnormal ang tumisod sa akin dahilan para matumba ako.

Inis na hinanap ko ang salarin. It's one of my stupid classmates, ang laki ng pagkakangisi niya. Ikinuyom ko ang kamao. I really-really want to punch him kaso may pumipigil sa akin.

"Are you alright Miss Valdemor?" takang tanong ni teacher.

"I'm fine teacher," pinipigil ang galit na sabi ko at pasimpleng pinanlisikan ang siraulong tumisod sa akin. Pasalamat ang mokong na ito dahil meron akong binitiwang pangako. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghakbang hanggang sa marating ko ang upuan ko.

Naguguluhan ba kayo sa takbo ng buhay ko? Sige, ipapaliwanag ko, total sobrang bored ako sa kakakinig kay teacher. Kagaya nang nasabi ko na, may matandang hukluban ang kumuha sa akin. Ang matandang iyon ay isa sa benefactors ng school na ito, na pawang mayayaman lang ang nakakapasok.

Nagpakilala ako sa madla dahil isa ako sa mga bagong lipat. Ang pinangakuan ko naman na hindi makikipag-away ay ang Lola ko slash matandang hukluban. Oras na gumawa raw ako ng gulo at mapahiya ang pangalan niya, may gagawin daw siyang hindi maganda. Na malay ko kung ano.

Bored na sinulyapan ko ang labasan. Maraming mag-aaral ang nagsisitakbuhan sa labas. Most of them were girls.

"Ouch!" Natigil ako sa kakatingin sa labas dahil may naramdaman akong matigas na bagay ang tumama sa ulo ko.

It's a chalk!

"Miss Valdemor!"

Napatingin ako sa nakakatakot na mukha ni teacher, mukha siyang kakain ng buong tao.

Problema nito?

"I've been calling you, for how many times but you're so deaf. Kabago-bago mo pa lang sa section na ito, kung makaasta ka, para kang sino!"

"Sorry po Ma'am," agad akong tumayo at yumuko ng bahagya.

Dead ako mamaya kay lola! Huwag sanang masumbong si Teacher!

"Answer the equation written on the board." She looks so irritated.

Malamang, hindi ko pinakinggan e!

Sa halip na umangal, pinasadaan ko na lang ng tingin ang bagay na isinulat niya. Mukhang Math yun. Sobrang halata, ang tinding equation e!

"Come here in front and solve the following equa..."

"Negative 2 is the answer ma'am," putol ko sa balak niyang sabihin. Una, mukha siyang gulat, ikinurap-kurap ang mga mata na parang hindi makapaniwalang pinaglipat-lipat ang tingin sa akin at sa libro niyang hawak. "Pwede na po ba akong umupo?"

The Class S Students DareWhere stories live. Discover now