Lima

11.4K 309 30
                                    

Linggo ng umaga. Masarap ang gising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nasa labas na ang mga makukulit kong kapatid at naglalaro ng kung anu-ano. Amoy na amoy ko naman ang mabangong nilulutong pansit ni mama. Sa liit ba naman ng bahay namin, syempre nakikita ko ang lahat ito pagmulat pa lang ng aking mga mata.

"Tiyak na masarap na naman 'to mama," sinabi ko habang inaayos ang hinigaan naming banig. Matapos itabi ito at ang mga unan, dumeretso ako sa aming banyo.

Humarap ako sa maliit naming salamin. Napagmasdan ko ang aking imahe. Sa sobrang pagka-busy ko, hindi ko na pala napapansin ang nangyayari sa aking pisikal na anyo. Halos makalimutan ko na rin kung ano ang itsura ko.

Ang gulo-gulo na ng mahaba-haba kong buhok. Marami-rami na yatang dumagdag na tigidig ko sa mukha. Mula sa apat noong huling tingin ko, may dumagdag pa na anim. Umitim rin lalo ang aking mga eyebags. Ang sagwa tignan ng mga tumubong buhok sa baba ko. Pumayat din ang aking mga pisngi. In short, I look like a walking dead, pero medyo madilim ang kulay ng aking balat.

Naghilamos na lang ako at nagmumog. Matapos magsuklay ng buhok, tumungo na ako kay mama na naghahanda na ng ulam sa mesa.

"Tawagin ko na sina Roxie at Ralph, ma," sabi ko.

"Hindi na kailangan, kuya," biglang pagsagot ni Ralph.

"Oh tara na, kain na," aya ko naman sa kanila at nagsimula na kaming kumain.

Unang tikim ko pa lang sa pancit, sarap na sarap na ako.

"Grabe mama, pwedeng pwedeng ibenta tong pancit mo. Sobrang ughh," pagpuri ko na nagpangiti sa kanya.

"Oo nga, tara. Wag na nating kainin, ibenta na natin," pagsang-ayon ni Roxie.

"Haha, baliw. Hindi pwede. Una, wala pa tayong business permit. Pangalawa, dapat marami tayong itinda. Pwedeng may spaghetti, baked  macaroni, sopas, at kung anu-ano pang almusal. Pangatlo, wala pa tayong pambili ng mga rekados," paliwanag ko naman.

"Sayang naman, magkakapera na sana tayo ng maraming maraming marami," malungkot na saad ni Ralph.

"Okay lang 'yan. Ako bahala. Gagawa ako ng paraan. Makakapagbenta tayo mama. Tapos aasenso yun. Tapos magkakaroon ka ng sarili mong restaurant. Pero bago yun, Roxie at Ralph pag-aaral muna ang atupagin niyo ha. Siya nga pala, kamusta ang school?" tanong ko.

"Okay naman kuya, hindi pa sira," pilosopong sagot ni Roxie.

"Haha, nakakatawa. Sobra," sarkastiko ko namang sabi. "Kapag may nakita akong bagsak na test mo, lagot ka sa akin," dagdag ko pa.

"Nagjojoke lang eh," sabi ni Roxie.

"Basta ako kuya, very good daw sabi ni ma'am," sabat ni Ralph.

"Ayan, magaling," pagpuri ko.

Ang hirap maging panganay. Nakakapressure. Kahit hindi sinasabi ni mama, alam kong malaki rin ang expectations niya sa akin. Kaya todo na lang ang pagpupursigi ko. Feeling ko ako ang haligi ngayon ng aming tahanan. Sana lang hindi ako bumigay sa kahit anong lindol na dumating.
—————-——————

Kasalukuyan akong nasa palengke. Naalala kong birthday pala ni Jane bukas. Bibili lang ako ng regalo. Ang problema, hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.

Ngayon, nagsink-in sa akin ang sinabi ni Rico na wala akong tunay na kaibigan. Pero sa tingin ko, ako ang hindi tunay na kaibigan. Itinuturing nila akong kaibigan pero ako itong nananatiling sarado sa kanila. Hindi ko alam ang mga gusto at hindi nila gusto. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanilang pamilya at ganoon din naman sila sa akin. Kasalanan ko ito eh. Ayan tuloy, hindi ko alam ang dapat kong iregalo.

Sikreto 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon