Chapter 18: Butterfly Kisses

Start from the beginning
                                    

Ito ang unang award na napanalunan ni Sarah sa pagkanta.

Ilang araw din naming ipinangkain ang napanalunan niya. Dito rin kami unang nangarap; unang naniwala na makakamit niya ang mga pangarap niya.

At hindi naman kami nagkamali, higit pa nga sa hinangad namin ang narating niya.


Bawat buklat ko sa bawat pahina ay siya rin naman patak ng luha ko.


Iniiiyak ko na ito hanggat wala sila, hanggat walang nakakakita...


Dahil ayokong makita nila sa ganitong sitwasyon ang kanilang Padre de familia...




Mahina.




Sweet 16 today, she's looking like her Mama a little more every day

One part woman, the other part girl

To perfume and make up from ribbons and curls

Trying her wings out in a great big world, but I remember...


For butterfly kisses after bedtime prayer

Stickin' little white flowers all up in her hair

You know how much I love you Daddy but if you don't mind

I'm only gonna kiss you on the cheek this time


Oh with all that I've done wrong

I must have done something right

To deserve her love every mornin'

And butterfly kisses at night...


All the precious time

Like the wind the years go by

Precious butterfly, spread your wings and fly...




Napagpasyahan kong puntahan ang mag-ina ko sa kwarto ni Sarah.

Mag-a-alas singko pa lang kaya't mahimbing pang natutulog ang mag-ina.

Umupo ako sa gilid ng kama kung nasaan si Sarah, dahan-dahan kong inaalis ang buhok na nakatabing sa mukha ng prinsesa ko.

Dalagang-dalaga na nga ang prinsesa ko, hindi na ito ang baby girl namin na laging gustong naka-karga sa Daddy niya.

Naalala ko nung ginamit nito ang lipstick ng Mommy niya nung isang bes na papasok ito sa school, akala niya yata hindi namin mahahalata tapos nakigamit pa ng pabango ng isa sa mga tenant namin.

Hanggang sa mapansin ng Mommy niya na nahihiya ito doon sa isang classmate nitong lalaki, niloloko siya ng mga kapatid niya na may gusto siya dun pero hindi raw niya gusto.

At nang nagka-girlfriend yung lalaki, natatawa na lang kami sa kanya ng Mommy niya dahil talagang hindi siya naghapunan sa lungkot pero itinatanggi niya pa ring crush niya yung classmate niya na yun.

Lock & Luck (A futuristic reality...)Where stories live. Discover now