CHAPTER 14 - you messed with the wrong person

Start from the beginning
                                    

"Sino nag sabing lima lang kami?" nakangisi ring tanong nung boss nila sabay labas ng iba nilang kasama mula sa paligid namin. May mga hawak silang tubo, yung iba kahoy. Ngayon mga nasa tatlumpo na sila at pinapalibutan nila ako. Mas lalo akong ginanahan. Siguro naman, hindi na ako magiguilty pag may napatay ako sa mga to. Napangiti ako ng malapad. Yosh!

"Nabaliw na ata boss. Nakangiti pa oh." Natatawang pahayag nung isa pang payatot sa gilid nung boss nila. Pinakiramdaman ko lang ang paligid. Sa di kalayuan, may naramdaman akong presensya na naka agaw ng pansin ko. I clenched my fist. I fucking knew that presence! Gusto kong isipin na dahil sa galit kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano ba kailangan nyo sakin?" Pinipilit kong ikalma yung boses ko. Pero ramdam kong nagsisimula na akong mainis. Hindi sa mga taong to kung hindi sa taong nakamasid samin sa malayo.

"Wala naman. Gusto ka lang mawala sa landas ni boss. Hahahaha. Malaking halaga din ang kapalit ng buhay mo." Sagot sakin nung boss nila. Ibig sabihin, may nag utos sa kanila. Sino naman kayang duwag ang gagawa nito? Imposibleng SIYA ang may pakana nito, malinaw sakin na gusto nyang sa kamay nya mismo ako mamatay kaya imposibleng yung taong yun  ang may pakana nito.

"Okay. Pagnatalo ko kayo, sasabihin nyo sakin sino may pakana nito." Sabi ko sa kanila.

"Hahaha. Sige ba. Yun ay kung matatalo mo kami." Sabi nung boss nila sabay sumenyas na sya para sa pagsugod nila.

Sabay sabay silang sumugod sakin kaya naman mabilis kong kuinuha yung shurikens ko at ibinato sa mga sumugod sakin. Agad silang natumba dahil inasinta ko ang mga acupoints nila para hindi sila makagalaw. Mabilis akong lumapit sa ibang sumusugod at pinaghahampas sila sa batok para makatulog sila. Pero dahil sa marami sila, mahirap pigilin ang sabay sabay na pagsugod nila sakin. Iwas lang ako ng iwas. Mahihirapan ako kung wala akong sandata kaya naman pinindot ko na ang SIMAN ko at inilabas si artemis, ang aking metal rod na may dalawang dipang haba. Nakita ko pa ang gulat na ekspresyon sa mga mata nila ng biglang lumabas yung sandata ko kaya naman napangiti ako ng malapad. Pinaikot ko ang artemis ko at nagsiliparan ang mga natamaang sandata na hawak ng mga kalaban ko. Ngayon, ako naman ang sumusugod sa kanila. Nakita kong tumakbo yung iba palayo kaya naman binato ko sila ng shurikens ko. Walang makakatakas sakin. Napatingin ako sapaligid ko at nakitang wala na sa sampu ang mga nakatayo. Nakatingin sila sakin na may takot sa mga mata nila. Dapat lang dahil they fuckin messed with the wrong person.

Sinugod ko yung natitirang mga nakatayo at sabay sabay naman din silang sumugod sakin. iniwasan ko yung isa na hahampasin ako ng tubo sa ulo, pag iwas ko sa kanya agad kong sinuntok yung tyan nya kaya halos mapaluhod sya sa sakit. Inihampas ko yung artemis ko sa likod nya kaya tuluyan na syang nawalan ng malay. Sinugod ko naman agad yung iba hanggang sa wala na isa man sa kanila ang nakatayo. Hindi man lang sila nakatama sakin. Walang wala sa mga nakakalaban ko sa mission ko. Inilibot ko ang mga mata ko para hanapin yung boss nila at agad kong nilapitan ng makita ko sya. Hinablot ko ang kwelyo nya gamit ang kanan kong kamay at sapilitang itinayo habang hawak ko naman sa kaliwa ang artemis ko.

"Sinong nag utos sa inyo!" pasigaw na tanong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako, bakas sa mga mata nya yung sakit na tinamasa nya sakin.

"Hindi ka ba sasagot?!" tanong ko ulit sa kanya pero bago pa sya sumagot napatingin ako bigla sa likod ko dahil naramdaman kong may papalapit sakin. Pagharap ko, laking gulat ko ng makita ko yung isang lalaki na pabagsak na sa lupa. May tama sya ng pana sa leeg. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Sinong pumatay sa kanya? Agad akong napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng pana pero papaalis na pigura lang ang naabutan ng mata ko. Hawak pa nya ang pana kaya sigurado akong sya ang gumawa noon. Hindi ko na maramdaman ang presensya nya. Posible kayang siya yung nakamasid kanina? Pero bakit nya ko tinulungan? Bakit lalo mong pinapagulo ang utak ko, Takihiro?

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now