CHAPTER 107 : INTERHIGH

5.9M 117K 460K
                                    

MAX'S POV

Mula sa Memorial Park hanggang sa makarating kami ngayon sa Parking Lot ng SIS ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. May unti-unting sumasakit sa tiyan ko at bawat kilos ko mas sumasakit 'to.

Ano bang nangyayari sa'kin!?

Pababa na sana kami nung bigla kong mamataan ang grupo ni Yago kasama si Hallyu at isang hindi ko kilalang lalaki.

Sino naman kaya yun!? At anong ginagawa nila dito?

Tumingin ako sa orasan sa kotse ni Randall at late na masyado.

Paniguradong wala ng game, ano pang ginagawa nila dito?

Paulit-ulit ang ginagawa nila Yago.

Paikot ikot sa mga motor nilang nakapark mismo sa daan papasok sa gate. Ganyan talaga sila kasiga. Inaakbayan ang mga babaeng dumadaan at pinagtatawanan ang mga lalaking nakukursunadahan.

Kung nandito sila para manggulo, tsk! Ano namang magagawa ng isang mayabang lang na tulad ko!? Wag naman sana silang manggulo dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa tiyan ko!

"So paano 'tong mga drinks mo? Pein?"

Agad na pumasok sa isip ko si Sensui.

Muli akong napatingin sa orasan. 5:29pm.

'Kaninang 4pm pa ang laro nila kaya paniguradong tapos na yun! Siguro naman nakauwi na yun. Sana nga nakauwi na siya, dahil bukod sa kanya wala akong ibang kilalang pwedeng maging dahilan kung bakit nandito ang grupong yan.

"Hey. Pein? Who are they? Pein?"

"H-Ha?"

Hindi ko namalayang tinatawag pala ako ni Randall. Hindi ko maalis ang paningin ko sa grupo nila Yago na mukhang may inaabangan sa labas ng gate ng SIS.

"I was calling you three times---"

"I'm sorry." paumanhin ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa tiyan ko at pilit na iniipit yun twing hihilab sa sakit.

"Who are they?" tanong niya saka itinuro ang grupo nila Yago.

"Ha?"

"Yung mga taong yun, sino sila?"

"Pwede mo bang tawagan si Naih?" pag-iiba ko sa usapan.

"Okay ka lang ba?" biglang tanong niya at hindi ko naman siya sinagot. Tumingin pa siya muli kina Yago at saka ulit tumingin sa'kin at inilabas ang cellphone niya. "S-Sige."

"Hello?" si Naih. "Hoy Maxpein! Bakit magkasama kayo ni Randall ha?! Anak ng, kanina ka pa namin hinahanap, alam mo ba yun ha?! Mukha kaming tanga kakahanap sa'yo---inabot kami ng anong oras oh? Tapos kasama mo lang pala si Randall! Hindi ka man lang nagsabi! Hindi namin alam kung san ka tatawagan dahil mayabang ka lang at wala kang cellphone!"

"Tss, pwede bang manahimik ka muna?" seryosong tanong ko sa kanya. "Kasama mo ba si Maxwell??"

"Tsh! Sa'kin ka tumawag tapos si Maxwell hinahanap mo!? Ang sweet sweet mo talaga! Hindi ko siya kasama! Naghiwalay kami kasi nga pareho kaming hinahanap ka!"

"I see, pwede mo ba siyang tawagan? Pakisabing magkita kami dito sa labas ng SIS in less than 2 minutes."

"Wow ah!? Hindi ka man lang ba muna magsosorry sa ginawa mo sa'kin!? Talagang uutusan mo na agad ako?! Ang sarap sarap mo talagang kaibigan Maxpein! Ano Mahal na Reyna!? Ngayon ko na ba tatawagan!? Ngayon ko na ba sasabihin ang inyo'ng mensahe'ng nais iparating sa Mahal na Hari----"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon