"Ano yan?" Pag-uusisa niya.

"Baon mo." Napangiti siya at hinawakan ako sa bewang.

"Ikaw ang nag-luto."

"Hindi ako marunong mag-luto. Ceasar Salad 'to. Pero ako ang gumawa niyan. Nilagyan ko na rin ng lason. Ubusin mo ha." Tinitigan ko siya upang makita ang kanyang reaksyon.

"Lalasunin mo ako? Kaya mo? Baka kapag nawala ako..."

"Ano?" Humigpit ang kanyang kapit sa aking bewang.

"Kaya mo ba akong mawala?" Inikot ko ang isa kong kamay sa kanyang bewang at tinitigan ang kanyang mukha.

 Kaya ko ba? Magiisang buwan na din. At hindi akalain na aabot kami ng isang buwan.

"Baka." Huminto siya sa paglalakad at hinalikan ako sa pisngi.

"Anong sabi ko sayo kapag nasa labas tayo—"

"Opo. Hindi na mauulit. Alam ko naman kasing hindi mo kaya kapag nawala ang poging kagaya ko." Asus! Kala mo naman totoo.

"Napapangiti ka? Totoo no? Gwapong-gwapo ka sa akin?" Tinignan ko ang kanyang mukha. Doon na naman ako nag-tagal sa kanyang mata.

 His beautiful brown eyes.

"Sige na. Gwapo ka na." Natawa naman siya at napakamot sa batok. Nahiya pa ang loko.

"I like it when you smile." Panimula na naman niya.

"I like your eyes." Humarap siya sa akin at pilit na nagpa-pogi.

 Gusto ko siyang batukan. Napaka! Pa-cute masyado.

"Isang buwan na tayo. Kelan mo ba ako pagbibigyan?" Bumitaw ako sa paghawak sa kanyang bewang at lumayo ng kaunti.

"Tin, nag-usap na tayo tungkol diyan ha."

"Please."

"Hindi pwede. Isang buwan pa lang tayo tapos ganyan na hinihiling mo?" Bakit ba gustong-gusto niyang makipag-sex? Hindi ko maintindihan sa taong 'to.

"Kailan pala finals mo?" Pagi-iba ko ng usapan.

"Next week." Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Ilang gabi ka ng text ng text sa akin tapos next week na pala ang finals mo!" Huminto din siya at inayos ang kanyang bagpack.

"Next week pa naman eh. Tyaka ayoko magreview." 

"Hindi ba't sinabi ko na sayo ang pinagusapan namin nang Mommy mo?" Tumango siya at humakbang papalapit sa akin.

"Samahan mo ako mag-review.

"Baka hindi ka lang maka-pagfocus."

"Hindi ako magre-review." Tsk! Nakakainis naman 'to eh. Para bata na naman.

"Sige na. Magrereview lang tayo ngayong weekends." Napangisi siya ang hinawakan ang aking kamay.

Dream Of The DeerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz