CHAPTER 10

46 6 0
                                        

- Candy Pov -

Pagkatapos kong magpaalam kay Tío, sumakay na ako sa karwahe kasama sina Prinsipe Heinrich, Prinsipe Leonel, Prinsipe Sancho, at Prinsipe Ruiz.

Tahimik sa loob noong una, para bang kahit ang hangin ay takot manggambala. Tanging kaluskos ng gulong sa lupa at ang mabagal na pag-uga ng karwahe ang maririnig.

Ako naman ay nakatingin lang sa bintana, pinagmamasdan ang mga punong mabilis na dumadaan, para bang bawat isa’y sinusubukang habulin ang oras.

"Lady Calli." Basag ni Prinsipe Heinrich sa katahimikan at sa isip ko.

"Napansin namin na tila… iba ka ngayon."

Nilipat ko ang tingin sa kanya, nagbigay ng tipid na ngiti. "Bakit ninyo naman nasabi 'yan, Prinsipe?"

"Hindi ko alam," sagot ni Heinrich, bahagyang nagbuntong-hininga. "Noon, kapag nagsasalita ka, may lambing. Lalo na kapag si Elias ang kasama mo. Pero ngayon… iba ka gumalaw. Wala ka nang interes. At hindi ka na rin 'yung mahinhin na Calli na nakangiti tuwing nakikita kami."

Napatawa ako nang mahina, halos marahang hangin lang ang tunog.
"May nakapagsabi na ba sa'yo na mukha kang chismoso? Kung wala pa, ako na ang unang magsasabi."

Nagkatinginan ang mga prinsipe.
Si Prinsipe Ruiz, nakasandal at mukhang walang pakialam, ay nagtaas ng kilay.

"Baka naman may itinatago ka lang?" sabi niya, tila nanunukso pero may halong duda.

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Kahit pilit kong kontrolin, ramdam kong nanigas ang panga ko.
"Kung meron man akong itinatago," malamig kong tugon, "ano naman sa inyo?"

Tahimik silang lahat. Si Sancho ay napakamot sa batok, pilit iniwas ang awkward na hangin.

"Relax, Lady Candy," ani Sancho, pilit ngumiti. "Hindi naman namin sinasabing masama 'yon. Interesado lang kami kasi… you don't act like the same Calli we knew before."

Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana, parang may sariling mundo roon na sila hindi makapasok.
"Maybe because I'm not her anymore," mahina kong sagot..halos bulong, pero sapat upang marinig nila.

Natahimik sila, at sa gilid ng paningin ko, nakita kong napalingon si Leonel, ngayon ay tila mas naging interesado.

"Not her anymore?" tanong niya. "What do you mean by that?"

Ngumiti ako, hindi 'yung dating inosente at mahinhin. Isang ngiting may misteryo, may tinatago, at marahil… may binabalikang sugat.

"Let's just say… when a person dies once, she learns how to live again differently."

May kumislot sa mukha ni Heinrich, halong gulat at pag-aalala.

"Lady Calli," maingat niyang tanong, "are you implying something?"

Binalingan ko siya, diretso sa mata, walang iwas. "Kung sabihin kong oo, Your Highness… may magagawa ka ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Well, people change. Some faster than others. Parang isang hayop, maliit na kuting lang noon… pero kalaunan, naging mabangis na leon." At doon, tuluyang nalugmok ang silid sa katahimikan. Ang kabayo sa harapan, ang hangin sa labas, at ang bigat ng mga salitang hindi ko sinabi nang hayagan.

Ramdam ko ang mga titig nila...malamig, nagtataka, at puno ng tanong. At sa loob-loob ko, nakangiti ako.

Sapagkat alam kong nagbubukas na ang bagong yugto ng kwento ko. Isang yugto na hindi pa nila handang harapin.

Pagdating namin sa palasyo, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mararangyang pader na kumikintab sa ilalim ng araw. Salubong agad ang mga kawal, nagsaludo sila na para bang may paparating na diyosa. Dahan-dahan nilang binuksan ang mga gintong pinto.

At pagpasok ko, naroon ang bulwagan. Ang chandelier na tila mga bituin, alpombrang kay lambot tingnan, at bulaklak na parang pinitas mula sa mismong hardin ng mga diwata.

"Lady Calli Nesia Dolores Yara," anunsyo ng tagapagbalita, malakas at malinaw. Nahiya naman ako sa lakas ng boses nito. "Nararapat na ipinatawag ng Kaniyang Kamahalan, ang Reyna." Dugtong pa nito.

Huminga ako nang malalim bago lumakad. Ramdam ko ang titig ng apat na prinsipe sa likuran ko kung paghanga ba, pagdududa, o simpleng main character moment na naman ba ito? Haha..joke lang, seryoso niyo sa buhay ah. Hindi ko alam. Pero ramdam kong may inaabangan sila.

Pag-angat ng tingin ko, nandoon siya.

Mirabela Viana Estrella. Kaya naman pala...ito ang totoong main character, naks naman.

Ang babaeng minsan kong hinangaan.
Ang babaeng tinuring kong diwata ng kaharian. Ang babaeng kinaiingitan ng lahat except for me.

Nakaupo siya sa tabi ng Reyna, suot ang mapusyaw na lilang bestida na kumikislap sa bawat galaw.
Ngiti niya'y banayad, pero ang likod ng mata niya… hindi inosente. Tama ba ang nakikita ko? may kakaibang aura ang prinsesa ngayon, parang nagbago ang liwanag sa paligid niya.

"Lady Calli," bati niya, marahan pero may bahagyang lamig. "Matagal na rin mula nang huli kitang makita."

Lumuhod ako bilang paggalang.
"Your Highness, Queen Inés. Princess Mirabela."

Ngumiti ang Reyna, mainit, halos nakaka-aliw. "Tumayo ka, hija. Ikinagagalak naming makita kang ligtas."

Tumayo ako, pero may kumirot sa dibdib ko di ko alam kung galing sa alaala, o sa presensya niya.

"Maraming salamat po, Inyong Kamahalan." At bago pa humaba ang katahimikan, nagsalita ang Reyna.
"Napakaganda. Ang tapang na ipinakita mo noon ay tunay na nakamamangha sa katangian ng isang babae sa panahong ito. Siguro ay nais mong magpahinga muna bago ka namin tanungin tungkol sa mga nangyari."

Tumango ako. "Lubos kong ikagagalak iyon, Inyong Kamahalan."
Lumakad ako palayo, pero ramdam ko pa rin ang titig sa likod ko lalo na kay Mirabela. Isang titig na hindi ko mawari kung interesado, mapanganib, o parehong dalawa.

At sa isip ko, iisang linya lang ang tumatak.. Ang ganda niya… pero minsan, ang ganda ang pinakamapanganib.

---

Ilang oras pa ang lumipas bago ko sa wakas makita ang magiging kwarto ko. Wala na rin akong nagawa nang ipaalam ni Prinsesa na dito ako mamamalagi mula Lunes hanggang Biyernes, at weekend lang ako puwedeng umuwi. Talagang parang school dorm lang pero royal edition ang era ko dito, haha.

Pagkaalis ng tagapamahala, agad kong nilibot ang tingin sa loob.

"Hmm… maganda, infairness. Parang kamukha ng kwarto ko sa real world," bulong ko habang iniikot ang mga mata sa malinis na kama, malalambot na kurtina, at malamig na sahig na parang bagong wax.

Hindi ko napigilang pumunta agad sa veranda. Paglabas ko, sinalubong ako ng hangin na dumadampi sa balat ko na para bang unti-unting hinihele ang pagod ko.

"Tweet! Tweet!"

Napatingin ako sa isang maliit na ibong biglang dumapo sa railing, parang may gustong sabihin.

"Buti nalang cute ka. Ano pangalan mo?" tanong ko, tila kausap ang isang baby.

Pagkatapos ay natawa ako sa sarili ko.
"Tanga ko naman… hindi ka naman makakapagsalita."

Tumalikod na sana ako papasok nang bigla kong marinig ang isang plak!parang may bagay na nahulog.

Paglingon ko, natanaw kong nakadapa na ang ibon.

"HALAAA! Ba't ka naman nahimatay!”
Napalakas ang boses ko, parang ako pa ang mahimatay sa gulat.

Agad akong tumingin sa paligid, kinakabahan. Diyos ko, baka bigla akong kasuhan ng Republic Act 9147 (Wildlife Act of 2001), wala pa akong lawyer dito!

"Andami ko nang problema… dumagdag ka pa, iboness ka.." reklamo ko habang marahang kinukuha ang kawawang ibon, at dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto, hawak-hawak ang munting lamanlupa na parang emergency patient.

________________________________
A/N: Hello cuties! sobrang tagal ko na pala di nakakapag UD but babawi ako sa inyo, inaayos ko pa sa may draft.

Thank you sa pag vote and reads! It's means so much to me. Nakakita ko always yung mga nag v-vote, add, and follow. God bless you guys! ❤️

When I Lived Again Where stories live. Discover now