CHAPTER 9

112 11 1
                                        

- Candy Pov -

Nandito ako ngayon sa hardin, nakaupo malapit sa mga bulaklak. Katatapos ko lang mag-swimming sa pool na ginawa ko noong nakaraan. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, bigla kong naalala ang pinag-usapan namin ni Tío kagabi.

- Pagbabalik-tanaw -

"You shouldn't do that, Calli. Ikaw ang pahihirapan ni Haring Arturo…"
Napabuntong-hininga si Tío at tinitigan ako nang seryoso.

"Kasalanan ko lahat kaya dapat lang akong magdusa. Hindi ko kailanman ginusto si Binibining Mirabela, pero kahit kailan… hindi natin mapipilit ang puso sa pagtibok sa taong mahal natin."

Tumayo siya at lumabas ng balkonahe. Sinundan ko siya.

"Pero Tío, paano naman kayo nagkain-lovean...I mean, matagal na po ba kayong dalawa ni Binibining Mirabela? Kung hindi niyo sana mamasamain ang tanong ko," sabi ko nang may halong pagkainteres.

"Noong isang buwan pa bago mo inaway si Binibining Margarita."

Napasimangot ako. "Aba, naaalala niyo pa pala 'yun…"

"Pero matagal na akong nanliligaw. Nagsimula iyon nang muntikan nang mahulog si Binibining Mirabela sa silid-aklatan nila, at ako ang sumalo sa kanya. Nandoon ako noon para magbasa-basa ng mga aklat. Naulit pa iyon nang muntikan siyang manakawan sa pamilihan--tumakas kasi siya para makapaglibot-libot. Doon na nagsunod-sunod ang pagkikita namin. Pero maniwala ka man o hindi, Calli, pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong hindi pwede… pero umamin din si Binibining Mirabela na may pagtingin siya sa akin."

Napatulala ako sa inamin ni Tío.

"Hay naku, Tío! Support kita kahit anong desisyon mo sa buhay. Malaki ka naman eh. Saka huwag mo akong alalahanin--anak ni Superman 'to, noh."

Napailing siya habang napapangiti.

"Alam mo, Tío, kung kayo maging endgame ni Mirabela sa huli, ako ang kakanta ng love song niyo sa altar."

Napaangat naman ang kilay niya. "Bakit, ano ba ang kakantahin mo?"

"Lintik na pag-ibig, parang kidlat~
Puso kong tahimik na naghihintay~
Bigla mong ginulat~"

Lumaki ang mga mata ni Tío at parang umuusok ang ilong! Hinabol niya ako kaya tumakbo ako palayo habang natatawa.

---

Ang importante ngayon, maayos na ulit si Tío, kahit hindi na siya puwedeng makapasok sa kaharian dahil nga pinagbawalan na siya. Pero, gaya ng dati, wala nanaman siya sa bahay. Ewan ko kung saan naman nagpunta! Kanina kasi, pagkababa ko mula sa hagdan papuntang hardin, nakita kong nagmamadali siyang umalis.

Kaninang umaga rin ay dumating ang Royal Messenger, sabi ng mga kasambahay. Pinapatawag daw ako sa palasyo mamayang hapon para magsimula nang manilbihan.

"Binibining Calli, may nais na kumausap sa inyo. Nasa sala po sila, hinihintay ka." Saad iyon ng bagong kasambahay, yung pinalitan ni Tío. Puro kasi chismosa 'yung mga nauna.

When I Lived Again Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz