- Candy Pov -
"Bwesit, hindi ako mapakali."
Bulong ko habang biglang umalis si Tío at pumunta sa kanyang kaibigan kaya naiwan na naman ako mag-isa sa mesa.
Kanina pa ako pinagmamasdan ng isang lalaki, sa pagkakatanda ko ang pangalan niya ay Leonel Ignacio Ramiro. Napaiwas na lang ako ng tingin at uminom ng alak na nasa tabi ko.
"To our fellow Aurevanians, before we end the birthday celebration of our beloved Princess Mirabela…alam ko na ito ang pinaka-inaabangan na bahagi ng selebrasyon, ang pagpili ng kanyang magiging kabiyak." Napasinghap ang iilan, ngunit masaya naman ang iba, at may iilan na kababaihan na nakasimangot. Naiintindihan ko sila baka kasi ang mga prinsipe na gusto nila ang mapipili.
"So then, Lady Mirabela, among everyone here--especially the handsome and gallant royals, who has caught your eye, and whom do you wish to marry?"
"Lumakad naman si Mirabela papunta sa harapan, halata ang tensyon, pero ganun pa man hindi nawawala ang angking ganda nito. Nakaupo ang Hari at Reyna sa likod, masayang nakatingin sa kanilang anak.
"For sure si Asmodeus ang pipiliin niya, ang lalaking minahal niya mula pagkabata--"
"Ito ang lalaking pipiliin ko. Hindi man siya nagmula sa marangyang angkan at wala siyang material na kayamanan na maipagmamalaki, ngunit ang kanyang kabutihan, pagmamahal sa kapwa, at katapatan sa tungkulin ang dahilan kung bakit siya ang aking nagustuhan." Napaisip ako--si Heinrich ba ang tinutukoy niya? Malabo kung Asmodeus, asal kanto yun e. Napatingin ako kay Mirabela, nagtaka ako dahil nanginginig siya ng kaunti.
"Malayo man ang agwat ng edad namin, hindi iyon hadlang para mahalin ko siya ng lubusan." Tatayo sana ang Reyna nang biglang nagsalita ulit si Mirabela.
"Ama't Ina, pakiusap…gusto kong maging isang Dolores, mahal ko si Marcello." Pagkasabi nito, nagsinghapan ang mga tao at may mga hindi makapaniwala.
"What the--? Si Tío? Ano ang nangyayari?!" Napatingin ako kay Tío na hindi kalayuan saakin, naging mas matapang ang anyo niya, pero parang may lungkot sa kanyang mga mata.
"Mirabela! Anong sinasabi mo? Hindi siya isang maharlika!" sigaw ng Hari at napahawak ito sa kanyang dibdib kaya dinaluhan ng Reyna.
"Anak, pag-isipan mo muna ang sinasabi mo," mungkahi ng Reyna. Tumindig ng matuwid ang Hari.
"Marcello, lumapit ka rito." utos ng Hari. Kinuha ng mga kawal si Tío at dinala sa harapan. Tahimik ang mga prinsipe sa gilid, si Gloria naman ay nakabungisngis, at si Margarita ay tila naiinis at nakatingin sakin, halatang sinasakal niya na yata ako sa kanyang isip, may pagka abnormal yata 'to.
"Lapastangan! Wala kang karapatang hingin ang kamay ng aking anak!" sigaw ng Hari habang ilang prinsipe ang tumayo para pigilan siya.
"Pak!" Nagulat ako nang biglang sinapak ng Hari si Tío. Kahit hindi kami tunay na magkamag-anak sa totoong buhay, minahal niya ako bilang Calli, at bilang isang tunay niyang anak. At hindi ako papayag na saktan lang siya kahit sino man.
Agad akong tumayo at nagmadaling lumapit, hinadlangan ako ng isang kawal bago ko maabot si Tío, kaya sinipa ko ang hita nito at sinunggaban ang leeg niya hanggang bumagsak siya sa sahig. Nagulat ang lahat ng nakasaksi, nagtuturo ako ng martial arts nung highschool, kaya alam ko ang ginagawa ko.
"Hinding-hindi ako magwawalang-galang sa inyo, dahil wala rin kayong galang sa aking Tío. Sinapak ninyo siya sa harap ng maraming tao! Alam niyo bang maaari kayong makulong sa ginawa ninyo? Ito ay public humiliation! at physical assault! Wala naman akong nakikitang dahilan para saktan niyo siya! Kung nagmamahalan sila ni Lady Mirabela, bakit hindi niyo na lang sila hayaan?!" sigaw ko habang inaalalayan si Tío.
"Inutil! Wala kang karapatang sabihan ako niyan! Isa ka lamang ordinaryong babae, kaya huwag mong gawing matalim ang dila mo--baka ipapuputol ko iyan!" tugon ng Hari habang biglang pumagitna ang Reyna, dahil dinuduro duro ako ng Hari.
"Then go on. Wala kayong karapatang saktan ang aking Tío. Pashinea! kayo!" sagot ko, matapang at puno ng galit.
Sa pagkaalala ko, nasa twenties pa si Mirabela, 22? 24? Si Tío kasi ay early thirties, pero paano nga ba sila nagkakilala...Oh my gulay, royal advisor pala ng palasyo si Tío! So, doon nagsimula ang lahat na ma-develop ang relasyon nila? Let's find out dora, ay charot. Nagtigil ang pag-iisip ko nang muling magsalita ang Hari.
"Tandaan mo ito, Marcello, huwag ka nang tumapak muli sa palasyo. Hindi kita pinahihintulutan na makapunta rito! At ikaw naman, Mirabela, sobrang nadidismaya ako sa'yo. Napapailing ang Hari. Biglang napaluha si Mirabela at tumakbo, akmang susundan siya ni Tío pero pinigilan siya ng mga tauhan.
"Mahal na Hari, kung ako ay inyong parurusahan, tatanggapin ko nang buong puso. Walang kasalanan si Lady Mirabela dito," sabi ni Tío, ramdam ko ang kanyang paghihinagpis.
"Buo na ang aking desisyon. Kung kailangan na ipilit ko siyang magpakasal sa iba, gagawin ko," pagdinggin ng Hari habang tumingin sa mga nanonood. "At kapag nalaman kong ipinagkalat ninyo ang balitang ito sa ibang kaharian, pupugutan ko ng ulo ang sinumang sangkot!" Nagulat ang lahat at yumuko.
"At ikaw, Marcello sa tagal nating magkaibigan, ngayon ka pa nagloko sakin," madamdaming wika ng Hari, napahikbi ang Reyna.
"Kailan ba siya dapat magloko? Ah, may specific date ba? Huwebes, Hunyo 12, 2025, ganun?" napasagot ako nang bigla, kaya napatingin silang lahat sa akin.
"Binibining Calli, mukhang mali ang naririnig kong balita na ikaw ay mahinhin at may magandang asal. Ngunit nagkamali yata ako ng nadinig. Dahil kasalanan ni Marcello ay kasalanan mo rin, nararapat na ikaw ang pumalit sa kanya! Simula ngayon, maninilbihan ka na dito sa palasyo! at tapos ang usapan." Biglang tumalikod ang Hari at hindi nakalampas sa aking paningin ang titig niya kay Tío bago umalis. Sumunod naman ang Reyna sakany.
Wtf--ako? Maninilbihan? sa P-Palasyo? Oh my gulay!
________________________________
A/N: Thank you sa vote and reads niyo! Naiiyak ako! masyado niyo kong love! pag kayo talaga na fall sakin..
Rest assured this week or next week makakapag UD ako ulit, may inaasikaso lang. Also please keep safe everyone, may lindol na naman huhu..ingat tayong lahat, pakiusap. Pray and pray.
YOU ARE READING
When I Lived Again
AdventureMeet Calli Nyx Dy Ventura, better known as Candy Ventura - a multi-topnotcher in the Civil Service, NAPOLCOM, AFPSAT, and Fire Officer Examination. But what happens when she dies in her sleep and awakens in an unfamiliar world, still bearing the sa...
