- Candy Pov -
Bago pa ako makasagot, inunahan na ako ni Tío. "Paumanhin, Mahal na Hari," marahang yumuko si Tío "..itong aking pamangkin ay may likas na pagiging madaldal, minana siguro sa mga aklat na araw-araw niyang binabasa sa aming silid-aklatan. Kung ano-ano tuloy ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig."
Habang nakayuko pa si Tío, ramdam ko ang bigat ng titig niya sakin, for sure papagalitan ako nito. Pero buo na ang loob ko. Tutal, nasa loob naman ako ng librong ito, bakit hindi ko subukang isulat ang sarili kong kapalaran?
Huminga ako nang malalim, pinagsalikop ang aking mga kamay at buong tapang na nagsalita,
"Gusto ko pong maging Royal Advisor ninyo, Mahal na Hari at Reyna!"
Nagulat silang lahat. Napaangat ng kilay ang ilang maharlika.
Ang Reyna ay napahawak sa dibdib, at ang Hari ay bahagyang sumimangot sa gulat.
"Lapastangan ka!" sigaw ng isang guwardiya sibil. "Isang kahangalan ang magsalita ng ganyan sa kataas-taasang maharlika!" Pake mo? charoowt, ngumiti ako, hindi sa pangungutya, kundi sa tapang.
"Hello? Para saan pa ang freedom of speech--este, ang karapatang magsalita, magpahayag ng opinyon o magpuna sa kahit sino pa ang may pinakamataas na posisyon, basta't hindi ako naninira, nananakot, o nagsisinungaling ay titindig ako." Nasa Article 3, Section 4 ng Bill of Rights kaya yan. Buti na lang at naalala ko nung nag take ako ng exam.
Tahimik ang buong bulwagan. Ang ilan ay napapabulong, ang iba nama'y napapailing. Mga tao dito sa loob ng libro, mga inggitero at chismosa! Huminga muna ako ulit at tumingin diretso sa Hari't Reyna.
"Kung mamarapatin ninyo po, nais kong maglingkod sa palasyo." At sabay yuko ako. Kanina ko pa napansin parang may nag iba sakin or guni-guni ko lang, I think the other Calli is trying to take control of this body. Masyadong malalim na kasi ako magsalita.
Ramdam ko ang pagkadismaya ni Tío, ang bigat ng kanyang tingin sakin ay parang tinik sa aking batok. Ngunit bago pa ako makapagsalita muli, narinig ko ang pamilyar na tinig. "Lady--" Hindi pa man natatapos si Heinrich, inunahan na siya ng isang malamig na boses.
"Let her be," mahinahon ngunit matalim ang boses ni Asmodeus Elias Da Costa. "That's her choice." Problema ng isang 'to, feeling close e.
Kaya napatingin ako sa kanya, ang kanyang mga mata, gaya ng yelo sa hilaga, hindi mabasa kung may galit o paghanga ba siya sakin. Ang kanyang mga kamay ay nakatago sa likod, tuwid ang tindig, at ni isang emosyon ay hindi lumabas sa kanyang mukha.
"We can discuss this later, hmm.." sabi ng Reyna, sinusubukang ibalik ang kapanatagan sa paligid.
"Okay..so, let's continue, everyone!" sigaw ng tagapagsalita, sabay tugtog ng musika. Bigla namang nagsialisan ang mga tao, muling nagbalik ang kasiyahan.
Ang mga prinsipe ay isa-isang lumapit sa gitna ng bulwagan upang sumayaw kasama ang mga maharlikang dalaga, si Heinrich na laging magalang, si Andres na palabiro, si Ruiz na laging seryoso, si Cristiano na mayabang ngunit marunong sumayaw, at si Hugo na tila hindi mapakali.
Ang ilan ay lumapit pa sa akin, nag-alok ng sayaw. Ngunit bago ko pa man tanggihan, may kamay na biglang humablot sa braso ko. "Ano ba--" bulong ko, sabay lingon.
Isang lalaki, matangkad, may mapanuksong ngiti. Hindi ko siya agad nakilala.
"I like you," aniya, diretso at walang pag-aalinlangan. Namula naman ako, bahagyang umatras. Ngunit agad siyang ngumiti.
"Not in a romantic way," dagdag niya, "but I admire your bravery. I've met countless women in my life, but you--" tumigil siya sandali, tumitig sa akin na parang sinusuri ang kaluluwa ko, "you're different. That's what makes you… fascinating." Ano daw? interesting? sino, ako? oh my gulay!
Bago pa ako makasagot, kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito, marahan, at banayad na para bang isang maginoo.
"Demetrio Bolivar," pakilala niya, sabay kindat. "At your service."
Paglingon ko sa paligid, hindi na ako nagulat, ilang mga babae ang lumapit kay Demetrio, nakangiti at halatang sabik makasayaw siya. Aba matindi din karisma nito abot hanggang second page ng libro.
Sumabay ang tugtog ng musika at parang may ilaw na tumutok sa kanila. Ngunit sa gitna ng lahat, ang mas ikinagulat ko na ang mga mata ni Asmodeus ay nakatuon sakin habang kasayaw niya si Gloria. Mga matang malamig, labi na walang ngiti, ngunit may kung anong lalim na hindi ko maipaliwanag.
At sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi lang tapang ang kailangan ko sa palasyo at sa loob ng librong ito..kundi tibay ng puso, lalo na kung haharapin ko ang isang tulad niya.
________________________________
A/N: Hello cuties! sorry medyo natagalan..bawi ako sa inyo. Salamat.
Thank you sa pag vote and reads! It's means so much to me. Nakakita ko always yung mga nag v-vote, add, and follow. God bless you guys! ❤️
YOU ARE READING
When I Lived Again
AdventureMeet Calli Nyx Dy Ventura, better known as Candy Ventura - a multi-topnotcher in the Civil Service, NAPOLCOM, AFPSAT, and Fire Officer Examination. But what happens when she dies in her sleep and awakens in an unfamiliar world, still bearing the sa...
