"Sige." What?

"Pumpkin, sabay na tayo mag-breakfast." Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay, pero tinabig din niya. Oh, that hurts again.

"Come on, Carl." Sabi pa niya dun sa Carl na parang napangisi pa sa akin. Really? May araw ka rin sa akin gago ka!

Naupo ako sa isang sulok at agad naman ding may lumapit na waitress sa akin para hingin ang order ko. At kahit ayaw kong kumain sa lugar na 'to dahil baka lasunin ako nung scvmbag na 'yun ay wala akong choice. I am starving. N'ung isang araw pa ako hindi makakain ng maayos.

Typical breakfast na tapsilog and coffee lang ang inorder ko dahil wala naman akong ibang choice. Hindi kalayuan ang kinalalagyan ni Janella at nung scvmbag na sabay ngang nag-breakfast. Ngayon pa lang ay gusto ko na siyang hatakin palayo dun dahil hindi ko kayang ngumingiti siya nang maluwag sa gagong 'yun samantalang sa akin ay hindi! But then, wala akong karapatang magreklamo. Kung 'di ako nagpadala sa lintek na hormones na 'to, hindi sana ako natukso kay Eleonor.

Nakamata sa akin ang mga babae d'un at sa loob nang mahabang panahon ni hindi ko na nagawang tumingin sa iba! And it's all because of her. But now, the only woman that I want can't even look at me. And damn, that really hurts so fcking much!

At kahit pa gutom na gutom ako ay tila ayaw naman tanggapin ng sistema ko ang pagkain. Mukhang mata-trangkaso pa yata ako a.

Hindi naman ako nagtagal sa pagkain at mukhang nauna pa nga akong makatapos sa kanila. Halos hindi ko rin naubos ang pagkain ko at wala talaga akong mabuting panlasa. Tumambay lang ako doon habang nakamata sa akin si Carl na kulang na lang ay palayasin ako sa kinakaupuan ko. Nasa kaha si Janella at parang hindi man lang niya pansin ang existence ko doon. Hindi naman din nagtagal ay dumating si Vaughn na tila kakagising lang at kaswal lang na binati si Janella na surprisingly ay tinanguan at nginitian naman siya. That's so unfair!

"Hindi ka ba umuwi sa creepy house, dude?" Bungad pa sa akin ng gago at agad na kinawayan ang waitress na ngiting-ngiti namang lumapit sa kanya.

Umorder siya nang kakainin niya matapos tingnan ang menu at nakuha pang kumindat ng gago kaya't kilig na kilig naman 'yung babae. Oh, I was like that before. Pero iba na nga ako ngayon.

"Nakatulog ako sa sasakyan." Matabang na sagot ko lang at hindi ko na naman naiwasan ang mapaubo.

"Whoa, are you sick dude?" Alalang tanong pa niya at mataman akong tiningnan sa mukha.

"Nalamigan lang siguro." Alanganing sagot ko pa at bigay todo kong inilapat ang likod ko sa upuan. Damn, I really need some sleep now.

"Umuwi ka muna. Ipahinga mo na 'yan at baka matuluyan ka pang magkasakit. 'Wag kang umasang aalagaan kita!" Humahalakhak pang sabi niya at huling-huli kong nakatitig sa akin si Janella. You still can't resist my charm huh, pumpkin? You still find me good looking eh? Nagtaas ako ng kilay pero tulad ng dati ay nagkunwari lang siyang walang nakita. Aish! 'Di man lang ba niya ako nami-miss? Really?

"Kamusta pagtulog mo? Wala bang tumabi sa'yo?" Humalukipkip lang ako habang diretsong nakatitig sa babaeng 'di ko pagsasawaang titigan.

"All the lights are on, dude. Pero ang creepy pa rin n'ung feeling. 'Yung para bang may nakatitig sa'yo habang natutulog gan'un?" Sagot lang niya at hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng kanyang mukha habang nagkukuwento dahil kay Janella ako nakatingin.

"You'll probably get used to it anyway." Noon ko na inilipat ang tingin sa kanya at nakangisi lang na umiling.

"You're acting like a love sick puppy, dude. I still couldn't believe you'll be like that." Sarcastic pang sabi lang niya sabay tingin dun sa waitress na dala na 'yung order niya.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now